Pass the Kiss
by vanunulatMatamlay kong pinapaikot sa aking daliri ang hawak kong ballpen. Kanina pa kasi ako naiinip dito sa loob ng classroom. Wala kasing teacher dahil nagkaroon ng urgent meeting so ang boring ng classroom.
Bigla akong napatingin sa pumasok na si Chrysler kaya naging abnormal ang tibok ng puso ko. Kaklase ko siya at secret crush ko rin. Ayaw kong mag-assume pero napatingin din ba siya sa akin at agad lang nag-iwas o baka hallucination ko lang?
Ba't naman kasi niya ako titingnan? Unang-una, I'm just a nobody samantalang siya ay crush ng bayan. Anong laban ko do'n?
"Guys, I know that you're all dying of boredom so why don't we just play a game? Mabawasan man lang ang inip natin?" anunsyo ni Chrysler sa buong klase.
"Sige! Game ako diyan!" sigaw ng majority.
"Basta lahat ng nasa classroom is required to join. Bawal ang killjoy," sabi ulit ni Chrysler.
Napakunot noo naman ako. Ano ba 'yan? Required talaga lahat? Pwedeng exempted na lang ako? Pwede sila na lang maglaro?
"Carmen, tara na! Lahat daw dapat sumali. Huwag ka nang KJ diyan!" tawag sa 'kin ni Ellen.
Dahil lahat sila ay naka-formation nang pabilog sa sahig at ako na lang ang hindi pa, tumayo na ako at lumapit sa kanila para sumali. Nakakahiya naman sa kanila. Sabihin pa nila, ang arte ko.
"Carmen, dito ka na sa tabi ko!" sigaw ni Maria habang tinatapik ang sahig sa tabi niya na uupuan ko raw.
Napangiti ako ng pilit at napakamot sa batok. Eh, pa'no ba naman kasi? Kung tatabi ako kay Maria, eh 'di nasa right side ko nakaupo si Chrysler? Grabe! Hindi ko kaya. Feeling ko, mababaliw ako niyan.
"Hindi, huwag na. Dito na lang ako kay-"
"Hindi, Carmen, dito ka na sa tabi namin ni Maria." Hindi ko inaasahang sasabihin ito ni Chrysler.
Halos mag-palpitate ang puso ko at mawalan ako ng hininga. The effect of Chrysler Delfino to me. Gosh!
"Oo nga naman, Carmen. Si Chrysler na ang nag-alok, oh. Tatanggi pa ba?" sabi ng isa naming kaklase.
"At saka, malay mo gusto ka talagang makatabi ni Chrysler," hirit pa ng isa.
Naku po! Magsitigil kayo at baka nangangamatis na ang mukha ko. Ba't ganyan kasi ang mga banat nila sa 'kin? Alam ba nila na crush ko si Chrysler?
Pero sa huli ay lakas loob na lang akong naupo between Maria and Chrysler. Nakakahiya man pero kailangan gawin kasi baka may isipin sila.
"Ano bang game, Chrysler?" tanong ni Gina.
"Pass the kiss," aniya.
"Ha?!" gulantang naming tanong, sabay tingin sa kanya.
"Kalma lang," nakangiting sabi niya. "Kiss sa cheeks lang naman. Pass the kiss then, say something."
"I like that, bro!" nakangising sabi ni Andres.
"Hahaha ako din. Great idea," sabi pa ni Cedie, sabay lingon sa katabi niyang si Sarah.
"Syempre ako rin!" sigaw naman ni Drei.
"Pass the kiss talaga? Baka pass the message?" wika ni Myra.
"Luh! Luma na 'yan, Myra! Ang boring niyan. Walang thrill," sagot ng isa naming kaklaseng lalaki.
Halos lahat ng kaklase naming lalaki ay pumayag. Eh, sino ba namang hindi papayag kung makakadiskarte ka? Pero may magkatabi namang, girl and girl then boy and boy. Malas 'yung mga girls na may katabing lalaki.
Ako ba malas sa katabi ko?
"Sige, payag ako kahit katabi ko ay kapwa kong lalaki. Brother kiss lang naman ang ibig sabihin no'n. 'Di ba, mga brothers?" sabi ni William.
"Sige, payag na rin kaming girls."
"So, let's start the game! Basta pagkatapos ipasa ang kiss sa katabi niyo, say something you wanna say to her or to him. Chance niyo nang sabihin ang hindi niyo masabi sa katabi niyo," wika ni Chrysler. "Magsimula tayo kay William."
At ayun! Nagsimula na nga ang game. Pagkatapos ni William, 'yung katabi naman niya ang gumawa sa katabi niya hanggang sa katabi ng katabi and so on.
Ilang kaklase ko na lang ang natitira at turn na ni Chrysler. My God! Ewan ko ba kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Naloloka na ako!
At tuluyan na nga akong naloka. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Walang tigil pa rin ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil turn niya na! My gosh!
Tumingin ako sa kanya nang tingnan niya rin ako. Parang araw ang mga mata niya. Nakakatunaw at nakakasilaw siyang tumingin. Mas na-i-inlove lang lalo ako sa taong ito. Napalunok ako ng laway nang unti-unti na siyang lumapit sa 'kin para ipasa ang halik.
Dugdug. Dugdug.
"Anong meron dito?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan nakatayo ang teacher namin. Waaah! 'Yon na 'yon! Magdadampi na sana ang labi niya sa pisngi ko. Ba't naudlot pa? Huhu. Ano ba 'yan! Sayang! Kahit sa laro man lang sana ay nakakuha ako ng halik kay Chrysler. Tss!
Nagsitayuan na kaming lahat at inayos namin ang mga upuan. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Dismayado akong masyado at aminado naman ako. Hays!
"Sayang ng halik ni crush ng bayan, 'no?" tanong ni Maria at napanguso lang ako.
Sayang talaga!
Nakasimangot akong naglalakad sa hallway. Pauwi na ako ngayon. Medyo bad mood pa rin ako dahil sa naudlot na kiss ni Chrysler kanina. Sayang talaga. Amp!
"Psst!"
Nakarinig akong sitsit mula sa 'di kalayuan. Lumingon ako sa paligid para hanapin ang sumitsit at dahil wala nang tao ngayon sa nilalakaran kong hallway, nakaramdam ako ng takot bigla.
Binilisan ko ang paglalakad nang biglang may humatak sa akin papunta sa likod ng isang classroom. Napasigaw ako pero nawala din ang sigaw ko nang takpan ng sinumang taong ito ang bibig ko gamit ang palad niya.
"Shhh! Huwag kang maingay, Carmen. Wala akong masamang gagawin sa 'yo," bulong nito mula sa likuran ko.
Oh my God. I know whose voice it is!
"Chrysler?" sambit ko at humarap sa kanya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bakit mo 'ko dinala rito?"
"Ano kasi..." Tumigil siya sa pagsasalita at tila nag-aalangan sabihin ang gusto niyang sabihin.
"Ano?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya ng malalim at biglang lumapit sa 'kin. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ilapat niya ang aming mga labi. Ilang beses akong napakurap habang hinahalikan niya ako.
"Pass the kiss," sambit niya. "Sorry, Carmen. Alam kong dapat sa cheek lang kita halikan kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko, eh. Dapat kanina kita kiniss pero dumating kasi si Ma'am."
"So, anong sasabihin mo? 'Di ba sabi mo, after ma-pass ang kiss, may sasabihin?" tanong ko.
"Gusto kita, Carmen. Iyon sana ang sasabihin ko sa 'yo kanina pagkatapos kong i-pass ang kiss."
Hindi ko napigilang itago ang ngiti dahil sa sinabi niya. Nilakasan ko ang loob ko bago lumapit sa kanya at tumingkayad. Binigyan ko siya ng smack kiss sa labi kaya nagulat siya.
"Wala na kasi akong mapasahan ng kiss kaya ibinalik ko na lang sa 'yo," sabi ko saka ngumiti. "At ang sasabihin ko naman ay..."
"Ano?" sabik niyang tanong.
"Gusto din kita, Chrysler."