Titanic: The Ship of Dreams

25 1 0
                                    

Titanic: The Ship of Dreams
by vanunulat

“Ang ganda talaga ng Titanic. Hindi nakakasawang panoorin,” sabi ko at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi ko.

Pinilit kong tumingin kay Lola na nakangiti kahit naiiyak pa rin ako sa sobrang impact ng Titanic. Nakaupo si Lola sa rocking chair at nakita kong nagpupunas siya ng mata. Umiiyak si Lola.

“Bakit ka po umiiyak?” tanong ko. “Naiyak ka po ba dahil namatay po si Jack at naiwang mag-isa si Rose?”

Umiling si Lola at ngumiti. “Hindi, apo.”

“Eh, bakit po kayo umiiyak?”

Malungkot na tumingin si Lola sa bintana at para bang may inaalala siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa edad niya kung kaya minsan ay bigla siyang nagiging emosyonal.

“Ano bang petsa ngayon, apo?” tanong ni Lola.

“April 15, 2020 po.”

“Alam mo bang ngayong araw ang ika-108 anibersayo ng RMS Titanic?” wika niya.

“RMS Titanic po?” ulit ko.

“It was the real ship of dreams, apo. Ang totoong lumubog na barkong tumama sa malaking iceberg sa North Atlantic Ocean.”

“Mukhang marami ka pong alam tungkol diyan, Lola. Kuwentuhan n’yo naman po ako.”

Napangiti si Lola dahil sa kasabikan ko. She loves telling me stories and I love listening to her. Minsan ganito ang bonding moment naming dalawa.

“Hindi ko pa naikukuwento sa ‘yo ang tungkol sa tatay ko, hindi ba?” Tumango ako sa tanong niya. “Ipapakilala ko ngayon sa ‘yo ang tatay ko, apo.”

Excited akong naupo sa paanan ni Lola para makinig ng kuwento niya tungkol sa kanyang tatay.

“April 15, 1912 was when the real Titanic sunk. Of the estimated 2,240 passengers and crew on board, more than 1,500 lost their lives, and only 705 people survived. At sa 705 survivors na ‘yon, marahil isa ako ro’n.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Marahil isa si Lola sa mga survivor ng totoong lumubog na Titanic? Pa’nong nangyari ‘yon? Nagpatuloy sa pagkukuwento si Lola at interesado naman akong nakinig.

“Isang British national ang ama ko pero hindi ko ito nasilayan ni minsan. Sa mga kuwento lang ni nanay ko ito nakilala,” pagkukuwento ni Lola.

“Gusto raw ng ama kong lisanin nila ng nanay ang Europa kaya nagdesisyon silang pumunta ng America. Sa America kung saan nila planong bumuo ng masayang pamilya. Sa America kung saan nila planong tuparin ang kanilang mga pangarap.” Sandaling tumigil si Lola pero nagpatuloy din. “Everyone said that the Titanic is the ship of dreams, kaya pinili nilang Titanic ang magdala sa kanila sa America.”

“Tapos, ano pong nangyari?” hindi makapaghintay kong tanong.

“Limang buwan pa lang ako sa loob ng sinapupunan ng nanay no’ng sumakay sila sa barko. April 10, 1912 nang umalis ang Titanic mula sa Southampton, England. And after stops in Cherbourg, France and Queenstown or Cobh in Ireland, the ship of dreams left for New York.”

“And just like in the movie, something terrible happened,” sambit ko at tumango si Lola.

“April 14, apat na araw na paglalayag sa karagatan, bandang 11:40 p.m. sa oras ng barko, tumama ang Titanic sa isang iceberg. At madaling araw ng April 15 ay lumubog ang barko sa kailaliman ng karagatan.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin ni Lola hanggang sa magtanong ako.

“Pero dahil nabuhay po kayo, Lola, ibig sabihin po ba ay naka-survive ang nanay at tatay n’yo sa paglubog ng barko noon?” tanong ko.

Malungkot na ngumiti si Lola. “My mother did, but my father didn’t.” Parang nadurog ang puso ko nang makitang tumulo ang luha mula sa mata ni Lola. “First class, mga babae at bata raw ang first priority na mapasakay sa bangka. Katulad ni Rose, ayaw ding iwan ni nanay si tatay at magkahiwalay sila.”

“So, anong ginawa ng nanay n’yo po, Lola? Nagmatigas din po ba siya katulad ni Rose?”

Umiling si Lola. “Umiyak daw si tatay kay nanay habang pinakikiusapan siya nitong sumakay na sa bangka. Nabigla si nanay. She said that it was the first time she saw my father cried. Kaya wala nang nagawa si nanay no’n kundi ang sumakay sa bangka. Kahit ayaw niya man ay bumitaw siya sa mahigpit na pagkakahawak kay tatay.”

“Then what happened next?”

“Iyon na ang naging huling pagkikita ng mga magulang ko, apo. Karamihan sa mga namatay ay lalaki. And unfortunately, my father was one those men.” Pinahid ni Lola ang mga luha sa pisngi. “Pagkatapos akong maipanganak ni nanay ay bumalik siya rito sa Pilipinas without the man who gave me to her.”

So sad. My Lola’s mother lost her man just like how Rose lost Jack.

“Gusto ko sana siyang makita kahit sa pictures man lang, but I never had the chance because we didn’t have any picture of him.” Lola forced a smile. “I’m so grateful to him for giving me 108 years of living in the world. He gave me long life that he never had.”

Hindi ko napigilang umiyak. Now I know that behind the fiction love story of Jack and Rose, there was really a love story that failed because of the wreck Titanic.

Titanic was supposed to be the ship of dreams, but it became the ship of tragedy.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon