Daydreamer
by vanunulatBumili ako ng anim na boxes ng pizza for my birthday treat sa lahat ng kaklase ko. Tuwang-tuwa naman sila dahil nagkaroon ng libreng snack. Lahat sila'y binati ako maliban sa isang taong nakaupo lang sa unahan na parang walang pakialam sa mundo.
Napasimangot ako. Kahit ngayong birthday ko lang, makihalubilo man lang siya at i-greet ako. Hindi na ako aasa na i-crush back niya ako. Tss!
Sa inis ko at kagustuhan kong pansinin niya ako, tumayo ako at kinuha ang isang box ng pizza saka siya nilapitan. Gulat naman itong napatingin sa akin.
"Kanina ka pa namin inaalok. Masamang ignorahin ang grasya," saad ko rito bago ilahad ang box ng pizza sa kanya. "Kumuha ka."
"Hindi, busog pa ako. Salamat na lang," aniya.
"Gusto mong ako pa ang sumubo sa 'yo?" tanong ko at nakita kong nagulat siya.
"Naomi, may importante akong ginagawa. Huwag ka nang mangulit."
"Ayaw mo talaga, ha? Sige, pumili ka. Pizza o ako?"
Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. Napangisi ako nang makita kong na-tense siya pero naglaho ang ngisi ko nang may lumitaw din na ngisi sa kanyang mukha.
"Pa'no kapag ikaw ang pinili ko?" untag niya.
"Ano... uhm..."
"Would you let me kiss you right now?"
"Ha?" gulat kong tugon.
Napalunok ako nang dumapo ang kanyang tingin sa mga labi ko. Nanigas ang buong katawan ko nang tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata.
Parang kakapusin ako sa paghinga nang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Konti na lang. Ilang pulgada na lang ay malapit nang magdampi ang mga labi namin. Napapikit na lang ako ng mga mata at hinintay na magdikit ang mga ito pero sa isang iglap ay tumigil bigla ang lahat dahil sa sumigaw.
"Hoy, Naomi!"
Napalingon ako sa kaibigan kong si KC na nakahalukipkip sa may tabi ko. Napatingin ako sa paligid. Abala ang mga kaklase ko sa pagkopya ng nakasulat sa visual aid na nakadikit sa board at umiikot naman si crush sa buong classroom.
Pero, teka! Yung kiss!!!
"Ugh! Sinira mo na naman! Magki-kiss na kami, eh!" alboroto ko.
"Ayan! You're daydreaming of him again! Oh my gosh, Naomi!"
"Panira ka talaga kahit kailan, KC!"
"Tumigil ka na nga diyan sa kahibangan mo! Imposibleng maging kayo ni Sir Erwan kaya give up na, okay? Stop daydreaming about him dahil teacher natin siya!"
'Dahil teacher natin siya!'
'Dahil teacher natin siya!'
'Dahil teacher natin siya!'
Teacher nga pala namin siya. Bakit palagi kong nakakalimutan? Hays! Bakit kasi naging teacher pa si Sir Erwan? Hanggang daydreaming na lang tuloy ako sa kanya.