Photograph
by vanunulatWearing her usual outfit, a sunglass, floral dress paired with white sneakers, wielding a walking stick, she walked out from their house. When she heard her mother's voice calling her, she stopped from walking.
"Penelope, do'n na naman ba sa Eco Park ang punta mo?" tanong nito at tango lang ang kanyang naging sagot. "Hindi ka ba nagsasawa, 'nak?"
"It's my favorite place, so why would I get sick of it? Besides, isa 'yon sa business na iniwan ni Papa bago siya namatay."
"Huwag ka na munang umalis at pumunta roon. Kahit ngayong araw lang. There's a guy I want you to-"
"No, thanks, Ma."
"Just meet him for few days. Please?"
"Ayoko nga, Ma. Don't setup me again on another blind date. Ayoko nang paasahin ang sarili ko na may taong magtitiyaga sa bulag na kagaya ko. Please, Ma. Huwag mo na akong pilitin makipag-date ulit."
"Anak, I'm not telling you to date him. Ganito kasi, he is sick-"
"Mang Kulas?" she shouted interrupting her mother.
"Yes, Miss Penelope?"
"Alis na po tayo," aniya. "I'm sorry, Ma."
Inalalayan siya ng kanyang personal driver sa pagsakay sa backseat ng kotse. Tiniklop nito ang tungkod niyang metal at inabot sa kanya. Narinig niya ang pagsara ng pinto sa kanyang gilid at ilang sandali lang ay naramdaman niya nang tumakbo ang sasakyan.
Tahimik lang siya habang nasa daan papunta sa paborito niyang lugar na puntahan tuwing weekend. Inabala niya ang sarili sa pakikinig sa nakasalpak na earphones sa kanyang magkabilang tainga. Tanging ito lang ang kanyang libangan para hindi mainip habang nasa biyahe. Hindi naman niya nakikita ang mga dinadaanan nila. Hindi rin siya makagamit ng gadget na usong-uso sa kabataan na kagaya niya.
Dahil ilang metro lang naman ang layo ng pupuntahan, nakarating din agad sila. Muli siyang inalalayan ni Mang Kulas pagbaba at inabot ang kanyang tungkod.
"Sige na, Mang Kulas. Pwede niyo na akong iwan dito. Tatawag na lang po ako kung magpapasundo na ako."
"Sige po."
Marahan siyang naglakad habang dinadama ang nilalakaran gamit ang hawak na tungkod. Bata pa lang siya ay madalas na siyang dalhin ng kanyang ama rito kaya kabisado niya na ang lugar na ito.
Napangiti siya nang maabot niya ang isang maliit na kubo na gawa sa kawayan. Dahan-dahan siyang pumanik sa tatlong hagdan nito at naupo siya sa bangko na gawa rin kawayan.
Gustong-gusto niyang pumupunta sa lugar na ito kahit wala siyang nakikita. Kontento na siya sa sariwang hangin na binibigay ng ecology park. She finds peace and happiness in this place.
Tahimik lang siyang nakaupo habang nakikinig pa rin ng kanta sa kanyang earphones. Ganito lang ang palagi niyang gawain sa tuwing nandito siya. Hindi naman siya nagsasawa o naiinip dahil pakiramdam niya, kasama niya pa rin ang ama sa tuwing nasa lugar siyang ito.
Natigilan siya nang maramdaman niya ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Umihip ang malakas na hangin at dahil hindi naman makapal ang suot niya, nakaramdam siya ng panlalamig. Niyakap niya ang sarili.
Napasinghap siya nang maramdaman niyang may naglagay ng jacket sa kanyang balikat. Wala sa sarili siyang napatayo at napaatras saka tinanggal ang jacket. Itinutok niya sa kanyang nasa harapan ang tungkod.
"Sino ka?"
"Huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao."
"I said who are you?"
