Followback

222 9 0
                                    

Followback
by vanunulat

Nakatambay ako ngayon sa Instagram dahil inaabangan ko kung online si Miguel. Sana mag-post siya ngayon para makapag-comment ako. Kasi naman, e! May hihingin akong favor sa kanya. Ilang beses na rin akong nag-send ng DM sa kanya pero no response. Pa-peymus!

Mayamaya pag-reload ko ng feeds ay may lumabas ng post niya. Two seconds ago pa lang matapos niyang i-post. Yay, ang swerte ko!

At kahit seconds pa lang, hakot likes na at comments. Ikaw ba naman na heartthrob at famous sa school ninyo? Ni-like ko ang post at nag-comment.

@imjenchua: Hi @itsmiggy! Followback naman please? Hihi. Thanks in advance! :)

Nagtambay lang ako sa post niyang iyon, nagbabakasakaling sumagot siya sa comment ko. Pero nainis lang ako dahil sa mga nabasa kong replies at comments na na-mention ako.

@heaven143: Ang kapal mo naman @imjenchua! Sino ka ba para i-followback niya?!

@veronica13: Oo nga. Eh, tayo nga na admirers niya, hindi ma-followback. Ehem. Kapal muks? @imjenchua

@fionaganda: Oh my gosh! Shameless @imjenchua!! Mahiya ka naman sa amin at kay @itsmiggy

@ladygagash: Ganda ka?! @imjenchua >,<

Grabe naman! Humingi lang ako ng followback, marami agad akong nakuhang hate comments. Daig ko pa ang naging kontrabida sa teleserye at naging third wheel ng isang sikat na love team.

Ang sama nila. Ginto ba ang followback nitong si Miguel at sobrang ipinagdadamot nila? Hays! Kung hindi lang dahil sa dare, hindi ko naman talaga gagawin ito. Dahil sa katuwaang laro naming magkakaibigan kung saan ang matatalo ay bibigyan ng dare na dapat magawa within 3 days dahil kung hindi, ide-date si Caloy na manyakis at sira ulo naming kaklase. Ayaw ko naman i-date 'yon kasi ngiti pa lang no'n ay parang ginahasa ka na.

Unfortunately, natalo ako sa laro at ang dare sa akin ay dapat i-followback ako ni Miguel Falcon sa instagram within 3 days. Ang sasama ng mga kaibigan ko. Siguro kaya iyon ang ibinigay nilang dare sa akin dahil alam nilang iba-bash ako ng mga admirers nitong si Miguel at hundred percent sure silang hindi ko magagawa ang dare kaya ide-date ko si Caloy. Huhuhu!

Kaya napagdesisyunan kong kausapin na lang sa personal si Miguel dahil alam kong wala akong pag-asa na mag-respond siya sa DM ko sa instagram at ayoko na rin mag-comment sa post niya dahil paniguradong aawayin na naman ako ng mga followers niya.

Kinabukasan, inabangan ko siya sa spot ng school kung saan ko siya palaging nakikitang dumadaan. Bukas na kasi ang deadline ng dare na kapag hindi ko nagawa... date with Caloy is waving at me.

Nakita kong parating na si Miguel. Inayos ko ang sarili ko. Hindi dapat ako mabigo sa gagawin ko dahil kung mabigo ako, katapusan ko na!

"Hi, Miguel!" walang hiyang bati ko sa kanya at talagang humarang pa ako sa harapan nito. Tumingin siya sa akin na gulat at naguguluhan pero tumango lang siya at nilampasan ako.

"Miguel! Sandali lang!" pagtawag ko kaya napatigil siya.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at hinintay ang sasabihin ko. Bwisit! Sobrang nakakahiya ang gagawin ko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa na kinatatayuan ko ngayon.

Shems! Ang kapal na talaga ng pagmumukha ko ngayon pero kailangan kong gawin ito.

"Miguel, followback naman sa instagram. @imjenchua username ko. Please?"

Nakita ko siyang ngumisi at napailing-iling. Tinalikuran niya na ako at nagsimula ulit sa paglalakad. Ano 'yon? Dinedma ba ako? Hindi pwede! Tumakbo ako at hinabol siya. Pumunta ako sa harapan niya at tiningnan siya, mata sa mata. Desperada na ako ngayon. Kailangang magawa ko 'to.

"Uy! Sige na. Kailangan lang talaga," pakiusap ko.

"Give me a valid reason why I should follow you back," aniya.

Napayuko ako at napakamot sa ulo. Ano bang dapat kong sabihin? Ang dami naman alam at arte ng lalaking ito. Psh!

"Nagkaroon kasi kami ng game at natalo ako. At 'yung dare na natanggap ko kapag hindi mo ako i-followback, ide-date ko ang manyakis naming kaklase," paliwanag ko. "Kaya kung hindi mo ako ipa-followback, mawawala ang dignidad ko bilang babae. Makakaya ba 'yon ng konsensiya mo?"

Ngumisi siya bago lumapit sa akin at bumulong sa tainga ko. "It's your fault, not mine."

Pagkasabi niya no'n, tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong down na down at nabigo. Parang na-busted ako ng nililigawan ko. My God! I'm dead. I'm going to date the maniac jerk.

-

"Go, Jen! Punta ka na do'n sa place kung saan ang date niyo ni Caloy," sabi ng isa sa mga kaibigan ko at nagtawanan sila. Mga bruhang 'to!

"Pinaghandaan namin ang date niyo. Romantic na romantic!" pang-aasar pa nila sa akin.

Mga walang hiya silang kaibigan! Talagang tuwang-tuwa pa silang makikipag-date ako sa nilalang na 'yon. Ugh!

Bwisit kasi 'yung Miguel na 'yon! Followback lang ay 'di pa maibigay. Hindi naman niya ikamamatay kapag ginawa niya 'yon. Nakakainis siya! Ang gwapo nga, saksakan naman ng sama ng ugali.

Naglakad na ako patungo sa lugar kung saan ang date ko. Tss! Pagdating ko, imbes na matuwa ako dahil sobrang ganda ng lugar at talagang pinaghandaan, eh, napasimangot lang ako. Ang ganda nga ng lugar pero hindi mo naman gusto ang ka-date mo.

Nakasimangot akong naupo sa setup table. Ang galing at wala pa ang lokoloko. Ako 'yung babae tapos ako pa 'yung pinaghintay? Iba din! Anong akala niya? Patay na patay ako sa kanya para paghintayin ako?

Pasulyap-sulyap ako sa wrist watch ko. Ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Feeling VIP ang lokoloko. Psh!

Mayamaya ay may biglang sumulpot na bouquet ng bulaklak sa harapan ko na nagmula sa likuran ko. Hindi ako lumingon dahil paniguradong mukha niya ang makikita ko. Kinuha ko na lang ang bouquet at inis na inilapag sa mesa.

"Ang tagal mo-"

"Jennifer Chua."

Namilog bigla ang mga mata ko sa gulat pagkakita sa taong umupo sa harapan ko. Nakangiti lang ito habang prenteng nakaupo.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?" naguguluhang tanong ko.

"Chill. Ayaw mo ba? Mas pipiliin mo bang maka-date 'yon kaysa sa akin?"

"Teka. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari."

"I talked to your friends and told them that I followed you on IG," nakangiting paliwanag niya.

"Talaga?" gulat pero masayang sabi ko saka umaktong na-touch sa ginawa niya. "Aww, thank you, Miguel. So, pwede na akong umalis? Baka kasi sumulpot pa 'yon."

"Nope. You can't just leave," sabi niya.

"Bakit naman?"

"Syempre, may kapalit yung hiningi mong favor sa akin," sabi niya. "I followed you on instagram so will you also follow my request?"

"Sure. Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Let's start dating."

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon