Book Pages
by vanunulatThis is a special day for me because it's my birthday. Naging masaya ang buong araw ko. Ang daming nakaalala sa special na araw kong ito. Paggising ko pa lang kaninang umaga ay binati na ako ng pamilya ko. Halos lahat din ng kaklase ko ay nagparating ng pagbati. Nakatanggap rin ako ng greetings mula sa text messages at social media accounts ko.
May ilang nagpadala ng birthday gifts at letters. Nakakatuwa talaga dahil ramdam ko na maraming nagmamahal sa akin. Pakiramdam ko ay espesyal akong tao sa espesyal na araw na ito.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin buo ang araw na ito. Kahit wala nang makaalala sa birthday ko basta maalala lang ito ng isang tao... basta maalala lang 'to ni Aaron at makatanggap ako ng regalo mula sa kanya.
Napabuntong-hininga ako. Lumipas na ang buong araw pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kanina ko pa siya hinahanap. Kanina pa ako naghihintay. Kanina pa ako umaasa. Posible bang mangyari ang hinahangad ko? Hays.
Nakayuko at malungkot akong naglakad palabas ng campus. Hindi ko na siguro makukuha ang kaisa-isang kahilingan ko sa araw na 'to. Hindi ko mapigilang magtampo kay Aaron. Hindi niya dapat ako pinaasa nang ganito. Ang sakit, eh.
Hindi naman ako aasa kung walang dapat asahan. Aaron is my ultimate crush and these past few months, naging malapit kami sa isa't isa. Hindi ko nga lang alam kung mutual ang nararamdaman namin. He didn't say anything. Ayoko naman magtanong. Nakakahiya.
Pero umaasa ako na sana gusto niya rin ako. Mula nang maging crush ko siya, hindi na ako tumingin sa iba. Gano'n ako ka-loyal sa kanya kaya siguro naman ay deserve ko ng award mula sa kanya. At tanging pagmamahal niya lang ang award na gusto ko.
"Hey."
Napahinto ako sa paglalakad. Napa-angat ang tingin ko nang may tumigil sa tapat ko at may ibanderang maliit na paper bag sa harapan ng mukha ko. Nagulat ako nang makita kong si Aaron ito.
Hindi agad ako nakaimik. Napatulala lang ako sa kanya. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang regalo. Napangisi siya bago kunin ang kamay ko at ibigay sa akin ang regalo dahil hindi ko ito kinukuha.
"A-Anong laman nito?" tanong ko.
"Why don't you open it?" nakangiting tugon niya.
I can't help but to get excited when I started opening the gift. Hindi ko rin napigilan ang pagpuslit ng ngiti sa aking labi. Nawala na lang bigla ang lungkot at inis ko nang makita siya at may binigay pang regalo. He remembered this special day.
Pero nawala ang ngiti ko nang isang libro ang makita ko. Nangunot ang noo ko. I was so disappointed. Alam niyang wala akong hilig magbasa ng libro pero ito ang regalo niya sa akin?
I looked at him a bit annoyed. "A book? Seriously?"
"Hey, ba't ganyan ang reaksyon mo?" natatawang tanong niya. "I know that you are not fond of reading but you shouldn't judge the book by its cover. Basahin mo muna ang nilalaman. Malay mo..."
"What?"
"Malay mo ano... basta! Basahin mo na lang para malaman mo," sabi niya at may pakindat pa sa akin. Tss! "Anyway, mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako, eh."
"Gano'n lang 'yon, Aaron? Hindi mo ako ihahatid o babatiin man lang?" naiinis kong tanong dito.
He just smiled and put his hand on my head then he messed my hair before he turned his back to me. Naglakad na talaga siya paalis at iniwan akong mag-isa.
