Hi, chericakex! Here’s your requested story. I hope you like it.
--
After Years
by vanunulat
Nakangiti ako nang dumating sa aming high school batch reunion na ginanap lang din sa aming paaralan. Nakakatuwa dahil marami ang pumunta at halos lahat sa kanila ay malaki na ang pinagbago. Marahil successful na sila sa kani-kanilang propesyon ngayon.
“Erica!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko ang dalawang dati kong kaklase na naglalakad palapit sa akin. Malaki ang ngiti sa aming mga labi nang sinalubong ang isa’t isa ng yakap at pagbati. I’m happy for them because they’re obviously living a beautiful life now.
“Long time no see! Kumusta kayo, girls?” tanong ko.
“Heto, tumigil muna sa pagtatrabaho dahil apat na buwang buntis sa pangalawa naming anak ng asawa ko,” wika ni Faye.
“OMG! Congrats, Faye! So, pa’no? Ninang ako niyan?” nakangiting sabi ko at tumango naman ito.
“Pumunta ka rin sa kasal ko, Erica, ah?”
Nabaling naman ang paningin ko kay Ryzza. “You’re getting married?”
Ngumiti ito saka tumango. “Yeah, next month.”
“Aww, congrats!” sabi ko. “Sana all.”
Nalukot ang noo ng dalawa dahil sa sinabi ko kaya tipid akong napangiti. Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila dahil mabuti pa sila at nahanap na ang kanilang better half habang ako’y nganga pa rin.
“Bakit naman, Erica?” usisa ni Ryzza.
“Ano na bang ganap sa buhay ng pinakamalokong babae ng school noon?” tanong naman ni Faye.
“Wala. Boring. Wala naman akong love life kaya ibinuhos ko na lang ang sarili ko sa pamilya ko at sa trabaho.”
Tinapik ni Faye ang balikat ko. “Tiwala lang. Darating ding ‘yung lalaking para sa ‘yo.”
“In God’s perfect time,” saad ni Ryzza.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang programa para sa batch reunion party. Nakaupo na kaming lahat habang nakikinig sa mga nagsasalita sa unahan. Medyo kabado rin ako dahil isa rin ako sa magsasalita para magkuwento ng aking nakaraan dito sa school at ngayong kasalukuyan matapos akong makapagtapos ng pag-aaral.
Ilang beses akong nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ang isang tao. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Marahil hindi siya pumunta ngayong batch reunion. Mabuti naman kung gano’n para masabi ko nang malaya at maayos ang speech ko. Pero may parte din sa akin na sana pumunta siya kasi nami-miss ko siya at gusto ko siyang makita. Dahil kahit dumaan man ang ilang taon, I’m still in love with him.
“At ngayon, inaanyayahan naman namin dito sa unahan si binibining Erica na isa rin sa nagtapos with highest honor ng batch.”
Napuno ng malakas na palakpakan ang paligid nang tawagin ako. Nakangiti akong tumayo at naglakad papuntang unahan. Inabot sa akin ng emcee ang mikropono at nagsimula akong magsalita.
“Good day everyone! Masaya ako na muli tayong nagtipon-tipon makalipas ang ilang taon. Bumabalik tuloy ang mga alaala nang nakaraan.” Medyo natawa ako. “Marami akong natutunan at naranasan sa paaralan na ‘to. Dito ko natutunan ang mga bagay na mahalaga sa ating buhay. Dito ko naranasan ang iba’t ibang problema, pagsubok at kasiyahan. Dito ko nakilala ang mga taong nagbigay saya at kulay sa aking buhay. At dito ko rin siya nakilala, ang taong unang minahal ko. Paano ko nga ba makakalimutan ang una kong pag-ibig sa paaralang ito? Pasensiya na kung ang buhay pag-ibig ko noon ang makukuwento ko sa inyo, ‘yon kasi ang dahilan kung bakit nakamit ko ang mga pangarap ko ngayon.”