Fleeting Summer Love

30 2 0
                                    

Fleeting Summer Love
by vanunulat

I'm a writer in a slump at the moment. My mind that used to be creative in making great story ideas can't think of anything to write. Ilang weeks nang hindi ko madugtungan ang kuwentong isinusulat ko, and that makes me so frustrated.

It's summer vacation. I was really excited by this.

Pumunta ako ng coffee shop dala ang laptop. Sa mismong coffee shop na iyon, nakilala ko siya. Ang lalaking sa una'y estranghero sa akin pero kalauna'y naging kaibigan ko at unang pag-big.

"Writer?"

"Aspiring writer."

"Nice. Pwede ko bang mabasa ang story mo?"

Iyon ang naging una naming pag-uusap. Nabigla ako noon. Isang estranghero ang nais magbasa ng sinusulat ko. Nag-alangan ako dahil hindi pa ako confident. Wala pa akong reader kahit isa kaya wala pang nakabasa ng mga sinusulat ko.

First time na may gustong magbasa. Natuwa ako kaya kahit nag-aalangan ay pinabasa ko sa kanya ang first draft ng nagawa kong short story.

"Kumusta?" kabado kong tanong.

"May kaunting technicalities at hindi gaanong detalyado ang pagkuwento pero may potential."

Nalaman kong mahilig siyang magbasa kaya magaling siyang mag-advice. Madalas na kaming magkita simula ng araw na iyon. Tinulungan niya ako sa pagsusulat kaya nakaahon ako mula sa writer's block. Siya ang naging adviser, editor at first fan ko.

"I know, you'll be a great writer someday. Kapag nangyari 'yon, huwag mo akong kalimutan."

Palagi niya iyon sinasabi kaya tumatak na sa isip ko. Sa tuwing nagsusulat ako ay nasa tabi ko siya, ginagabayan ako. Palagi kong nararamdaman ang pagtitig niya sa akin kaya palaging kumakalabog ang puso ko kapag kasama ko siya.

"Ang daya naman. Noong una, okay lang na basahin ko ang mga sinusulat mo tapos ngayon, hindi na. Nagbago ka na. Hindi mo na pinapahalagahan ang first fan mo."

"Ang OA! Pero, promise. Ikaw unang makakabasa nito kapag natapos ko na."

Pero hindi 'yon nangyari. Iyon na kasi ang huling araw ng pagkikita namin. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa coffee shop, nagbabakasaling makita ko siyang muli pero bigo ako palagi.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat at ginamit ang mga natutunan ko sa kanya. After two years, nabigyan ako ng magandang opportunity. Isinalibro ng isang kilalang publishing company ang nobela ko. Yung nobelang gusto niya sanang basahin.

Summer vacation nang magkaroon ako ng first booksigning. Sobrang saya dahil maraming tagahanga. Sa isip ko, sana nandito siya at nakikita ang success ng tinulungan niyang aspiring writer noon.

After the booksigning, pumunta ako sa coffee shop. There, I saw him again. Nakaupo sa table habang binabasa ang aking libro. Kumakalabog ang puso ko habang naglalakad palapit sa kanya. Umangat ang tingin niya nang mapansin ako.

"Hey." Nakangiti siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. "I'm so happy to see you again."

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Ang sama mo!"

"Sorry, sorry for leaving without telling you. I'll answer whatever you ask me." Inabot niya ang mukha ko at saka marahang hinaplos ang pisngi ko. "I'm glad you didn't forget me."

"Pa'no kita makakalimutan, you were my first fan and..." I paused for a moment and looked away before I continue my sentence. "first love?"

Hindi siya nagsalita kaya bumalik ang paningin ko sa kaniya. And I saw his face with a big smile.

"I read a wonderful book entitled 'Fleeting Summer Love', and I came here because I would like to ask something to the author," nakangiting sabi niya.

"And what do you want to ask for me?"

"Would you like us to turn that fleeting summer love into an endless love?"

I stared at him for a moment without saying a word. I smiled and answered him by a kiss.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon