That 1%

54 2 0
                                    

This one-shot is published under wesaPHofficial for Summer Retreat Anthology.

That 1%
by vanunulat

Ilang buwan na lang ay magtatapos na ako sa kursong Nursing kaya naka-pokus akong mabuti ngayon sa pag-aaral. Lahat ng bagay na maaaring makasagabal sa aking pag-aaral ay iniiwasan ko, kung kaya't isa akong certified N.B.S.B. o No Boyfriend Since Birth.

Wala pa akong nagiging boyfriend hindi dahil pangit ako at walang manliligaw. Marami nang sumubok na manligaw sa akin pero wala akong pinagbigyan. Bukod sa 'study first' ang motto ko sa buhay at ayoko ng distraction, masyado ring mataas ang standards ko pagdating sa lalaki. Kaya lalapit pa lang sila ay naglalakad na ako palayo.

Ngunit, makalipas ang tatlong buwan ay may nagparamdam ulit sa aking manliligaw. His name is Anton Galicia. Ang tipo ng lalaking hindi ko talaga magugustuhan. He didn't have the looks that I was looking for my ideal guy. Hindi naman siya pangit at hindi rin siya guwapo, pero aaminin kong matangkad siya, may matangos na ilong at magandang pangangatawan. He could actually be a model, but he was justbreally not my type.

Three years ang age gap namin. Elementary graduate lang siya kaya isa lamang siyang tricycle driver. Nagkakilala kami noong minsan niya kaming naging pasahero ng mga kaklase slash kaibigan ko na rin. Masyadong bully at mahilig gumawa ng kalokohan ang mga kaibigan ko pero hindi ko akalain na ako ang magiging target nila nang araw na iyon. Habang nakasakay sa tricycle, bigla na lamang nila akong tinukso sa kanya.

"Kuya, baka naghahanap ka ng girlfriend. May single kami ritong kasama, baka gusto mo?" natatawang sabi ni Macky, isang beki kong kaklase.

"Sino r'yan?" nakangiti nitong tanong.

"Itong magandang katabi ko," wika ni Jhoy, sabay turo sa akin. "Bea Christine Alimorong ang pangalan niya."

Napunta sa akin ang paningin nitong tricycle driver. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. I suddenly felt conscious by the way he stares at me. Kinilabutan ako kaya napangiwi ako't umirap.

"Ang ganda ba, kuya?" tanong ni Patricia.

"Sobrang ganda kahit masungit," nakangiting tugon nito kaya naghiyawan ang mga kasama ko.

Akala ko, hanggang doon na lang ang biruan na iyon. Inisip kong hindi na masusundan ang araw na iyon at hindi ko na ulit siya makikita. Inakala ko ring hindi siya seryoso at nakikipagbiruan lang sa mga kaklase ko. Ngunit, nabigla na lamang ako nang isang araw na nag-aabang siya sa akin sa labas ng school. Sobrang nagulat ako noon at biglang nataranta.

Tatakasan ko na sana ito pero ang talas ng kanyang paningin, agad niya akong nakita. Nakangiti siyang lumapit sa akin at inabutan pa ako ng isang piraso ng pulang rosas. Todo tukso tuloy ang mga kaibigan ko sa akin.

"Hi, Bea!" bati niya habang inaabot sa akin ang rosas.

Nandidiri akong tumingin sa kanya saka kinuha ang bulaklak ng rosas at itinapon sa isang tabi. Nagkantiyawan ang mga kaklase ko sa ginawa ko, samantalang nagulat naman siya bagaman at nakuha pa ring ngumiti pagkatapos.

"Hindi mo ba gusto ang rosas?"

"Ikaw ang hindi ko gusto, kaya pwede ba, tigilan mo ako!"

Akala ko ay titigilan na niya ako pagkatapos ng ginawa ko noong sandaling iyon, pero ang lakas ng kanyang confident at fighting spirit. Naniniwala siyang may isang daang porsyentong tiyansa siya sa akin. Nagpatuloy siya sa panliligaw kahit palagi ko siyang pinagtatabuyan at pinapahiya sa harap ng mga kaklase ko.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon