He's Waiting For His Ex

140 5 0
                                    

Hi, Alexa_Janine! Here’s your requested story. I hope you like it.

He’s Waiting For His Ex
by vanunulat


Napakamot si Justine sa ulo at napilitang lumapit sa dalawang kabigan niya nang tawagin siya ng mga ito paglabas niya ng kanyang pinagtatrabahuhan. May kasama itong isang magandang babae kaya kahit hindi na siya magtanong ay alam niya na kung anong pakay sa kanya ng mga ito.

“Bro, si Mikka, gusto ka raw niya makilala,” pakilala ng kanyang kaibigan sa kasama nitong babae.

“Hi, Justine!” Ngumiti ang babae at nilahad ang kamay dahil gustong makipag-handshake sa kanya.

Ngumiti rin siya rito pero hindi niya tinanggap ang kamay nito. “Nice meeting you. Pasensiya na pero kailangan ko nang umalis. Marami pa kasi akong gagawin.”

Matapos magpaalam ay tumalikod na siya at naglakad paalis. Narinig niyang nagpaalam sa babae ang mga kaibigan niya at naramdaman niyang sumunod ang mga ‘to sa kanya.

“Hoy, bro! Anong ginawa mo?” tanong ni Ruel at bakas ang inis sa boses nito.

“Ang ganda na ni Mikka pero tinanggihan mo pa rin? Ayos ka rin, ‘no?” sabi naman ni Arjay.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ang mga ito. Humarap siya sa dalawang kaibigan at mahinahon itong kinausap kahit nayayamot na rin siya sa ginagawang pagreto ng mga ito sa kanya sa iba’t ibang babae.

“Mga bro, alam niyo naman na committed na ako sa isang tao ‘di ba?”

“Apat na taon ka nang naghihintay sa kanya, hindi ka pa ba napapagod, bro?” tanong ni Ruel.

“Malabo nang magbalik ‘yon kaya kung ako sa ‘yo, maghanap ka na ng ibang pwedeng ipalit sa kanya,” sabi ni Arjay.

“Ayokong magkasira tayo mga bro kaya pwede bang huwag niyo na lang akong pakialaman?” mariing sabi niya habang pinipigilang ilabas ang galit na nararamdaman. “Aalis na ako.”

Pagdating sa apartment house na kanyang tinitirhan, pumunta siya sa kanyang silid. Mabilis siyang nagpalit ng damit at humiga sa kama. Napatingin siya sa dream catcher na nakasabit sa binatana ng kanyang kwarto. Ibinigay ng kanyang dating girlfriend ang bagay na ito no’ng huli nilang pagkikita. At sa tuwing makikita ito, bumabalik sa kanyang alaala ang huli nilang pag-uusap.

“Ano ‘to?” tanong niya nang may i-abot itong paper bag.

“My farewell gift,” sagot nito. “It’s a dream catcher. It block bad dreams and catch good ones.”

“Ba’t mo ako binibigyan nito?”  tanong niya.

“Palagi kang binabangungot ‘di ba? Kapag umalis na ako, wala ka nang katabi sa pagtulog kaya tutulungan ka niyan para magkaroon ka ng magagandang panaginip.”

“Makikita ba kita sa mga panaginip na ‘yan?”

Natawa ang kanyang girlfriend sa sinabi niya pero ilang sandali lang ay natahimik ito. At nang muli itong magsalita, parang dinurog nito ang puso niya.

Let’s break up.”

“Jenean, bakit?” nagtatakang tanong niya. “May nagawa ba akong mali? Hindi mo na ba ako mahal?”

“Wala kang maling ginawa and God knows how much I love you pero aalis ako ‘di ba? Magkakahiwalay tayo. Hindi tayo magkikita at magkakapiling kaya gusto kong palayain natin ang isa’t isa bago ako umalis,” wika nito. “Para if ever man na dumating sa punto na makahanap ka ng iba dahil wala ako sa tabi mo, hindi ka mahihirapan.”

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon