Screen Wallpaper

314 13 1
                                    

Screen Wallpaper
by vanunulat


"Suzanne!"

Napasimangot ako nang tawagin ako ng pinakabuwisit na mokong na nakilala ko. Hindi ko siya pinansin pero nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin.

"Aminin mo na kasi na crush mo ako."

I rolled my eyes in annoyance. Hindi siguro nakokompleto ang araw ng abnormal na bully'ng ito kapag hindi niya ako naiinis. Ano bang napapala niya kapag nasira niya ang araw ko?

"Crush mo ako, 'di ba? Amin-amin din minsan."

Wala sana akong balak pumatol sa trip niya pero hindi ko na kayang magtimpi sa kakulitan niyang nakakasira ng mood.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Neknek mo! Hindi ako magkaka-crush sa 'yo, ulol!"

Sa sobrang papansin niyang tao, palagi siyang gumagawa ng eksena na nadadamay pati ako. Marami siyang nakukuhang atensiyon mula sa mga schoolmates namin kaya madalas ay inaasar na rin ako ng iba.

"Sus! In denial pa kasi. Alam ko naman na patay na patay ka sa akin."

Wala talagang makakapigil sa kalokohan ng mokong na 'to. As far as I can still remember, two weeks pa lang nag-start ang pasukan ay inasar niya na ako na crush ko raw siya dahil may Justine na nakasulat sa kamay ko.

Like, duh! Hindi lang siya ang may pangalang Justine sa mundo. Hindi lang siya nag-iisa.

Well actually, hindi naman talaga siya ang Justine na nakasulat sa kamay ko. Si Justine Bieber 'yon na super idol ko kaso ang kapal niya at in-assume na siya raw.

"See? Natahimik ka. Silence means yes. Crush mo talaga ako," sabi niya at humagikgik.

"In. Your. Dreams!" pagtataray ko emphasizing each word.

At first, wala naman talaga akong gusto sa kanya. Nagka-crush lang ako simula no'ng tukso-tuksuhin niya na ako. Dahil sa kakulitan niya at may ipagmamayabang din ang pagmumukha niya, bumigay din ako. Nagustuhan ko rin siya eventually. Ayoko nga lang umamin kasi siguradong walang katapusang tuksuhan at kahihiyan ang aabutin ko mula sa kanya.

Nakakainis. Bakit pa ba ako na-fall sa mokong na 'to? Bakit kasi ang tanga ng puso ng tao? Bakit ang rupok ko?

--

Nagliligpit na ako ng mga gamit sa bag dahil uwian na. Natapos ang maghapon na inasar lang ako ni Justine. As usual naman kaya hindi na bago sa akin.

"Suzanne, paki-check naman muna nito sandali, please?" pakiusap sa akin ng kaklase kong babae na pinatitingnan 'yung orchid niya na nasa labas ng room.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko pati na ang cellphone ko sa armchair at pinuntahan muna ang kaklase ko na nasa labas lang naman ng room. I checked her orchids, kung maayos ba ang pakatanim nito. Project kasi namin ito sa Agricultural class kaya dapat namin alagaan.

"Okay na 'to. Alagaan mo na lang nang mabuti," sabi ko at nagpaalam na.

Pumasok ulit ako sa room para balikan ang mga gamit ko pero natigilan ako nang makita si Justine pagkapasok ko sa pintuan. Nakangisi siya habang hawak-hawak ang cellphone ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang sumagi sa isipan ko ang screen wallpaper ng cellphone. Hindi niya dapat makita ang wallpaper ko! Mabilis akong naglakad palapit sa kanya.

"Pakialamero! Akin na nga 'yan!" sigaw ko habang kinukuha 'yung cellphone sa kamay niya.

Inilayo niya agad ito sa akin. Hindi mawala ang malaking ngisi sa kanyang labi. Nakakainis!

"I knew it! Sabi na nga ba at crush mo ako!"

"Pa'no mo nasabi?"

"Sus! Umamin ka na, Suzanne. Kung hindi mo ako crush, hindi mo gagawing wallpaper ang picture ko," sabi niya sabay pakita ng wallpaper ng cellphone ko.

"Hindi kita crush!" pilit kong pagtanggi kahit kitang-kita naman ang ebidensya ngayon.

"Hindi raw. E, bakit ako ang screen wallpaper mo?" taas kilay niyang tanong. "Usong umamin, Suzanne."

Napakamot ako sa ulo at napahilamos ng mukha. Nakakainis! Sa dami ng tao sa mundo na pwedeng makakita, bakit ang mokong pa na 'to?

Alam kong hindi na ako tatantanan ni Justine dahil sa nakita niya kaya wala na rin akong kawala. Wala na akong magagawa kundi ang umamin.

"Oo na! Crush nga kita!" inis kong sigaw at nakita kong napangiti siya. "Ano? Masaya ka na?"

"Finally. Napaamin din kita," ngiting asong sabi niya. "Dapat matagal ka nang umamin kasi..."

Tumigil siya sa pagsalita at dinukot sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Itinapat niya ito sa akin sabay sabing, "Smile, Suzanne!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang kunan niya ako bigla ng picture! Nag-panic ako. Ano kayang itsura ko do'n?

"Ba't mo ako-"

"Crush din kita, Suzanne," putol niya sa sinasabi ko. "Kaya gagawin ko rin 'tong picture mo bilang screen wallpaper ko," dagdag niya sabay kindat.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon