May Forever

77 6 0
                                    

May Forever
by vanunulat


Nagsalubong ang mga kilay ko nang may makita akong couple na naglalampungan pagpihit ko paharap. Ang sarap nilang batuhin. Ang sakit nila sa mata. My God!

Inis akong naglakad paalis. At isang couple na naman ang nakasulubong ko. Holding hands while walking. Ang sarap dumaan sa gitna nila para paghiwalayan sila sa isa't isa. Tsk!

Pagdating ko ng classroom, tuluyan na akong nawalan ng gana. Pati ba naman sa classroom marami pa ring PDA? Saan ba ako lulugar? Ang sakit na ng mata ko! Utang na loob. Tumigil kayo!

Dapat kasi ipatupad na sa school ang "No dating" at "No Public Display of Affection" para kung may lumabag man, kick out agad. Eh 'di nabawasan ang sakit ng ulo ng mga single at bitter na katulad ko.

Umalis ako ng classroom at nagpunta ng canteen. I'm stress. Kailangan ko mag-stress eating. Baka ma-depress ako eh.

Matapos makapag-order ng spaghetti at juice, inukupa ko ang isang bakanteng table. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may umupong couple sa kabilang table. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor. Ang sarap itarak ng tinidor sa dalawa lalo na nang maghalikan sila sa labi at sa harapan ko pa talaga! Maghihiwalay din kayo kasi...

"Walang forever!" bitter na bitter kong sabi.

"Sino nagsabi?"

Nagulat ako nang may magsalita bigla at naupo sa tabi ko. Agad ko itong tiningnan. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang si crush ito. Jusmeyo!

Anong ginagawa niya rito? Ang daming bakanteng table pero bakit dito pa siya naupo sa tabi ko? Balak niya bang patayin ako sa kilig?

"Uy?"

Bumalik ako sa ulirat. Ilang sandali ba akong nakatulala sa kanya? Haaays! Palagi na lang akong nawawala sa sarili kapag nakikita ko siya.

"A-Ano?" utal kong sagot.

"Pa'no mo nasabing walang forever?" tanong niya saka sumisipsip sa straw ng hawak niyang yogurt drink.

"Kasi maghihiwalay din sila."

"Ang bitter mo," aniya.

Pa'nong hindi ako magiging bitter kung lahat may jowa habang ako'y wala at wala pang pag-asa sa 'yo!

"Hindi ako bitter. Sinasabi ko lang ang totoo."

"Ano ba ang totoo?"

"Na lahat maghihiwalay dahil walang forever."

Napailing-iling siya. Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ako habang kagat ang straw. Can't he notice that I'm feeling awkward with him?

"May forever," sambit niya bigla kaya napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo akong patunayan 'yan sa 'yo."

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Nanigas ako sa kinauupuan at ilang beses akong napalunok dahil sa ginawa niya.

"Let me be your boyfriend and I will prove to you that there is forever," nakangiting sabi niya.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon