Crush

104 4 6
                                    

Hi, AiramFantasy! Here's your story. I hope you like it.

--

Crush
by vanunulat

Habang nagbabantay sa bakery namin, nakatulala lang ako sa kawalan dahil wala naman customer. Napapaisip ako tungkol sa mga bagay-bagay.

Bakit kaya madalas hindi tayo crush ng crush natin? Is it because they are too good for us? 'Yung tipong gwapo o maganda sila habang average lang ang itsura natin? Or sa social status ba? Intelligence rate? Personality? Popularity? Maybe those are the common reasons but in my case, hindi ako crush ni crush because he doesn't know my existence. Saklap 'no?

Paano kaya kung kilala niya ako? 'Yung magkakaroon kami ng moment na magkasama at magkausap. Sobrang saya ko siguro no'n kapag nangyari.

"God, baka naman po? Baka naman po pwede niyo akong bigyan ng himala. Sorry po for being demanding pero sana po gumawa kayo ng paraan para magkakilala kami ni Angelo."

Ganyan ang parati kong hinihiling sa Diyos sa tuwing naiisip ko ang reyalidad na hindi ako kilala ng crush ko at imposibleng mapansin niya ako. Haaay!

"Boo!"

"Ay, anak ng tokwa!" gulat kong sigaw.

Kahit hindi ko 'to tingnan, alam ko kung sino 'tong walang hiyang lalaki na hilig akong gulatin. Nakasimangot akong humarap sa kanya. Nasa tapat siya ng bakery, nakatayo't nakangiti sa akin.

"Rico naman, eh! Bakit ba ang hilig mong manggulat?"

Tumawa ito. "Palagi kasing malalim ang iniisip mo."

"Hmp! Ano bang ginagawa mo ngayon dito?" mataray kong tanong sa kanya.

"Bibili ng cupcakes," sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi ko inakala na 'yan ang ipinunta niya rito ngayon.

"OMG! Tama ba ang pagkakarinig ko na bibili ka ng cupcakes?"

"Yeah, is that surprising?"

"Oo! Very surprising!" sarkastiko kong sagot. "Kailan nga 'yung huling araw na bumili ka ng cupcake dito sa bakery?"

Nagkibit-balikat siya. Hindi niya matandaan dahil matagal na 'yon. Hindi na siya bumili ulit dahil hindi raw masarap ang bini-bake kong cupcake. Napakawalang hiyang kaibigan! Hindi man lang ako magawang suportahan. Tss!

"So, anong rason mo kung bakit ka bibili ngayon? Na-realize mo na bang masarap talaga ang bini-bake ko at magaling akong pastry chef?" tanong ko.

"Nope," mabilis niyang sagot. "May kaibigan lang akong gustong tulungan."

Eh? Bigla naman akong na-curious sa sinabi ni Rico. May tutulungan siyang kaibigan? Bakit? May kaibigan ba siyang nagki-crave ng cupcake?

"Anong klaseng tulong?" curious kong tanong.

"Isang NGSB 'yung kaibigan ko at nag-iisang single sa barkada namin kaya madalas tampulan ng tukso. Naisip namin na tulungan siyang makahanap ng girlfriend," pagkuwento niya.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon