Mother's Day
by vanunulatNapabuntong hininga ako, sabay kuha ng cellphone ko na nakapatong sa mesa at sinagot ang tawag ni Mama. Hindi ko sana sasagutin pero kanina pa siya paulit-ulit tumatawag. Nakukulitan na ako.
"Ano po ba 'yun, Ma? Busy ako ngayon." Ang bungad ko sa kanya.
"Eto namang anak ko. Maglalambing lang naman ako." Sabi niya. "Nakalimutan mo ba kung anong araw ngayon? It's mother's day!" Dagdag niya.
"So?" Bored kong tanong. Nang ma-realize kong baka nasaktan siya, nagsalita uli ako.
"Fine. Happy mother's day, Ma." Walang gana kong bati sa kanya.
"Andrew, anak, magkita naman tayo. Hindi sapat ang greetings lang. I would be more glad if we meet and have dinner later."
"Ma, sobrang busy ako. Hindi ako pwede mamaya."
"Grabe naman 'tong anak ko! Bihira na nga lang tayo magkita, 'di mo pa ako mabigyan ng oras mo. Nakakatampo ka naman, 'nak."
"Ma, please understand me. Sobrang dami ko pang gagawin dito sa trabaho. Busy po talaga ako." Paliwanag ko. Makulit din talaga 'tong si Mama minsan.
"Okay, ganito na lang, Ma. Magpapa-deliver na lang ako ng bulalak para sa 'yo."
"Aanhin ko ang bulalak? Eh, ikaw ang gusto kong makasama." Sagot niya.
"Sorry talaga, Ma. Next time na lang kapag pwede na ako."
"Ano pa nga bang magagawa ko? Hays."
Nang maibaba ko na ang tawag, lumabas ako ng trabaho para pumunta sa malapit na flower shop. Pagbaba ko ng kotse at nang papasok na ako ng shop, may batang lalaki akong nakita sa labas ng shop. Wala siyang tigil sa pag-iyak kaya imbes na dumiretso ako papasok, nilapitan ko muna ang bata.
"Boy, bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito.
Tumingala ito para tingnan ako pero agad din itong yumuko at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya naisipan kong tumuloy na lang.
Ngunit bago pa man ako maka-hakbang, narinig ko siyang may sinasabi sa pagitan ng kanyang pag-hikbi. Muli akong napalingon sa kanya.
"Mommy. . . Mommy! Mommy. . . Mommy!!"
Itinungkod ko ang isang tuhod ko sa sahig para pumantay ako sa bata. Tiningnan niya ako na parang may gusto siyang sabihin.
"Sabihin mo na sa akin kung anong problema at ba't ka umiiyak." Wika ko sa kanya.
"Yung mommy k-ko po kasi.. gusto ko s-siyang bigyan ng bu-bulaklak para sa mother's day pero w-wala po akong perang pambili."
Nginitian ko siya. "Yon lang ba? Tara, sama ka sa akin sa loob ng shop. Ako nang bahalang bumili ng bulaklak para sa mommy mo."
Nakita ko ang paglawak ng kanyang mga labi at pagsilay ng isang magandang ngiti.
"Talaga po?" Tuwang-tuwang tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. Nakangiti siyang tumayo mula sa pagkakaupo at humawak sa kamay kong nakalahad para sa kanya. Pumasok kami ng shop at bumili ng tag-isang bouquet ng bulaklak. Tuwang-tuwa ang bata paglabas namin ng flower shop. Todo pasalamat siya sa akin.
"Kuya, thank you po talaga ng marami! May gift na po ako kay mommy. Gustong-gusto niya kasi ng flowers kaya alam kong matutuwa siya nito." Aniya. "Gusto ko po kasing palaging masaya si mommy kaya binibigay ko ang lahat ng magpapasaya sa kanya."
Malungkot akong napangiti sa sinabi ng bata dahil biglang sumagi sa isipan ko si Mama. Gusto niya akong makasama ngayong mother's day.
"Ay, oo nga pala, kuya. May isa pa po sana akong gustong hingin sa iyo."
"Sige, ano 'yun?"
"Pwede niyo po ba akong ihatid sa sementeryo?"
Nagtaka at naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit siya magpapahatid sa sementeryo?
"Boy, ano bang gagawin mo do'n?"
"Nando'n po kasi si Mama, naghihintay sa akin."
Tumango lang ako sa sinabi niya at niyaya ko na siyang sumakay sa kotse. Nagmaneho ako papunta sa sementeryong sinasabi niya. Pagdating namin do'n, tinanong ko siya kung nasaan mismo sa sementeryo ang mommy niya at kung sino ang dinalaw nito.
"Nandito siya kuya." Sagot niya, sabay turo sa lapida na nasa harapan namin.
Natahimik ako at nawalan ng sasabihin sa bata. Parang may kung ano akong naramdaman. Naalala ko uli si Mama. Tila na-guilty ako sa kanya.
"P-Patay na ang mommy mo?"
Ngumiti siya ng malungkot kasabay ng pagtango.
"Kamamatay niya lang no'ng isang buwan dahil sa depression nang hiwalayan siya ni daddy." Kuwento niya.
"Kaya po nag-iisa na lang ako ngayon kahit pa kapiling ko si daddy. Mas gusto ko po kasi ang mommy ko kaysa kay daddy. Siya ang gusto kong kasama. Nami-miss ko na nga po siya. Sana magsama na uli kami." Sabi niya pa at nagsimula siyang umiyak uli.
"Tahan na." Sabi ko at niyakap siya.
"Kung nandito pa sana si mommy sa tabi ko hanggang ngayon, ipaparamdam ko sa kanya na siya ang pinakamamahal kong babae sa mundo. Lahat ibibigay ko para maging masaya siya. Lahat ng gusto niya ay gagawin ko. Kaso hindi ko na magagawa ang mga 'yan kasi wala na siya."
Wala akong masabi na pwedeng magpagaan sa loob niya. Ibang iba ako sa batang ito. Ako ang mas matanda sa kanya pero siya ang mas may alam kung paano mahalin ang isang ina.
Nang mag-aya na siyang umuwi, hinatid ko siya sa bahay ng daddy niya at nagpaalam na ako sa kanya. Habang nagmamaneho, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ng number.
"Oh, anak? Ba't napatawag ka? Akala ko ba busy ka?" Bungad ni Mama nang masagot niya ang tawag ko.
"Ma, magkita tayo mamaya. I'll give my time to you."
"Talaga, anak? What makes you change your mind?"
"Wala lang. Mahal kasi kita at gusto kong maging masaya ka sa araw ng mga ina."
"Thank you, anak. Sige, see you later. I love you too."
Binaba na ni Mama ang tawag. Sobra akong nagpapasalamat na nagkita kami ng bata dahil marami siyang pina-realize sa akin. Iminulat niya ang mga mata ko na noo'y nakapikit sa pagmamahal ko kay Mama.
I love my Mom the most. She's my everything.
