Valentine's Day

106 7 0
                                    

Hi yanna_gonzalescute! Here's your requested story. I hope you like it.

Valentine's Day
by vanunulat


“My God, Sophia! Umamin ka na kasi sa kanya,” sabi ni Anna.

“Oo nga,” gatong ni Ingrid sa sinabi ni Anna. “Ikaw din, kapag may magustuhan siyang iba, bahala ka. Huwag kang iiyak sa amin.”

“Ewan. Bahala na,” tanging sagot ko sa kanila.

Matapos ang usapan naming magkakaibigan, nag-decide akong puntahan si Reyster para subukan kung kaya ko nga bang umamin ng feelings sa kanya. Ang hirap na kasi. Matagal ko na ‘tong dala-dala at pilit itinatago. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para umamin sa kanya. Sa tuwing magtatangka akong magtapat, palagi akong pinangungunahan ng mga what ifs.

Hinanap ko si Reyster at nakita ko siya sa classroom. Mag-isa siyang nakaupo sa sulok at nakikinig ng kanta sa nakasalpak na earphones sa kanyang magkabilang tainga. Pumasok ako at lumapit sa kanya. Binigyan namin ng ngiti ang isa’t isa nang magtama ang mga mata namin. Tinanggal niya ang earphones at binati ako.

“What’s up, Sophia?” aniya na tinanguan ko lang.

Naupo ako sa upuan sa tabi niya. As expected, kapag nasa tabi ko siya at nag-uusap kami, walang tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. May kung anong saya akong nararamdaman sa tuwing magkasama at magkausap kaming dalawa.

“Mabuti na lang at nagpakita ka sa akin. May kailangan kasi akong itanong sa ‘yo,” sabi niya saka ako marahang niyugyog.

“Ano ba, Reyster! Itigil mo ‘yan at nahihilo ako!” saway ko kaya natigil siya sa pagyugyog sa akin. “Ano bang itatanong mo?”

“Tungkol sa inyong mga babae,” nahihiyang saad niya. “May nagugustuhan kasi akong babae kaya gusto ko sa ‘yong itanong kung ano bang mga gusto at ayaw ninyong mga babae sa lalaki.”

Parang bituwing kumiskislap ang kanyang mga mata habang siya’y nagsasalita.

Pero, aray. Ang sakit. May nagugustuhan na siyang iba? Hindi ko kayang pakinggan ang mga salitang ‘yon. Nadudurog ang puso ko dahil biglang namatay ang pag-asa ko. Hindi na ako pwedeng umamin ng feelings ko sa kanya. It’s too late. May nagugustuhan na siya. Sobrang sakit man pero kailangan kong tanggapin. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanya.

“Uy, Sophia? Narinig mo ba ang sinabi ko?”

I spaced out for a moment. Bumalik lang ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip nang muli kong marinig ang boses niya.

“Oo n-naman! Narinig k-ko,” nautal kong sagot.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya kaya pinilit kong ngumiti bago tumango.

“Para sa akin ‘to, ha?” sabi ko. “Ang gusto ko sa isang lalaki ay sweet, caring, gentleman, understanding, trustworthy, loyal at may sense of humor. At ang mga ayaw ko naman ay yung bastos, walang modo saka bad influence.”

“Okay,” aniya habang tumatango. “Mukhang ang hirap naman pumasa sa standards mo.”

“Well, actually, wala naman talagang standard pagdating sa pag-ibig. Nawawala ‘yan kapag true love mo na ang nahanap mo kasi kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido, hindi mo alam kung bakit nagustuhan mo ang isang tao.”

“Woah! Ang lupet mo diyan, ah. Para kang love expert,” aniya saka tumawa.

“Sira!” natatawang singhal ko. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa magtanong ako. “Reyster, pwede ko bang malaman kung sino ang nagugustuhan mo?”

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon