LUIS GAEL JAVIER #6

307 9 2
                                    

Back to reality na po tayo. Hahaha

Tangi

What have I done to her? Why I always hurt her...I love her..so much. I did everything to make it right but everything is chaos.

Hinang-hina ako pinagmasdan siya papalayo sa'kin. Sabi niya sana maging masaya sana ako pero bakit ganito?

Ang sakit..pero alam ko iba ang sakit na pinadanas ko sa kanya.

Wala akong magawa kundi hayaan siya inawan ako. Kung papaano siya lamunin ng kadiliman at tuluyan makalayo sa'kin.

Napasuntok ako sa simento.

" Ahhhhh!! Ang gago ko!" I cried.

What should I do? Papaano ako magsisimula ulit?!

Ang pagkawala ng anak namin ay nagbigay ng epekto sa relasyon namin pero ang lokohin siya?

Putangna! Siya lang ang pag-ibig ko. S-siya lang tahanan ko. Siya lang k-kaligayahan ko. I see my forever in her eyes...

Pero sinaktan ko siya... Sinaktan ko ang babaeng sa kanya ko lang nakikita ang sarili ko.

Sa lahat nang  sinabi ni Liliana ay wala akong kaalam-alam. I don't have any idea about it. Wala akong plano na anakan siya at pagkatapos ay iiwan para lang sumama kay Liliana.

Ni..hindi nga ako sigurado kung may nangyari samin. Lasing ako nun. Lasing ako nang lumapit sa'kin si Liliana. Nilayuan ko. Iniwasan pero mas nanaig ang kalasingan ko.. Gusto ko na umuwi at humingi ng tawad kay Esperanza pero pagkagising ko ay katabi ko na si Liliana.

All these years, nag-ingat ako at hinanda ko ang sarili ko para kay Esperanza pero putcha! Dahil lang sa isang gabi ay tsaka pa ako pumalpak!

Ano nang mukha ang ihaharap ko!? Hiyang-hiya ako humarap sakanya lalo ng malaman ko nabuntis ko si Liliana.

Wala na yata akong magandang nagawa sa buhay ko. Pesteng buhay!

Lalo ng makita ko ang pilit niyang ngiti habang tinutulungan akong mag-impake ng damit ko. Buong akala ko magagalit siya sa'kin pero ano natanggap ko.

She accepted it! She let me go to her. Tngna..gusto ko nalang iliko ang sasakyan at bumalik sakanya. Lumuhod na sana tanggapin niya ako muli.

Pero sino niloloko ko? I hurt her. I cheated on her! I cheated!

Sinabunot ko ang sarili dahil halos mabaliw ako kakaisip kung paano lulutasan lahat.

I love Esperanza but this is too much.. I don't want to hurt her anymore.

I let her go...I let her go even though my soul is dying  just to be with her.

Saan na ako kukuha ng lakas?

Sa pagtakbo ng oras..huli nang malaman kong umaga na. Hindi ako umuwi sa apartment ko kung saan ilan buwan na rin ako nakatira.

I'm here in our home...alone like how I let her alone here before.

Hindi ko siya masisisi kung ang pagmamahal niya para sa'kin ay tuluyan maglaho.

I can't blame her. I asked her to let me go and she did.

Maybe, this is fate for us but I hate it.

Mabilis ako nagbihis ay dumiretsyo sa site. Naging ganoon ang takbo ang buhay ko. Uuwi ako sa bahay namin. Lulunurin ang sarili sa alak para makalimot sandali.

Kahit pansamantala man lang ay makasama ko siya sa panaginip ko.

Sa kabila ng init ay tumingala ako. Malapit na rin matapos ang proyektong ito.  Wala akong idea kung magpapakita pa sa'kin si Esperanza pero umaasa ako.

WHEN YOU'RE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon