Damit Sa Ukay

64 3 0
                                    

This oneshot is published under Binhi Publishing House for Hilakbot ng Kahapon (A Horror Anthology).

Damit Sa Ukay
ni vanunulat

"Lyrane, you're going out on a date tapos sa ukay-ukay ka lang bibili ng susuotin mong damit? Are you out of your mind?"

"What's wrong with that, Carla? Kahit second hand lang ang mga tinitinda sa ukay-ukay, okay pa naman. Mura na, original pa ang iba."

"Whatever," sambit niya saka umirap. "Baka ma-disappoint lang ang ka-meetup mo sa 'yo."

"Hindi 'yon. Hindi niya naman alam na sa ukay lang ako bumili," sabi ko. "Kaya sige na, Carla, samahan mo na ako sa loob."

Kahit tutol pa rin, wala na siyang nagawa kundi pilit na samahan akong pumasok sa loob ng isang ukay-ukay store. Pumunta kami sa women section at agad akong naghanap ng damit.

"This one!" nakangiting bulalas ko hawak ang hanger na may black dress. "Wow! Ang ganda nito. It suits my taste."

"Why do I find that creepy?" sambit ni Carla habang alangang nakatingin sa hawak kong damit. "Paano kung ang dating sumuot o nagmay-ari niyan ay may something na nakakakilabot. My gosh!"

Natawa ako. "Sa kababasa mo ng mga horror stories, ayan, kung ano-ano nang naiisip mo."

Pagkatapos mabili ang damit, umuwi na rin kaming dalawa sa apartment na tinitirhan naming dalawa.

"Sabi no'ng tindera limited edition daw 'to noon, curious tuloy ako kung gaano ito kamahal no'ng ilabas?"

"Mas curious ako kung bakit nasa ukay-ukay na lang 'yan kung naging limited edition 'yan noon," saad ni Carla. "I really feel something in that dress."

"Tumigil ka nga sa kaiisip mong ganyan," saway ko.

"Bahala ka." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sopa at sinukbit ang slim bag sa balikat.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ko.

"May dinner date kami ni Hans," sagot niya saka naglakad paalis.

Pag-alis ni Carla, hindi ko maiwasang tingnan nang paulit-ulit ang nabili kong damit. Napangiti ako dahil sobrang nagagandahan talaga ako sa damit. Hindi halatang sa ukay lang binili dahil mukhang bago at mamahalin.

Tinungo ko ang likod ng apartment para malabhan na ito dahil susuotin ko pa ito bukas sa first meeting namin ng boyfriend kong nakilala ko sa isang dating site.

Habang abala ako sa pagbanlaw, pakiramdam ko'y may nanonood sa akin mula sa likuran. Kanina pa ang pasulyap-sulyap ko pero wala naman akong nakikita pero ramdam ko talaga na may kakaiba.

Matapos kong maisampay ang damit, pumasok na ako sa loob at dumiretso ng kusina para magluto ng makakain kong hapunan. Naisipan kong magluto na lang ng instant noodles.

Habang mag-isang kumakain, may ingay na nanggaling sa sala kaya agad akong napatayo sa pagkakaupo sa harap ng dining table para tingnan ito. Nahulog sa pagkakasabit sa pader ang isang painting at nabasag ang salamin nito.

Napailing na lang ako. Kumuha ako ng walis at dustpan para linisin ang mga basag na salamin. Habang nililigpit ko ang kalat, may narinig akong yabag ng mga paa na tumakbo kaya napalingon ako sa pinanggalingan nito. Kinilabutan ako nang may mahagip ang paningin ko na anino ng isang babaeng papunta sa kusina. Sa kisapmata ay agad rin itong naglaho.

"Carla?" sambit ko. "Ikaw na ba 'yan?"

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina para kumpirmahin kung si insan ito. Mahilig kasing dumaan sa likod ng apartment ang babaeng iyon para takutin at paglaruan ako. Ngunit, pagdating ko ng kusina ay wala naman akong nakita.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon