CHAPTER 49

335 10 1
                                    

Lasts

I don't want to break down but my tears won't stop from falling. Bawat sigundo ay naalala ko ang sandali buhay pa sila Mommy at Daddy.

Mula sa loob ng kotse ay nakita ko ang kaguluhan sa labas. Sa dami ng taong nakiki-isyoso ay hirap sa'kin makita ang nangyayari. Ang mga sasakyan ng mga pulis ay nakapiligid sa hospital nila.

Sumisikip ang dibdib ko pero pilit ko binalewala dahil ayokong maapektuhan ang anak ko. Hindi lang sarili ko iintindihin ko ngayon kaya mabilis ko pinahid ang luha sa pisngi ko at nang makitang sinakay na sa kotse ang taong sumira sa buhay ko ay doon na muli tumulo ang luha sa pisngi ko.

Pigil ang hikbi ko pero nang hindi ko makayanan ang sakit ay kumawala rin ito.

Whenever I feel chest pain I always deal with it alone. Alam kong nakasanayan ko na ito pero nang mapadapo ang mga palad sa bandang tiyan ko ay natigilan ako.

I don't know but I can feel it twitching in my palm.

Mas lalo lang ako nalungkot dahil alam kong hindi ko maibibigay ang isang buong pamilya.

Pilit kong huminahon lalo nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko sa tabi. May nginig ang mga palad kong inabot iyon.

It's Mr. Pineda.

I cleared my throath.

" Yes?" sagot ko.

" We are already at the precinct and we are waiting for you Ms. De leon."

" Wait for me a minutes." I said and hung up the phone.

Ilang beses ako huminga ng malalim bago ko pinaandar ang sasakyan at umalis sa hospital na iyon. Ilan minuto rin hinintay ko at nakarating ako sa prisinto.

Nagtagal ako sa loob ng kotse at pilit pinapahinahon ang emosyon namumuo sa dibdib ko. Nagulat na lang ako dahil may kumakatok sa bintana ng kotse ko. Nakita kong si Mr. Pineda iyon.

" Ms. De leon. " bati niya ng bumaba ako.

Dumapo ng matagal ang tingin niya sa mukha ko pero pinili hindi bigyan ng pansin.

" They are waiting for you. " he said.

I nodded.

Nilahad niya patungo sa loob kaya sumunod ako sa kanya. Hindi pa kami tuluyan nakakapasok ay rinig ko na mula dito ang boses nagmula dito.

" Bullshit! Just tell me kung sino nagpa-aresto at magbabayad ako!"

Kumuyom ang kamao ko at sumiklab ang galit na matagal kong kinimkim. Malalaki ang hakba at tuluyan pumasok sa loob.

Suddenly the whole area became quiet as I finally entered. Nagtama ang paningin namin ni Jairus pero agad ko rin iniwas.

Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko lalo nang makita ko nagsimulang magwala si Rheabelle.

" Y-you?" Naputol ang sasabihin niya dahil sa anak.

" You bitch! How dare you do this! You fucking whore and disgusting human!" She shouted.

My eyebrow raised as I looking at them. Umirap lang ako at nakita ko pananahimik ni Mr. Gabatino nang makita ako. He looks shocked and scare..dd.

" Let's start. " I said.

Sinenyasan ko si Mr. Pineda na agad naman naalarma. Huminga ako ng malalim at iniset-up ang abidensya. Pinili kong maging malayo sa kanila para sakaling susugurin nila ako ay makalayo agad ako.

I don't want to risk my baby. I don't want to lose someone I love.

Baka di ko na kayanin

" Si Ms. De leon ang nagsampa ng kaso sa'yo Mr. Gabatino at sa'yong anak. " sabi ni police chief.

WHEN YOU'RE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon