Simplicity

123 8 0
                                    

Simplicity
by vanunulat

"Bro! May love letter ka na naman galing sa admirer mo. Hahaha!" Sigaw ni Joseph.

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha sa kanya ang papel. Pinunit ko ito at itinapon sa basurahan.

"Grabe ka naman! Ba't mo ginawa yun?" Tanong ni Draco.

"Wala kang pake!" Singhal ko sa kanya.

"Ba't ka ba nagagalit sa kanya? Eh, ang sweet nga. Hahaha!" Pang-aasar naman ni Hans.

"Kadiri! Tingin niyo matutuwa ako kung isang panget ang magpapadala ng sulat sa 'kin. Pwe! Magtigil na kayo." Sigaw ko.

Shit! Because of that girl. It's her fault why my friends annoy me always. Bakit ba kasi siya nagpapadala pa rin ng mga sulat? Alam niya naman na tinatapon ko lang ito dahil hindi ko siya gusto. Ang lakas din ng confidence niya sa sarili.

Alam ng buong campus na gusto ako ng isang babaeng maitim, may buhaghag na buhok at medyo payat. At nakakahiya yun para sa 'kin. Pssh!

Bakit hindi na lang siya sumuko at tigilan ako? Ang taas ng pangarap niya. Alam niya naman na bituin ako na mahirap abutin.

Tsk! Sana tumigil na siya. Tigilan niya na ako.

Nakaupo ako sa seat ko habang kunot ang noo at inis na inis na nag-iisip. Bigla siyang dumating at pumasok ng room. Yeah. She's my classmate. Unfortunately!

Tumayo ako at nilapitan siya. Wala akong pakialam kung maraming makakakita sa gagawin ko sa kanya. Wala akong pakialam kung mapahiya siya sa harap ng mga kaklase namin.

She deserve it. Ako nga palagi niyang ipinapahiya.

Tumingin siya sa akin nang tumayo ako sa harapan niya. I can sense the stare of my classmates to us.

"Zia, stop sending me letters. Stop hoping that someday I will like you. Hindi kita magugustuhan. Just give up."

Pagkatapos kong sabihin yun, bumalik na 'ko sa upuan at tila wala lang nangyari. I hope she will wake up to her dreams and just give up.

* *

"Mr. Deramas and Miss Agna, mag-partner kayo." Sabi ng professor namin.

Shit! Partner ko siya sa isang project? No way!

I raised my hand to complain.

"Oh, yes?"

"Ayoko po kay Agna. Please find me another partner." Sabi ko.

"I'm the teacher and you were just my student. Wag mo 'kong utusan." Masungit nitong tugon. Pakyu!

Sa daming pwede maging ka-partner, bakit siya pa? Eh, ayoko nga sa kanya tapos mangyayari naman ito. Tangina!

* *

"Saan tayo gagawa?" Suplado kong tanong sa kanya. Pasensiya pero hindi ko siya kayang pakitaan ng kabaitan.

"I-ikaw bahala." Nahihiya niyang sagot.

"Sa bahay na lang namin. Tara."

Pumunta kami sa bahay para dun gawin kaso pagdating namin, tangina! Nag-aaway na naman ang mga magulang ko sa mga problema na sila lang nakakaintindi.

Lecheng buhay 'to!

Tiningnan ko siya. "Wag tayo dito."

"Sa bahay na lang." Sabi niya.

Ayoko man sanang pumunta sa kanila pero no choice naman ako. Gusto kong matapos agad ang project namin at nang makalayo-layo na ako sa kanya.

Ayoko siyang kasama. Nakakahiya!

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon