Sleepover
by vanunulatNapahinto sa ginagawa si Athea nang tumunog bigla ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang caller’s ID at nang makitang mula sa kaibigan ang tawag ay kaagad niya itong sinagot.
“What’s up, Jam?” bungad niya.
“I’m on my way to Katie’s house,” wika nito. “Nasa’n ka na?”
“Hinahanda ko pa ang dadalhin kong foods pero patapos na rin. Maliligo lang ako then susunod na agad ako.”
“Dalian mo. It’s already 7:35 PM so for sure naghihintay na sa ‘tin sina Katie at ang kanyang boyfriend.”
“Yeah,” she answered. “See you guys there!”
Pinagpatuloy niya ang ginagawa nang matapos ang tawag. Nagmadali siyang kumilos dahil kailangan nandoon na siya bago sumapit ang 8 PM. Nilagay niya sa magkahiwalay na container ang ginawang carbonara at pizza rolls.
Nag-aya ang kanilang kaibigang si Katie ng sleepover sa bahay nito dahil kararating lang nito galing ibang bansa. Doon ito nagbakasyon kaya matagal silang hindi nagkita-kita.
Matapos maihanda ang mga dadalhin, agad siyang naligo at nagbihis. Paglabas niya sa kanyang inuupahang apartment, may bumungad na pusang kulay itim na ikinabigla niya. Kinilabutan siya dahil sa paraan ng pagtitig ng pusa sa kanya kaya itinaboy niya ito dahilan ng pagkaripas nito ng takbo.
“Oh, God! Huwag naman sana akong malasin,” bulalas niya.
She went to her friend’s house by taxi. It took twenty minutes when she arrived. Pagbaba niya ng kanyang sinakyan, agad siyang pumasok sa gate ng isang malawak na lupain. Ilang distansiya pa ang nilakad niya mula sa gate bago narating ang napakalaking bahay ng kaibigan.
Hindi pa man siya nakakatungtong sa harapan ng pinto ay bumukas na ito at iniluwa ang kanyang kaibigang si Katie. Ngumiti sila sa isa’t isa at naglakad siya palapit dito saka sila nagyakapan.
“What took you so long?” nakanguso nitong tanong.
“Sorry, Katie. Kilala mo naman akong mabagal kumilos,” tugon niya. “Anyways! I missed you so much!”
“I missed you too, Athea!” nakangiting sabi nito. “Come in.”
Pumasok sila sa loob ng bahay. Ilang beses na siyang nakarating dito ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ang mamangha sa laki at ganda ng bahay ng kaibigan.
“I prepare your favorite carbonara and pizza rolls,” sabi niya.
“OMG! Thank you! Nag-abala ka pa.”
“Wala ‘yon. Na-miss kita, eh.” Napangiti ang kaibigan sa sinabi niya. “Ang ganda ng bahay niyo pero sobrang tahimik. Ganito ba talaga kapag sobrang laki?”
“I think so,” natatawang tugon ng kaibigan. “Pero tayo lang apat ang nandito. Parating pa lang sina Mom and Dad bukas pati ang mga maids na nagbakasyon habang nasa ibang bansa kami.”
“Nasa’n si Jamaica at Miguel?” tanong niya nang hindi mamataan ang ibang kaibigan.
“They are upstairs watching at the movie room. Bumaba lang ako para salubungin ka,”
“Anong movie ang pinapanood?” sabik niyang tanong.
“The Purge.”
“Nice! Tara, puntahan na natin sila!”
“You go first. Maghahanda lang ako ng gagamitin natin para sa foods.”
“Tulungan na kita,” she volunteered.