CHAPTER 10

255 6 0
                                    

Avoid

"Ang tagal..."

Napalingon ako sa likod ko at pilit na ngitian siya pero irap lang ang sinukli. Huminga ako ng malalim at tinuon ang atensyon sa basahan nilalabhan ko.

Nandito ako sa CR ng school at cleaners kami. Pinalabhan nila sa'kin yung basahan na ipupunas sa bintana mamaya at doon sana ako sa washing area kaso walang tubig dahil inaayos pa kaya naabutan ko rin yung higher years naglilinis sa CR. May pakiramdam ako na ayaw nila ako papasukin pero di ko alam kung papasalamat ko ba na dumaan si Jairus at sinabi na papasukin ako.

Hanggang ngayon parin kasi mabigat ang loob ko sa nangyari nung nag-dinner kami kasama ang pamilya ni Jairus.

I think Gael is right but whenever I look at my parents. Everytime na tumutulong sila sa iba, ramdam ko ang sensiridad sa bawat kilos nila. Hindi dahil gusto nila i-angat ang posisyon kundi dahil gusto talaga nila tumulong.

Kaya napapa-isip ako kung ganito rin ba ang tingin ng mga studyante dito kaya ganito ang trato nila sa'kin.

"Ano may itatagal pa ba yan?" imik ulit ng isa.

Binilisan ko ang pagkusot at halos tumalsik na sa puting uniform ko. Sa katunayan, hiyang-hiya ako dahil wala akong alam sa paglalaba. Ultimong pagkusot lang ay hirap na hirap na ako kaya ang dumi ay napupunta lahat sa uniform ko.

"Ano ba matatapos ka ba talaga o----" but someone cut her.

"Hoy Gabatino bawal basta-basta pumapasok dito!"

"Oh shut up!" her high pitched voice caught our attention.

Pati na rin yung kasama kong higher year ay napatigil rin at parehas napalingon sa pumasok.

Rheabelle with her red ribbon head ban show up with grin on her face. She raised her eye brows when she noticed our gaze on her.

"What?" asik niya walang pasabing inirapa kaming dalawa.

Lumapit siya sa lababo kaya tumabi ako para bigyan siya ng espasyo. Hindi ko na ulit tinapunan ng tingin katulad noong nakaraan nag-dinner kami na biglang pumasok sa CR at nakataas ang kilay habang naghuhugas ng kilay.

Malalim napabuntong-hininga. Pilit pa rin nilalabhan yung basahan kung tama ba talaga ang ginagawa.

"Do you know what you're doing?" she spoke to me.

Alinlangan akong tumungo pero narinig ko ang nakakainsulto niyang tawa.

"Bitch." she whispered.

Gulat akong napalingon sa kanya. Inagaw niya sa'kin yung basahan nilalabhan ko.

"Hindi mo nga alam." diretsyong sambit niya. "Kusot ka ng kusot ni hindi mo nilalagyan ng sabon." 

Pinanood ko siyang kinukusot ang dulo-dulo ng basahan. Nasa akin ang mangha ng wala man lang talsik na tumatama sa uniform nita na para bang alam niya na ang ginagawa. Nakakabilib rin na nandito siya mag-isa at di kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi rin nagtagal dahil pagkatapos niya kusutin ay binalnawalan ng ilang beses bago nakataas ang kilay binigay sa'kin.

"That how you do it." she said.

Nahihiyang inabot ko iyon. "Thank you...pero sana hinayaan mo na lang ako gawin--"

"As if you do it on five minutes. Aabutin ka pa maghapon na hindi natatapos sa kakakusot." irap niya.

"S-salamat parin."

Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko tsaka umiling sa'kin. Hinayaan niya akong pagmasdan siya maghugas ng kamay at eto ako di na mapigilan mapangiti.

WHEN YOU'RE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon