Dead Stalker

58 3 0
                                    

Dead Stalker
by vanunulat

"Anong mas nakakatakot? Makakita ng 'di nakikita ng iba o nakikita ng iba ang hindi mo nakikita?"

Tahimik kong isinusulat sa sa aking kwaderno ang pinapakopya ng aming propesor. Natigil lamang ako sa pagsusulat nang kalabitin ako ng katabi kong si Aila. Napatingin ako sa kanya.

"Pwede mo ba akong samahan sa CR? Naiihi na kasi ako," aniya na hindi mapakali sa inuupuan.

Pumayag naman ako dahil gusto ko rin umihi. Nagpaalam muna siya sa aming propesor bago kami lumabas ng classroom at nagtungo ng CR. Pagdating namin doon, walang tao kaya agad kaming nakagamit ng tig-isang cubicle.

"Ahhh... sa wakas at nakaihi rin!"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Aila. Mayamaya ay narinig ko nang lumabas siya mula sa kabilang cubicle habang nasa loob pa rin ako at umiihi. May tumunog na ringtone.

"O, Ma? Wait lang po at hindi kita marinig nang maayos," narinig kong sambit ni Aila. "Rhea, hintayin kita sa labas. Mahina kasi ang signal dito sa loob."

"Okay," tugon ko.

Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Aila palabas. Sa pag-alis ni Aila, tumahimik ang CR. Ilang sandali matapos nitong umalis, may biglang kumanta. Napakunot-noo ako at biglang nakaramdam ng takot. Ngunit, naisip ko na marahil pinaglalaruan lang ako ni Aila. Mahilig kasi ito sa mga ganitong kalokohan.

"Walang hiya ka, Aila! Tumigil ka nga diyan. Akala mo ba matatakot mo ako?" natatawang sabi ko pero wala akong nakuhang sagot mula kay Aila.

Hindi tumigil ang pagkanta. Paulit-ulit lamang ang lyrics nito na hindi ko maintindihan. Parang kakaibang lengguwahe. Nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot. Nagmadali akong kumilos. Paglabas ko ng cubicle, wala akong naabutang tao sa loob ng CR kaya natataranta akong napatakbo palabas dito.

"Uy, okay ka lang?" tanong ni Aila nang makita ako. Ilang metro ang layo niya mula sa CR.

"Kanina ka pa nandito?"

"Oo, kausap ko si Mama. Mahina ang signal sa CR kaya pumunta ako rito," sagot niya.

"Sure ka? 'Di mo ba ako pinagtripan sa CR?"

Natawa ito. "Anong pinagsasabi mo?"

"May kumakanta kasi sa CR. Akala ko ikaw."

"May kumakanta?" gulat niyang tanong. "Imposibleng ako 'yon. Kanina pa ako nandito, Rhea. At wala ako sa mood ngayon para gumawa ng kalokohan."

Sa facial expression ni Aila, makikita kong nagsasabi siya ng totoo. Bakas sa mukha niya ang kaba at pagtataka. Pareho kaming dalawa na binalot ng takot kaya nagmamadali kaming tumakbo pabalik ng classroom.

Hingal na hingal kami nang makarating sa classroom. Natanong tuloy kami ni Prof kung bakit gano'n ang aming mga itsura kaya ibinahagi ko sa kanila ang nangyari sa akin sa CR.

"So, nagparamdam na naman pala siya?" saad ni Prof na nagbigay sa amin ng palaisipan.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" kabadong tanong ni Aila.

Hindi sinagot ni Prof ang tanong ni Aila, sa halip ay ngumiti ito at binalingan ako ng tingin. "Paulit-ulit ba ang liriko ng kanta?"

Mabilis akong napatango. Paano kaya niya nalaman? Narinig na rin kaya ito ni Prof?

"Alam niyo ba kung anong ibig sabihin ng kantang 'yon?" tanong ni Prof sa buong klase. Ngumisi siya bago muling nagsalita. "Look up, look up. 'Yon ang ibig sabihin ng kanta."

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon