Six Petals
by vanunulat"Kath!"
Muntik na akong mahulog sa duyan nang bigla akong gulatin ni Daniel. Nanlilisik ang mga mata ko nang nilingon siya. Mas naasar pa ako dito dahil sa todo pigil niyang tawanan ako sa kamuntikan kong pagkahulog.
"Hehe, sorry." Naka-peace sign niyang sabi.
Hay naku! Kung hindi lang 'to gwapo at mahal ko, siguro kanina ko pa siya binato nitong tsinelas ko. Naglakad siya palapit sa duyan kung saan ako nakasakay. Nakaka-usisa naman ang mga ngiti niya ngayon.
"Anong ngiti 'yan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
Nagulat na naman ako dahil bigla siyang sumakay sa duyan kaya medyo umalog ito at muntikan uli akong mahulog. Nananadya ba 'to?
"Ano ba, Daniel!"
"Sorry." Aniya. "By the way Kath, may ibibigay pala ako sa 'yo."
Napaisip naman ako at nagkaroon ng suspetsya dahil hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Baka may kalokohan na naman siyang binabalak sa akin.
"Naku, Daniel. Tigilan mo 'ko diyan, ah. Baka butiki na naman 'yan." Sabi ko at medyo umisod palayo sa kanya.
"Hindi nga. Walang butiki, pangako." Wika niya at itinaas pa ang kanang kamay na tila nangangako.
"Siguraduhin mo lang." Paninigurado ko tapos tumango siya't ngumiti. "Sige na. Ibigay mo na."
Wala pa rin akong tiwala sa kanya kaya medyo kinakabahan ako. Malay ko bang pinagti-tripan na naman ako nito ngayon. Inilahad ko ang palad ko sa kanya. Napakunot noo ako nang ilagay niya sa palad ko ang ibibigay niya. I looked at him with a puzzled look.
"Santan flower?" Bulalas ko. "Ano 'to?"
"Bulaklak na bigay ko para sa 'yo." Sagot niya.
"Seriously? Isang santan flower lang?" Daing ko. "My God! Ang kuripot mo naman Daniel! Ngayon mo nga lang ako binigyan ng bulaklak, isang piraso pa na santan?"
Narinig kong tumawa siya dahil sa sinabi ko. Jusko! Huwag siyang ganyan. Ang gwapo niya lalo kapag nakangiti or tumatawa kaya nga mas nahuhulog ako sa taong 'to. Eh kaso nga lang hindi niya man lang mapansin. Manhid siguro siya o sadyang bestfriend lang talaga ang turing niya sa 'kin. Hys!
"Kath, huwag mong nila-lang ang isang pirasong santan na 'to. Kahit bigyan ka o makatanggap ka ng maraming bouquet ng bulaklak kung walang kwenta ang pagbigay nito sa 'yo o wala namang halaga ang nagbigay nito sa 'yo, hindi ka naman matutuwa, 'di ba?" Pangaral niya. "Pero kung 'yung taong special sa 'yo ang nagbigay ng isang bulaklak kahit pinitas lang 'yan sa tabi-tabi, for sure na abot tainga ang ngiti mo." Dagdag niya pa.
Oh, well, may point siya do'n. Pero-
"Tingin mo ba na special ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ba?" Nakangising tugon niya. "Halata naman na special ako sa 'yo."
"Ang yabang." Sambit ko kahit totoo naman. Isa siyang importante at special na tao para sa akin.
"Basta Kath, ingatan mo 'yang santan kasi may ibig sabihin 'yan at sasabihin ko lang 'yon kapag nakahanap ka rin ng ganyan." Aniya.
"Sus! 'Yon lang? Sisiw." Sabi ko.
My God. Ang dali lang kayang maghanap ng santan. Ang dami niyan dito sa lugar namin. Kahit isang daan pa ang ibigay ko sa kanya.
"Sisiw pala Kath, ah." Nakangisi niyang sabi. "Pagmasdan mo 'yang maigi. Hindi lang 'yan basta-basta santan. Kung bibilangin mo ang petals, meron 'yan six petals. So ang kailangan mong hanapin ay isang santan with six petals."