Pahiram

180 11 0
                                    

Pahiram
by vanunulat

“Hi, Andrew. Pahiram nga ng ballpen. Nawalan kasi ng ink ‘yung sa akin,” sabi ni Cassy na mau malaking ngiti sa mga labi.

Saglit ko siyang tiningnan at saka napabuga na lamang ng hiningi. Walang kibo kong kinuha sa bag ang extra ballpen ko at ibinigay sa kaniya. Matapos niya itong makuha, wala man lang akong nakuhang thank you” mula sa kanya.

Pero ano pa bang maaasahan ko? That is her. That’s Cassandra Alvero. Ang mataray, maldita at bully kong kaklase. Lahat ng gusto niya, sinusunod namin dahil anak siya ng may-ari ng university na pinapasukan namin.

Noong unang araw ng paglipat ko rito, napag-trip-an niya agad ako. At hanggang ngayon, ako pa rin ang parating target niya. Noong una, ayaw na ayaw ko sa kaniya dahil ang sama ng ugali niya at napaka-demanding pa. Pero biglang nagbago ‘yon.

Hindi na lang ako umiimik sa tuwing may hihiramin siya kasi ayaw ko siyang patulan. Darating din ang araw na sisingilin ko siya sa ibang paraan.

Ewan ko ba. Bigla na lamang nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Ang dating inis kong nararamdaman sa kanya, naging matamis na pagtingin. Nalaman ko na lang na may gusto na pala ako sa kanya. Sa dami-raming magagandang babae na nagkakagusto sa 'kin, bakit siya pa ang nangibabaw sa paningin ko? Gano'n naman siguro ang pag-ibig. The more you hate, the more you love.

"Pahiram ng ten pesos. Buong five hundred kasi pera ko sa wallet, eh." Sabi niya sa 'kin. Lumapit pa siya sa table kung saan ako kumakain dito sa cafeteria para lang manghiram.

Walang imik kong dinukot ang pitaka ko sa bulsa at kumuha ng sampung piso. Binigay ko ito sa kanya ng walang angal o salita.

As usual, matapos makuha ang hiningi, lalayasan ka na. At sa lahat ng hiniram niya sa 'kin, ni isa wala pang nakakabalik. Ayoko naman siyang singilin dahil hindi naman 'yun big deal sa 'kin. Thank you is enough but I think she can't do it. Mataas ang pride eh.

"Andew!" Narinig ko na naman ang boses niya na tinawag ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. "May coupon bond ka pa ba? Pahiram uli. Nagkamali kasi ako sa una mong ipinahiram."

Kumuha ako ng dalawang coupon bonds at walang imik na inabot 'to sa kanya. 'Di ko na kailangan magsalita dahil wala naman akong planong tanggihan siya o kung ano pa man.

"Wow! Isa lang ang hiningi ko pero dalawa ang binigay mo. Yey. Hahaha! Okay lang, I understand naman na hindi ka marunong magbilang. Hahahaha!"

Nakuha niya pang mang-asar. Hindi ko na lang pinansin. Mayaman naman siya para makabili ng mga gamit na hinihiram niya, sadyang bully lang siya at tamad kumuha kaya nakadepende na lang lagi sa iba.

"Pahiram ng ruler. Lalagyan ko ng boarding line 'yung coupon bond ko." Panghihiram niya uli na kaagad ko namang pinahiram.

"Maaasahan ka talaga." Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Madalas gano'n lang ang nangyayari sa araw-araw naming pagpasok sa eskwela. Hindi siya pumapalya na humiram sa akin ng kahit ano. Tila ba ikamamatay niya kapag hindi niya nagawa 'yun.

Ang saya niya siguro na lagi niya akong pinagti-tripan. Eh kaso hindi naman benta sa akin ang mga ginagawa niya. Imbes na mainis katulad ng dati, natutuwa pa nga ako ngayon kapag may hihiramin siya.

"Oh my gosh!"

Napalingon ako kay Cassy nang sumigaw ito. Nakita kong natapon ang iniinom niyang softdrink sa kanyang damit.

Ang tanga.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya binaling niya sa 'kin ang kanyang paningin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Napa-angat ang tingin ko nang mapansin kong nakatayo siya sa harapan ko.

"May panyo ka ba diyan or anything na pwedeng ipunas? Pahiram naman ako." Saad nito.

Dinukot ko sa bulsa ko yung panyo ko at ibinigay sa kanya. And after that, she left without saying anything. Such a rude girl.

Naglalakad na ako sa corridor pauwi ng bahay nang may biglang sumulpot sa gilid ko at sumabay sa paglalakad ko. Bahagyang nilingon ko ito para tingnan at tama ang hula ko na si Cassy ito.

"May hihiramin ka ba?" Tanong ko habang nakatuon lang ang paningin sa daan.

"OMG! For the first time, you talked to me. Is this for real?" Sabi niya.

"Tsk." Bulalas ko.

"Anyways, wala naman akong hihiramin. May gusto lang akong tanungin sa 'yo." Sabi nito. Patuloy lang kami sa paglalakad.

"Bakit hindi mo 'ko kinakausap? Bakit hindi ka nagrereklamo sa tuwing nanghihiram ako sa 'yo? May problema ka ba sa akin?"

Huminto ako na nagpahinto din sa kanya. Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Sandali kong pinagmasdan ang mala-anghel niyang mukha. "Nasanay na siguro ako. Eh ikaw, bakit ka nanghihiram kung lahat naman ay nasa iyo na?"

"Nasanay na rin siguro ako." Panggagaya niya sa sagot ko at tumawa pa.

"Tsk."

"Ay! Ang sungit mo talaga. Bakit ba ang cold mo at suplado?" Tanong niya.

"Bakit lahat ng hiniram mo sa 'kin, hindi mo na binabalik?" Tanong ko naman sa kanya na 'di pinansin ang tanong niya.

"Grabe! Kaya ka ba cold at suplado sa akin dahil hindi ko binabalik ang mga nahiram ko sa 'yo? Wow." Sabi niya. "Gusto mong malaman kung bakit?"

"Oo." Tipid kong sagot.

"Para makabayad ka man lang! Eh, halos kulang pa nga na kabayaran 'yung mga hiniram ko sa 'yo kaysa sa ninakaw mo sa 'kin." Sabi niya na ikinagulo ng isipan ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Ni minsan, hindi ako nangnakaw at sa pagkakalaam ko, wala akong ninanakaw sa 'yo."

"Iyan ang pagkakaalam mo! Ang laki kaya ng kinuha mo sa 'kin." Sabi niya. What the fvck!

"Cassandra, I'm not a thief." Mariin kong sabi.

"Yes, you are."

"Sabihin mo nga sa akin kung ano ba ang ninakaw ko sa 'yo?" Seryoso kong tanong.

“Gosh! You don’t have an idea that you stole my heart!”

Nagulat ako sa sinabi niya. What? I stole her heart? Ano’ng ibig niyang sabihin? Na ako ang may hawak ng puso niya? Naramdaman ko ang biglang pagpitik ng puso ko. Ito ang parati kong nararamdaman sa tuwing naiisip ko siya.

“Gusto ko man nakawin din ang puso mo pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa. Ang hirap mong makuha,” malungkot niyang wika habang nakayuko.

“Pero nagawa mo na,” bulong ko.

Napa-angat ang paningin niya sa akin at biglang kumislap ang kaniyang mga mata. Grabe. Ang ganda niya.

“Anong sabi mo? Pakiulit nga. Hindi ko mas’yadong naintindihan,” sabi niya.

Hindi ako kumibo. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang isang kamay niya. Inilagay ko ito sa dibdib ko. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kabilis tumibok ng puso ko dahil sa kanya.

“Matagal mo nang nakuha ang puso ko, Cassy. Matagal mo nang hawak ito. Handa akong ibigay ‘to sa ‘yo ngayon nang buong-buo.” Napabungisngis siya sa sinabi ko. Hindi ko ‘to pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Ang dami mong hiniram sa akin na hindi mo na naibalik. Isang pagnanakaw din ang ginawa mo. Kaya hahatulan kita ng habangbuhay na pagkakakulong sa puso ko. At habang nakakulong ka, pagbabayaran mo lahat ng ‘yon.”

Mas lalo siyang napabungisngis. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Pero pakiramdam ko pinagtatawanan niya ako dahil sa mga pinagsasabi ko.

“Hindi ko alam na ang corny-corny mo pala,” bulalas niya saka tumawa. “Pero kahit super corny mo, huwag kang mag-alala, handa akong magpakulong diyan sa puso mo at masayang bayaran lahat ng hiniram ko.”

Hindi ko napigilang mapangiti.

“At para sa unang bayad, heto at tanggapin mo.”

Lumapit siya sa akin at biglang inabot ang batok ko kaya napalapit ang mukha ko sa kaniya. May kaunting espasyo pa ang natitira na ako na mismo ang kusang sumakop. Hinalikan ko siya bilang kaniyang unang kabayaran. Simula sa araw na ito, lahat ng hiniram niya ay sisiguraduhin kong pagbabayaran niya.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon