Status
Nilayo niya ang sarili sa'kin at nagtawanan silang dalawa ni Rheabelle. Hindi ko na sila matignan ng diretsyo dahil sa namumuong galit sa'kin.
Nakaalis na sila bago pa bumalik si Gael. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Dumating ang pagkain namin at tahimik ako kumain dahil habang tumatagal sumisikip ang dibdib ko.
Pauwi kami ay alam kong napansin ni Gael ang pawawalang kibo ko sakanya.
Panaka-naka ang tingin niya sa'kin habang nagmamaneho siya kaya nang makarating kami ay kating-kati ako makaalis.
" Thanks. " I said coldly.
Nagmamadali ko tinanggal ang seatbelt at hindi ko alam kung bakit hirap na hirap ako kalasin iyon. When I heard his sighed and leaned closer just to help me, I stop moving.
Hindi ko napigilan pagmasdan siya. Sumabay ang kirot sa dibdib ko ang galit. Gulong-gulo sa mga kinikilos niya sa'kin. If..i-if ever na totoo ang sinabi ni Liliana na babalik din si Gael sakanya. Then.
When will he stop? Sisirain na naman niya ako.
Umangat ang paningin ni Gael at nahuli ang paninitig ko.
" What are you thinking?" He said. Lumayo at nanliliit ang mga mata sa'kin. " Kanina ka pa tahimik Espe. " turan niya.
Muli, umiwas ako ng tingin.
" I'm tired. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako. " may pahiwatig akong sagot sa kanya.
Kumunot ang noo niya at nagtagal ang titig sa'kin.
" What's the matter?" Turan niya.
Umiling ako.
Nang inangat niya ang kamay para haplusin ang pisngi ko ay hindi ko napigilan iniwas ang mukha.
Natigilan siya. Hindi makapaniwala sa ginawa ko.
" I really need to rest Gael. Please let me. " pumikit ako ng mariin.
" Alright. " namamaos ang boses niya.
Mabilis ko inayos ang gamit ko at nagmamadaling umalis.
" Goodnight Espe--" kaagad ko sinarado ang pintuan.
Dire-diretsyo ako naglakad paloob nang hindi siya nililingon. Pagkapasok ko sa elevator ay sumiklab ang guilt sa loob ko.
Habol ang hininga at mabingi sa kabog ng dibdib habang pagod at nalulumo sinandal ang likod ko. Tulala.
Bumabalik sa isip ko ang kabastusan sa pagsarado ng pintuan habang nagsasalita siya. Kaya pagkarating ko sa condo ko ay hinubad ko lahat ng suot ko at pumasok sa loob ng banyo.
Dami pumapasok sa isip ko. Una ang sinabi ni Liliana, ang kilos at salita mula kay Gael. Ang paggagamit niya sa'kin noon at higit sa lahat ay kung ano kami ngayon.
What is the status of the two of us?
Dahil hindi ko alam! Gulong-gulo ang isip at puso ko! Litong-lito kung ano dapat pagkatiwalaan. What if Liliana is right? Babalik si Gael sakanya at ako parin maiiwan sa huli? N-na..walang totoo sa kilos at pinaparamdam niya sa'kin?
Iiwanan niya ba ako kapag alam niyang nasasanay na ako sakanya? What about me then?
Napatawa ako sa naiisip at sumabay sa pagdaloy ang luha ko sa tubig na umaagos sa buong katawan ko. Patuloy na kumikirot ang puso ko.
Dahil alam kong aasa ako dahil walang ako. Hindi parin ako nadadala sa ginawa niya sakin noon.
Bago ako natulog sa gabing iyon ay tinawagan niya ako pero hindi ko magawang sagutin iyon dahil litong-lito ako.
BINABASA MO ANG
WHEN YOU'RE GONE
RomanceEsperanza De leon She's a happy person that she supposed to do but one day. She fell in love with someone who's in relationship. Luis Gael Javier. Alam niya kung papaano kumikislap ang mga mata nito sa tuwing nakikita si Liliana ang kanyang girlf...