Destiny

99 6 0
                                    

Hi, Rose Alinsug! Here's your requested story. I hope you like it.

--

Destiny
by vanunulat

Kanina pa ako nakasimangot at gustong magwala. Ang tagal naman dumating ni Ate. Alam niya naman na pupunta ako sa mall show ng pinakapaborito at super crush kong celebrity performer na si Johannes.

Ang sabi ni Ate, sandali lang daw siya at babalik din agad pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Nakakainis! Anong oras na? Baka hindi ko na maabutan. Baka nagsisimula na ang mall show ng asawa ko sa mga sandaling ito.

Bilang isang diehard fan ni Johannes, ultimate dream ko na makita siya sa personal. Ngayon lang ibinigay sa akin ni God ang chance na makita siya pero ang bwisit kong kapatid ay mukhang sasayangin ang pagkakataon na ito. Tsk!

"Rose!" Napalingon ako kay Ate na kakapasok lang ng bahay. "Nandito na ako! Gora na at baka hindi mo na maabutan ang ina-assume mong asawa."

"Asawa ko talaga 'yon kaya huwag kang basag trip!"

"Whatever. Hindi ka naman no'n mapapansin."

May gana pa talaga siyang mang-asar na ngayo'y umiinit ang ulo ko sa kanya? Argh! Gusto ko siyang kalmutin at sabunutan ngayon sa sobrang inis na nararamdaman ko pero wala na akong oras para gawin pa 'yon.

"Sabi mo saglit ka lang? Ang tagal naman ng saglit mo, Ate!" galit na galit kong sigaw. "Makaalis na nga! Tss!"

Inis kong kinuha ang bag ko saka padabog na naglakad palabas ng bahay. Mariin akong napapikit nang makita ang oras sa suot kong relo. Medyo nawalan na ako ng pag-asa. Ang simula ng show ay 6:30pm at ngayon ay 6:25pm na pero kakalabas ko lang ng bahay. Tss!

Agad akong sumakay ng taxi at sinabihan si manong driver na pakibilisan ang pagmamaneho. Naiiyak na nga ako sa loob ng taxi kasi sobrang late na talaga ako. Alam kong kanina pa nagsimula at baka patapos na nga.

Ang ultimate dream and once in a lifetime chance kong makita si Johannes ay mukhang imposible na! Huhuhu.

Nang makababa ng taxi ay agad akong pumasok ng mall. Pagdating ko ng activity area, parang gumuho ang mundo ko at mangiyak-ngiyak nang wala na akong ibang naabutan kundi ang ilang staffs na nagliligpit. May ilang fans pa akong nakita na tuwang-tuwa at hindi pa rin maka-get over. Napabuntong-hininga ako.

Wala na. Tapos na.

Kitang-kita ko ang malawak na ngiti sa mga mukha nila habang bakas na bakas naman ang kalungkutan at disappointment sa mukha ko. Ang saklap ng araw na ito. Hindi ko man lang nakita si Johannes. Nasayang lang ang pagkakataon na makita ko siya. Nadudurog ang puso ko sa sobrang panghihinayang.

Malungkot akong naglakad paalis ng mall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayaw kong umuwi muna sa bahay dahil hindi ko kayang makita ang pagmumukha ni Ate. Bahala na ang mga paa ko kung saan nila ako dalhin. Nanlulumo ako. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko.

Dahil lutang ang isip ko sa sobrang disappointment, ngayon ko lang namalayan na nasa isang kalsada ako na madalang daanan ng mga sasakyan. May kadiliman ang lugar pero dahil sa buwan at mga bituin ay may nagbibigay pa ring liwanag para makita ang daan. May streetlights naman pero ilang distansya ang pagitan sa bawat isa.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon