Goodbye
by vanunulatI'm always happy being with him. He never fails to make me feel special every time we are together. Tulad ngayon, nasa condo unit niya kami at nagce-celebrate ng monthsary namin. Sixth monthsary.
Magkatabing nakaupo kami sa couch habang nanonood ng movie. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Para-paraan lang, ha?" Nakangiti kong sabi.
"Just let me hold your hand. I miss you so much." Tugon niya.
After three days na hindi namin pagkikita, ngayon lang kami nagkitang muli. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging busy ako sa trabaho. Isa kasi akong doktor kaya busy palagi ang schedule. Nalulungkot ako at nakokonsensiya dahil bihira ko na lang siya mabigyan ng oras. Wala naman akong magawa dahil trabaho 'yun. It's hard to choose between him and my job.
Biglang tumunog ang cellphone ko. I'm hesitating to pick up the call because I told him na sa kanya lang ang oras ko ngayon. Napatingin ako kay Marcus nang bitawan niya ang kamay ko.
"Sige na. Sagutin mo na." Wika niya. Ramdam ko ang disappointment sa boses niya.
"Sorry, babe." Sabi ko sa kanya at sinagot ko na ang tawag. "Ano? Pero day off ko ngayon. Tsk! Okay, fine. Bye." I ended the call.
Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Nahihiya akong sabihin sa kanya na iiwan ko na naman siya ngayon dahil kailangan ako sa trabaho. Ugh!
"May sasabihin ka?" Tanong niya without looking at me. Nakatingin lang siya sa TV.
Ugh! Ang hirap naman. Ang hirap mag-isip ng sasabihin sa tuwing nangyayari ang sitwasyon na ito. Ano ang sasabihin ko para hindi siya magtampo?
"Ba't hindi ka nagsasalita?" Tanong niya uli.
"Sorry Marcus. Kailangan kasi ako sa ospital. Marami raw pasyente pero iilan lang ang doktor."
Tumingin siya sa akin pero agad ding binawi. "Iiwan mo uli ako. Sige. Umalis ka na." Walang emosyon niyang sabi.
"Marcus-" Pinutol niya ang balak kong sabihin at tumingin uli sa akin. Pero ngayon nakangiti na siya. Biglang gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa ngiting iyon.
"Sige na. Puntahan mo na sila. Kailangan ka nila doon. Bumawi ka na lang next time." Sabi niya at ngumiti.
Napangiti naman ako. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi.
"Para-paraan ka rin, ano?" Sabi niya pagkatapos ko siyang halikan.
"Thank you for always understanding me. I love you." Sabi ko.
"I love you more." He responded.
"Promise talaga. Sa susunod sa 'yo lang ang oras ko. Babawi ako." Sabi ko.
"Promise mo 'yan." Paninigurado niya at tumango ako.
* *
I can't contact Marcus. What's happening to him? Is he mad at me because I left him yesterday? Pero hindi ba sabi niya okay lang daw? Na naiintindihan niya ako? Bakit ngayon hindi ko ma-contact ang phone number niya?
Hindi naman ako makapunta sa kanya dahil hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko sa oras na ito. Hayy.
I dialed his number again. At katulad kanina may nagsalita pero hindi naman siya kundi 'yong boses ng babae na nagsasabing unattended daw ang tinatawagan ko. Tss!
"Doctor Sheena!" Tawag sa 'kin ng assistant nurse ko na si Pinky.
"May isinugod pong pasyente ngayon at nag-aagaw buhay po siya." Balita niya sa 'kin. Itinago ko sa loob ng bulsa ang cellphone. Siguro mamaya ko na lang uli siya tatawagan. Baka mamaya, ma-contact ko na rin siya.
"Nasa'n na ang pasyente?" Tanong ko.
"Emergency room." Sagot niya at nagmamadali kaming tumakbo papunta doon.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.
"Car accident po raw." Sagot sa 'kin ni Pinky. Nakapasok na kami ng tuluyan sa ER.
"Ihanda ang lahat ng kakailanganin." Utos ko sa kanila habang inilalagay ang hospital gloves ko.
Nagulat ako pagkakita ko sa pasyente. Natigilan ako bigla. Parang bigla ring tumigil ang mundo ko. Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko pero tila nanghina ang paghinga ko. Biglang may kumawalang mga luha sa mga mata ko at parang nanghina ang katawan ko.
"Marcus.." I uttered as another teardrops came out.
Ito 'yong kinatatakutan ko sa lahat. Ang makita ang taong mahal ko na nakahiga sa hospital bed habang nag-aagaw buhay.
Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko. Mabilis akong gumalaw para asikasuhin si Marcus. Gagawin ko ang lahat-lahat para iligtas siya. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi ko kakayanin. Hindi ko kayang mawala siya. Magaling akong doktor. Alam kong kaya ko 'to. I'll do my best to save my my everything.
Three days later.
"Ang daya mo. Namatay ka na may utang ako at pangako. " Bulong ko habang umaagos ang mga luha mula sa mga mata ko.
Nasa sementeryo ako ngayon at katatapos lang ng libing ni Marcus. Mugto ang mga mata ko at hinang-hina ang katawan ko dahil sa bigla niyang pamamaalam.
Ang sakit lang. Ang sakit pala 'pag nawala ang taong mahal mo. Ang kirot sa puso. Parang gusto mo na lang sumunod sa kanya dahil parang hindi mo na rin kayang mabuhay kapag wala siya. Ang hirap.
Hindi ko pa matanggap ang pagkawala niya. Pero ang mas lalong hindi ko matanggap ay 'yung hindi ko siya nailigtas. Nasa kamay ko ang chance para mabuhay siya pero hindi ko nagawa. I'm a great doctor they say but I am not. I'm worst!
"I'm so guilty, you know? How can I fulfill my promise if you're gone?" Sabi ko at 'di ko napigilan ang mapahagulgol. "Sana sinamahan na lang kita. Sana hindi na 'ko umalis sa tabi mo at piniling manatili kung alam kong mangyayari ito." Pinunasan ko ang pisngi ko.
"Bakit mo naman ako iniwan? Paano na ako?" Iyak ko. "Mahal na mahal kita, Marcus. Ikaw lang ang una at huling lalaking mamahalin ko. You will stay in my heart forever." I said.
"Please, hintayin mo 'ko diyan. Magsasama naman uli tayo. Sana wag kang mainip maghintay sa 'kin. I love you so much. Goodbye for now but see you soon."
The End.