Sukli
by vanunulatNasa sala ako habang nanonood ng K-Drama sa cellphone nang bigla akong tawagin ni Kuya na nasa tindahan namin. Napairap ako. Tinigil ko ang panonood at padabog na tumayo mula sa sofa at nakasimangot na pumunta sa tindahan.
"Bakit na naman?" inis kong tanong habang naka-crossarms.
"Umalis sina Mama at Papa. Inutusan nila akong mamili ng mga paninda kaya ikaw na muna ang magbantay dito sa tindahan ngayon. At pwede bang pakiayos 'yang pagmumukha mo!"
"Kuya naman, eh! Nanonood ako ng My ID is Gangnam Beauty! Mamaya na lang kasi!" pagrereklamo ko.
"Mas importante pa ba 'yang K-Drama kaysa sa negosyo natin?" tanong niya.
"Sige na po! Ako na ang magbabantay," inis kong sagot. "Basta, bilhin mo 'ko ng isang garapon ng Stick-O, ah?"
"At may bilin ka pa talaga? Tsk!" sabi niya at saka umalis.
Naupo ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Gosh! I can't resist Cha Eun Woo's handsomeness kaya manonood pa rin ako ng Korean drama kahit nagbabantay nitong tindahan. Walang makakapigil sa akin.
Napatili ako. "Oh my God! Ang gwapo talaga ni Do Kyung Seok at nakakakilig sila ni Kang Mi Rae!" kinikilig kong sabi.
"Pabili."
Narinig kong sabi ng nasa tapat ng tindahan namin pero hindi ko muna ito pinansin dahil tutok ako sa cellphone ko. Ang cute kasi ng scene. Nakakakilig!
"Ah, miss? Pabili naman." Narinig ko ulit na sabi ng bumibili.
Tsk! Excited naman 'tong si kuya. Hindi man lang makapaghintay? Hays! Kaya ayaw na ayaw kong nagbabantay dito eh. Daming istorbo. Tsk!
"Ano 'yon?!" May kalakasan kong sigaw dahil sa inis.
Nilingon ko ito at nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako bigla. Parang nanlambot ang tuhod ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sinigawan ko siya? Ano'ng attitude 'yon, Minzy?
Shemay! Si Kenneth Lee pala ang bumibili. Haayys! Ito 'yung crush ko. Half-Pinoy and half-Korean. Dahil sa kanya kaya ako nagka-interest manood ng K-Drama. Ngayon lang siya pumunta dito sa tindahan. Palagi ko lang siyang natatanaw kapag nag-jo-jogging siya sa umaga.
"Ay, sorry Ken. Nanonood kasi ako. Pasensiya na sa inakto ko." Pakimi kong sabi.
"You know my name?" Tanong niya na parang nagtataka.
"Hehehe oo." Nahihiyang sagot ko. "Ano nga pala ang bibilhin mo?"
"Ikaw."
"Ako?" Gulat na tanong ko.
"No. I mean, anong pangalan mo?"
"Mina Kaezy Garcia, Minzy for short." Pakilala ko sa sarili ko.
So disappointing! Akala ko pa naman ay ako talaga ang bibilhin niya. Umasa ako, uy! Chos! Ang harot ko na naman.
"Ah, okay. Nice meeting you." Nakangiting wika niya. "Ano bang masarap na tinda ninyo, Minzy? First time ko kasi bumili sa sari-sari store, eh."
"Anything. Lahat ng tinda namin ay masarap pero 'yung edible na tinda lang ang tinutukoy ko, ah. Hindi kasi lahat ng tinda namin ay pagkain. Hehe."
Napangiti siya. Suskopo! Ang pogi!
Pinasadahan niya ng tingin ang mga tinda namin. Cute na cute ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang mamili. Grabe talaga! Ang gwapo niya. Pwede siyang maging leading man sa isang Korean novela. May hawig nga siya kay Jinyoung. 'Yung batang Yohan ng My Love Donna at member ng K-pop boy group na GOT7.
"I want this one." Sabi niya, sabay turo sa garapon ng sampalok.
"Sige, wait lang. Ilan ba ang bibilhin mo nito?" Tanong ko habang binubuksan ang takip.
"Give me twenty pieces." Nakangiting sabi niya.
Kumuha naman agad ako ng benteng piraso ng sampalok. Ang dami niyang binili. Maubos at masarapan kaya siya sa lasa nito? Matapos kong makompleto ang sampalok, isinilid ko 'to sa maliit na plastic at inabot sa kanya.
"How much?"
"Twenty pesos. Piso kada piraso." Sagot ko sa tanong niya.
Binigyan niya ako ng pera. Imbes na 'yung perang inabot niya ang tingnan ko, ang mga palad namin ang tiningnan ko na sandaling nagkadikit. Gosh! May spark! May spark na ako lang ata ang nakaramdam. Huhu.
"Sige, thank you." Aniya at naglakad na paalis.
Nang tingnan ko ang perang hawak ko na ilalagay ko na sana sa lalagyan, nabigla ako. "Hala! Fifty pesos 'to, ah. Sobra ang binigay niya."
Dumungaw ako sa tindahan at nakita si Ken na hindi pa naman nakakalayo sa tindahan. Tinawag ko siya nang paulit-ulit hanggang sa lumingon siya.
"Bumalik ka dito!" Sigaw ko. Marahil narinig naman niya nang maayos ang sinabi ko kaya naglakad siya pabalik sa tindahan.
"Ano 'yon?" Nakangiti niyang tanong nang makalapit siya.
"Sobra ang binigay mo. Hindi pa kita nasuklian. Umalis ka kasi agad, eh."
"No, it's okay. Just keep the change." Nakangiti niyang sabi.
"No! Susuklian kita." Sabi ko at inabot ang lalagyan ng pera. Kumuha ako ng thirty pesos dito.
"Eto ang sukli mo." Sabi ko, sabay abot sa kanya ng sukli kaya muling nagdikit ang mga palad namin. "Ayan, nasuklian na kita. You can go now."
Tiningnan niya 'yung sukli na nasa kanyang palad at parang binilang ito. Napansin kong bigla siyang nag-pout. Ang cute niya! Tumingin siya sa akin nang naka-pout pa rin. Hala! Bakit? Mali ba ang sukli ko?
"Bakit? Kulang ba ang sukli ko?" Nag-aalala kong tanong at tumango siya. "Ha? Ba't nagkulang? Eh, tama naman ang bilang ko kanina."
"Tama naman ang sukli pero parang kulang pa rin, eh."
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"Kulang ng pagmamahal mo. Nabayad ko kasi ang buong puso ko sa 'yo kaya sana ay masuklian mo."