EPILOGUE

451 11 1
                                    

When you're Gone

Naimulat ko ang mga mata ko at sumilay agad ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Esperanza mahimbing natutulog sa tabi ko.
May tuwa sa puso ko dahil alam ko magaan na ang nararamdaman ko. Di parin naman maalis o bigla-bigla din sumasanggi sa isip ko ang lahat ng kasalanan ko pero sa tuwing nakikita ko ang sukli ng ngiti niya ay gumaan ang loob ko.

" Goodmorning mahal ko. " I whispered.

Bumaba at hinalikan ang noo niya. Bahagya pa kumunot noo niya kaya di ko napigilan napatawa. I look at her big tummy and caressing carefully.

Muli, di ako binigo. Our baby move. 

Lumaki ang ngiti ko at hinalikan rin ang tiyan niya. Walong buwan na niya pero anytime pwede na siya mag- preterm labor na siyang kinakatakot ko ngayon sa'kin ngayon.

I know that my Esperanza is a fighter pero ayokong isugal ang kalagayan niya.

Instead of normal delivery, I decided to do the Cesarean section delivery.

Nakahanda na lahat ng kakailanganin at kahit gusto ni Esperanza na i-normal delivery ay hindi niya kakayanin at hindi na din pwede hintayin na maging kumplikado.

Her heart is not..function or can be worsen if we wait for her right of week of her pregnancy.  Well the reason why it is hard for her heart to pump blood and give oxygen and nutrients to our baby.

Kaya isa rin dahilan kung bakit nahihirapan na din siya huminga.

Takot ako sa pwedeng mangyari.

Alas singko ng umaga at maya-maya pa siya gigising kaya bumangon na ako upang mapaghandaan ang pagkain niya.

Healthy diet breakfast ang hinanda ko at saktong alasais na ng umaga natapos na ako. Hinanda ko muna ang pagkain sa lamesa at pumunta sa kwarto namin.

May ngiti sa labi akong pumasok pero bigla rin nawala ng makita ko ang ayos ni Esperanza.

" Espe!" I shouted.

I run to her.

" G-gael.." she said weakly.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang dugo sa hita niya. Nanginig ang buong katawan ko lalo ng namumutla siya at mahigpit ang kapit sa dibdib.

" Y-you're  b-bleeding.." my voice is stuttering.

Pinilit iminulat ni Esperanza ang mga mata at may luha nangingilid.

" M-manganganak na a-ako G-gael. " she said while gasping for her breath.

Lumaki ang mata ko at dumagsa ang takot sa buong katawan ko pero madalian ko rin ginising ang sarili ko dahil pag-inuna ko ang takot ko ay baka di ko siya maligtas.

Maingat ko siya iniangat at binuhat.

Nakasalubong ko rin si Sir Rodulf na mukhang kakagising lang.

" What happ--- Ihanda ang sasakyan Jeffrey! " he shouted..

Nangilid na rin ang luha sa mata ko at sinalubong agad kami ng driver nila.

" H-hintay ka lang espe..just wait hanggang makara-ting tayo sa hospital. P-please f-fight!"

She nodded slowly.

Binalingin ko ang driver. " Please faster!" I said desperately.

I held her hand and saw her closing her eyes tightly.

" Don't s-sleep!" I demanded. She nodded and smile weakly.

" P-please...I love you...m-mahal na mahal kita..kaya h-hintay lang. " I kissed her many times. Kita ko ang paghihirap niya at daing niya.

WHEN YOU'RE GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon