What Great Love Does?
by vanunulat
"Bro, your great love," bulong ng kaibigan niyang si Gilbert at saka siya marahang siniko.Napatingin naman siya sa babaeng itinuro nito. Napasimangot siya nang makita kung sino ito. Mabilis na nagsalubong ang kanyang mga kilay at kumunot pa ang kanyang noo dahil sa inis sa tuwing nakikita niya ang babae.
The girl's name is Moira. Isang simpleng babae na sobrang minamahal ang isang tulad niyang gago. Kung pagmamahal ang binibigay nito sa kanya, sama ng loob naman ang kanyang binabalik dito. Mula kasi nang magtapat ito ng nararamdaman sa kanya, wala siyang ibang naramdaman kundi inis at pandidiri. Hindi raw ito pasado sa standards niya kaya rejected agad ito.
"Ano, bro? Nagbabago na ba ang feelings mo sa kanya? May nararamdaman ka na rin ba sa kanya?" pangungulit ng kaibigan.
Tiningnan niya nang masama ang kaibigan. "Ano ba? Walang magbabago. Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya!"
Muling nahagip ng kanyang paningin si Moira na noon ay nakatingin sa kanya. Ngumiti pa ito nang magtagpo ang kanilang mga mata pero tinaasan niya lang ito ng kilay at saka nagsuplado.
Patuloy pa rin itong nagmamahal sa kanya kahit matagal niya na itong pinatigil. Nahihiya na nga siya sa tuwing lalapit ito para kausapin siya at magbibigay ng kung ano-ano.
"Bro, shit. Palapit siya sa 'yo," sambit ng kanyang kaibigan.
Mariin siyang napapikit nang makita nga itong papalapit sa kinaroroonan nila. Napahilot siya sa kanyang sintido bago salubungin ng masamang tingin si Moira.
"Ano na naman?" singhal niya nang makalapit ito.
Hindi ito natinag sa pagsusungit niya dahil nakuha pa nitong ngumiti sa kanya. "Hi, Zayn. Gumawa ako ng cupcakes para sa 'yo."
Tiningnan niya lang ang inaabot nitong box. "Pwede ba? Tumigil ka na. Hindi kita magugustuhan. Nagmumukha ka lang kaawa-awa at desperada," malamig na turan niya kay Moira bago maglakad paalis.
-
Isang araw na hindi niya inaasahang mangyayari. Nagmamaneho siya ng kanyang kotse papunta sa tambayan ng kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa pupuntahan, isang trahedya ang nangyari.
Nawalan ng preno ang kanyang sasakyan kaya nawalan siya ng kontrol dito. Binalot siya ng takot ng sandaling iyon. Isang malaking truck ang nasa unahan niya. Biglang tumigil ang truck at siya naman ay dire-diretsong palapit dito kaya pinilit niyang iwasang sumalpok sa truck. Sa kanyang ginawang pag-iwas sa truck, dumirestso ang kanyang kotse at bumangga ito sa malaking puno.
Malakas ang pagsalpok ng ulo niya sa manebela dahilan ng pagdurugo ng kanyang ulo. Nabasag din ang salamin sa harapan ng kanyang kotse. Nagtalsikan ang mga bubog nito sa kanya. Ramdam niya ang kirot sa bahagi ng kanyang katawan na natalsikan ng mga bubog. Pero ang kirot na nagpasigaw sa kanya ay nung may bubog na pumasok sa loob ng kanyang mga mata. Ilang sandali lang, nawalan na siya ng malay.
Nagising siya dahil sa narinig niyang malakas na pag-iyak. Hindi pa man niya binubuksan ang kanyang mga mata, kilala niya na kung kaninong iyak 'yun. Sa kanyang ina.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya pero nakaramdam siya ng sakit. Wala siyang nakikita. Madilim ang kanyang paningin pero sigurado siyang nakabukas na ang kanyang mga mata.
"Ma! Ma, wala akong makita!" Sigaw niya.
"Kumalma ka anak. Nawalan ka ng paningin dahil sa mga bubog na pumasok sa mga mata mo." Sabi ng ina niya.
Dun siya parang nawalan ng buhay. Ano pang silbi na nabuhay pa siya kung hindi na rin siya nakakakita?
Simula noon, naging tahimik siya. Palagi niyang pinipilit ang kanyang ina na humanap ng magiging eye donor niya. Gusto niyang makakita. Mas pipiliin niya pang mamatay kaysa mabuhay na walang paningin.
Bumalik lamang ang sigla niya nang ibalita sa kanya na may donor na siya at bukas ang operasyon. Tinanong niya kung sino ang donor niya para mapasalamatan niya ito pero ang hiling ng kanyang donor ay wag na daw sabihin sa kanya.
Naging matagumpay ang operasyon. Malapad ang mga ngiti sa kanyang labi. Nakakakita na uli siya.
Bumalik siya sa kanyang pag-aaral nang maging okay na siya. Si Gilbert ang una niyang kaklaseng nilapitan para ipakita rito na sobrang saya niya dahil nakakakita na siya.
"Congrats bro sa success ng operasyon mo. Ayan, nakakakita kana ulit." Sabi ni Gilbert sa kanya.
"Sobrang thankful ako sa donor ko." Nakangiting sabi niya sa kaibigan.
Napahinto sila sa pag-uusap ng makarinig sila ng bulungan. Napatingin siya sa direksyon kung saan nakatingin ang mga tao.
Natigilan siya pagkakita niya kay Moira. Parang may pumitik sa puso niya at tila nanghina siya dahil sa estado ng dalaga.
Nagkaroon siya ng kutob.
Naglakad siya papunta kay Moira. Tumigil siya sa harapan nito at tinitigan ito sa mukha. Parang sasabog ang puso niya habang pinagmamasdan ang mga mata ni Moira.
"Anong nangyari sa 'yo?" sambit niya.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Moira pero ilang sandali lang ay gumuhit ang magandang ngiti sa mukha nito.
"It's very unusual. You talked to me first, Zayn." Bakas sa boses ng dalaga ang tuwa.
"Anong nangyari sa mga mata mo? Ikaw ba ang donor ko?"
"Hindi mo na dapat nalaman."
Sunod-sunod na luha ang lumabas sa kanyang mga mata sa sinabi nito. Parang pinipiga ang puso niya ng kanyang konsensiya. Hindi niya inaasahan na yung babaeng kinaiinisan at ayaw na ayaw niya ay ang taong tutulong sa kanya. Yung taong palagi niyang sinasaktan ang damdamin ay ang rason kung bakit siya nakakakita ngayon.
Kinuha niya ang mga kamay nito at inilapit sa kanyang mukha bago napaluhod sa harapan nito.
"Sorry..." iyak niya.
"Hindi ko 'yon ginawa para lumuhod ka sa akin kaya tumayo ka diyan, Zayn."
Tumayo siya at napayakap nang mahigpit kay Moira. "Bakit mo binigay sa akin ang mga mata mo, e, kailangan mo rin 'yan?"
Pumiglas ito sa yakap niya at hinawakan ang kanyang pisngi. "Hindi ba nangako ako noong bata pa tayo na lahat ay gagawin ko para sa 'yo?"
Nangunot ang noo niya at hindi makapaniwala sa narinig. "Ikaw si Moi-moi?"
"Mabuti at naalala mo na ako," nakangiting sabi nito.
