Hi, AnnaKristella! Here's your story. I hope you like it.
--
Stalker
by vanunulat"Yes!" sambit ko nang perpekto kong makunan ng litrato ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko.
Napangiti ako habang tinitingnan ang picture sa cellphone ko. Lintek! Stolen shot na nga ang picture ko sa kanya pero ang gwapo niya pa rin. Tao ba talaga 'tong si crush?
"Hoy, Kristel! Sinusundan at kinukunan mo na naman ng pictures si Aelred, 'no? Ikaw talaga, napaka-stalker mo!"
"Manahimik ka, Gracelyn Ann!"
"My God! Patay na patay ka talaga sa kanya," umiiling nitong sabi. "Pero, friend, tumigil ka na. Wala kang mapapala kay Aelred. Imposibleng maging mutual ang feelings niyo para sa isa't isa. Ni hindi ka nga niya kilala."
"Will you shut up? Hayaan mo na ako sa kung anong magpapasaya sa akin, okay?"
Napa-irap ito. "Ano pa bang magagawa ko? Eh, 'di ka naman talaga nakikinig sa akin," saad nito. "Bahala ka na nga sa buhay mo!"
Nilayasan ako ng kaibigan ko kaya nagpatuloy ako sa pagbuntot kay Aelred. I'm so deeply in love with him for almost four years even he doesn't aware of my existence. Gano'n naman talaga ang pag-ibig 'di ba? Mamahalin mo pa rin ang isang tao kahit walang pag-asa na mamahalin ka rin nito.
"He's on his way to his usual spot," nakangiting sambit ko nang mapansin kong tinatahak niya ang daan papunta sa paborito niyang tambayan.
Dumating kami sa rooftop ng isang building ng school kung saan ko siya madalas matagpuan. Naupo siya sa isang sulok saka inilabas ang isang sketch pad. Mula sa kinatataguan ko, kinunan ko ulit siya ng picture.
"Alam mo bang masama ang kumuha ng picture nang walang permiso? At pwede ka rin matawag na stalker sa ginagawa mong pagsunod sa akin."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito. Mabilis akong nagtago. Parang hinahabol ko ang aking hininga dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Kanina niya pa ba alam na nandito ako?
"Oh my God!" bulalas ko nang biglang sumulpot si Aelred sa kinatataguan ko.
I looked away when our eyes met. He's giving me a death glare. Dahil sa magkahalong gulat at kaba, napatakbo ako paalis. Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagtawag sa akin pero hindi ako lumingon.
--
Ilang araw na ang lumipas magmula nang mahuli ako ni Aelred sa rooftop. Sobrang nahiya talaga ako kaya nitong mga dumaang araw ay pinilit kong hindi siya makasalubong. At kahit mahirap, sinubukan kong umiwas sa kanya.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Gracelyn.
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"Natauhan ka na ba? Hindi na kasi kita nakikitang mag-stalk kay Aelred," wika nito.
"Busy kasi ako," pagsisinungaling ko dahil nahihiya akong magkuwento sa kanya.
Nang mag-class dismissal, agad akong umalis ng school at nagtungo sa coffee shop kung saan isa akong part-timer. Minsan cashier ako sa counter at minsan naman ay server.
"Kristel, may nagpapabigay sa 'yo," sabi ng katrabaho ko at may inabot itong paper bag.
"Kanino galing?" tanong ko.
"Do'n sa lalaki-" napahinto siya sa pagsasalita nang hindi niya makita ang tinutukoy niya. "Nasa'n na 'yon? Nandito lang siya kanina, eh."
Nagtataka kong tiningnan ang laman ng paper bag. Napakunot noo ako nang makita ang isang sketch pad. Nang buklatin ko ito, namangha ako dahil sa bawat pahina nito ay naglalaman ng mga iginuhit na mukha ko.
--
After five hours, natapos na ang shift ko kaya pwede na akong makauwi. From six to ten ang schedule ng trabaho ko tuwing weekdays. Whole day naman kapag Saturday at day off ko kapag Sunday.
Kanina pa sa trabaho malalim ang iniisip ko. Nagtataka pa rin ako kung kanino nanggaling 'yung drawing. Habang naglalakad, kahit wala ako sa sarili, naramdaman ko pa rin na may sumusunod sa akin. Binalot ako ng takot kaya binilisan ko ang paglalakad.
Nagtago ako sa isang sulok at kinuha ang pepper spray sa loob ng bag. Nang ramdam ko nang malapit na ang sumusunod sa akin, lumabas ako mula sa kinatataguan ko at akmang wiwisikan ko na ito pero natigilan ako nang makilala kung sino ito.
"Aelred?" hindi ko makapaniwalang sambit.
"Hi," nahihiyang bati niya.
Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras? Ayokong mag-assume pero sinusundan niya ba ako?
"Ikaw ba 'yung kanina pang sumusunod sa akin?"
Hindi ito nagsalita pero marahan itong tumango bilang tugon sa tanong ko at napakagat pa ng labi. Namumula rin ang tainga nito.
"Bakit mo 'ko sinusundan?" nagtatakang tanong ko.
"I just want to make sure that you get home safe."
"Bakit mo naman gagawin-"
"Because I like you." Nabigla ako sa sinabi nito. "Alam kong nakakagulat pero matagal na kitang gusto, Kristel."
"Pa'no? Kailan pa?"
Imbes na sagutin nito ang tanong ko. Sinagot niya ako ng isa pang tanong. "Have you seen the sketch pad?"
"Sa 'yo ba galing ang sketch pad?"
Ngumiti ito at tumango.
"I've been making a sketch of you for a long time. Sorry kung ngayon ko lang naibigay sa 'yo. Mahina kasi ang loob ko noon pero nagkaroon ako ng lakas ng loob nang mahuli kita sa rooftop," wika nito. "I really like you, Kristel. Do you like me too?"
"Nahuli mo na nga ako bilang stalker mo tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Seriously? Hindi pa ba obvious?" natatawang sabi ko. "Syempre gusto rin kita."