CHAPTER 36

232 6 1
                                    

Lost

My lip trembled as I continued to cry in front of him. Letting him take my hand and put the ring on my finger. 

Nalilito ako kung masaya ba ako o nasasaktan dahil hindi bukal sa loob ko ang sagutin siya. Kaya bago pa siya makatayo mula sa pagkakaluhod ay tinalikuran ko siya.

" Espe!" He called my name.

Tumigil ako saglit para tignan ng masama si Liliana bago banggain ang balikat niya.

" I won't let him go. " she said firmly.

Malalaki ang hakbang ko palayo at pinili huwag pansinin iyon. Nakasakay na ako sa kotse ko tsaka lang nakalabas si Gael. Isang beses ko siya dinapuhan ng tingin sa side mirror bago pinaandar ang engine at lumayo sakanya.

Kumikirot ang dibdib ko ng maagaw ng pansin ang singsing na suot ko. The ring glows with every touch of light on it. It looks so perfect on my hand.

Sa bilis ko magmaneho ay nakarating ako sa condo. Binilisan ko ang hakbang dahil paniguradong susunod sa'kin si Gael. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas ay kumakatok na siya sa pintuan ko.

" Espe. Let's talk!" kalampog niya sa pintuan.

Pumikit ako ng mariin. " Just leave me alone!"

" No!" matigas na turan niya.

Nagbara ang lalamunan ko at umiiling-iling. Pagod na pagod ako nagtungo sa kwarto ko tsaka tinakpan ang taenga para di siya marinig. Sumandal ako sa headboard ng kama pero hindi ko alam nakatulugan ko na ang lahat.

Pagkamulat ko ng mga mata ay katahimikan ang sumalubong sa'kin. Bigat sa dibdib ang naramdaman tsaka sakit sa batok dahil sa matagal na ganoon ang posisyon ko.

I sighed heavily. Umalis ako sa kama at lumabas sa kwarto. Pagtingin ko sa orasan ay alas-dos na ng madaling araw. Tumungo ako sa kusina at uminom ng tubig pero nasa kalagitnaan ako ng maalala ko si Gael.

I stared at the door. Wala sarili dinala ng mga paa sa pintuan at binuksan iyon. Bigo agad ang naramdaman kong wala na siya pero nabura iyon ng bumaba ang paningin ko.

There, I saw him leaning against the wall. One foot raised and one propped on the floor. He was peacefully sleeping.

Nanginig ang tuhod ko at may humaplos sa puso ko ng makita ang ayos niya. Uminit ang sulok ng mga mata at babalik na sana sa loob nang makita ko ang pagbagsak ng ulo niya.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko tsaka lumapit at umupo sa harap niya. Suminghop ako at pinagmasdan siya ng maiigi. Naghahalo ang nararamdaman ko lalo ng makita ko siya ganito.

Inangat ko ang kamay tsaka marahan na hinaplos ang pisngi. Pumitik ang kilay niya pero nawala rin agad.

" Why are you still doing here?" Bulong ko.

Bakit sinasabi mong mahal mo ako? Kung halos wala pang isang taon pagkikita natin. K-kung inamin mo sa'kin noon kung gaano mo kamahal si Liliana pero sa'kin ka nag-propose?

A-are you r-really using me again?

" Why? " tumulo ang luha ko.

Sa ganitong posisyon ay napakamahinahon ng mukha niya at tila may bumubulong sa'kin. Pakiramdam ko nawawala ang problema ko dahil sa pinapakita niyang emosyon.

Kusang gumalaw ang katawan ko. Nilapit ang mukha sakanya at walang alinlangin na nilapat ang labi sa labi niya.

Pinatagal ko lang ng ilang minuto bago ko nilayo ang sarili sakanya pero naramdaman kong gumalaw siya at nilagay ang kamay sa batok ko para itulak palapit at halikan muli ako.

WHEN YOU'RE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon