143

117 5 0
                                    

Hi Cutest_Panda1! Here's your requested story. I hope you like it.

143
by vanunulat


"Excume me, miss?"

Napalingon ako nang may tumawag sa atensiyon ko. Natigilan ako nang makita ito. Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay muli na naman akong tinamaan ng pana ni Kupido.

"Bakit?" halos mautal kong sagot dito.

"Pasensiya na sa abala. I'm a transferee so hindi pa ako masyadong pamilyar sa school na 'to kaya pwede bang magtanong ng direksyon?" tanong nito na agad naman nagpatango sa akin. "Saan ba rito ang Engineering department?"

Magiliw kong itinuro dito ang direksyon ng hinahanap nito. Gusto ko pa sana itong samahan papunta roon pero hindi naman yata kailangan saka may klase din akong kailangan pasukan.

"Maraming salamat," anito saka ako binigyan ng napakagandang ngiti bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Ilang sandali ko itong pinagmasdan bago tumalikod at naglakad na rin. Malapad akong nakangiti dahil mukhang may panibago na naman na nakahuli sa puso ko. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay napahinto agad ako sa pagtawag sa akin no'ng lalaki. Mabilis akong napalingon dito.

"Nakalimutan ko," aniya.

"Hm?" nagtatakang tugon ko.

"Nakalimutan kong itanong ang pangalan mo."

Halos tumili at mag-hysterical ako sa sinabi nito. Pinigilan kong kiligin pero parang ang obvious din naman dahil pakiramdam ko'y namumula ang pisngi ko dahil nag-iinit ito.

"Ysairah," sambit ko. "Iyan ang pangalan ko."

Naglakad ito pabalik at lumapit sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. "And I'm Fred. Masaya akong makilala ka, Ysairah."

"Nice to meet you too," kinikilig kong sagot saka nakipag-handshake sa kanya.

"You are the first person I met here so I hope we can be friends," sabi niya.

Simula no'ng araw na makilala ko si Fred, feeling ko nagkaroon ng malaking pagbabago sa akin. And I think, I'm changing into better. 'Yung dating tinatamad at bored akong pumasok, nawala bigla. Ginanahan akong pumasok araw-araw para lang makita ang napakagwapong mukha ni Fred.

Hindi ko maintindihan. Nagkaroon na ako ng maraming crush pero iba si Fred sa lahat ng naging crush. He has something that I can't explain. Kung dati ay mabilis akong makahanap ng bagong crush sa tuwing mawawala ang pagkagusto ko sa isang tao pero ngayon may tumagal. Si Fred lang ang naging crush ko nang matagal. Hulog na hulog yata ako sa kanya.

Paano ba naman kasi akong hindi mahuhulog masyado sa kanya, eh sobra siyang pa-fall? Ang bait-bait niya sa akin. Sa tuwing nakakasalubong ko siya, nginingitian niya ako. Kapag mag-isa ako, sinasamahan niya ako. So, tell me. How can I easily get rid of my feelings for him?

"Ysairah!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita ang tatlong kaibigan ko. Naglakad ako palapit sa kanila at nakipag-beso.

"Pupunta na kayo ng classroom?" tanong ko sa mga ito.

"Hindi pa," sagot ni Julia.

"Samahan mo muna kami sa Engineering department," wika ni Rica.

"Bakit? Anong gagawin do'n?" nagtatakang tanong ko.

Lumapit sa akin si Klare at inakbayan ako. "Hindi ba close kayo ni Fred? Pakilala mo naman ako sa kanya."

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon