Simula
"Hi, Kyline..."
Mabilis akong napaismid sa kawalan nang narinig ang boses na iyon. Imbis na humarap sa kaniya ay dumiretso akong naglakad papasok sa loob ng kitchen.
"Teka lang, please?"
Napahinto ako sa paghakbang at nakabusangot ang mukha na lumingon sa kaniya. "Puwede ba Darryl! Tigilan mo ako!" iritado kong sinabi sabay tumalikod na ulit.
I heard him sigh heavily. "Kakamustahin lang naman kita kung okay ka lang?"
"Maayos lang ako. Kaya kung puwede sana huwag mo na akong lapitan?"
Mahinahon ngunit nauubusan ng pasensiya kong saad sa kaniya.
"I can't, Kyline. You know how much I like you..."
Mariin akong pumikit at hindi parin nawala ang iritsayon nang dumilat. "Bahala ka Darryl. Pero uulitin ko wala kang mapapala sa akin," ulit kong sinabi sabay iling ng ulo bago nagmartsa palayo sa kanya.
Bahala nga siya sa buhay niya. I don't have time for other people. I just want to work hard to earn money.
"Oh, bakit gan'yan na naman 'yang mukha mo?" salubong na tanong ni Kendra.
Napabuga ako nang marahas na hangin habang inaayos ang tray ng pagkain. "As usual," saad ko.
I suddenly frowned when I heard her giggle.
"Si Darryl na naman 'no?" she'd guests.
I sighed. "Sino pa nga ba?"
"Bakit nga ba ayaw mo kay Darryl, Kyline? G'wapo naman siya, mayaman, mabait at... malaki pa ang..."
"A-Ang?" nanlalaki ang mga mata kong sabat.
Tinitigan niya ako gamit ang mapanuksong mata kaya umasim ang mukha ko.
"Ikaw ha! Syempre malaki ang pasensya," she then laughed. "Bakit nga kasi ayaw mo sa kaniya? Haler! Perfect package na kaya 'yon! Idagdag mo pang mayaman. Jackpot ka na, gaga!"
Napailing ako.
Binuhat ko ang tray ng pagkain bago lumingon sa kanya. "Ayoko sa mayaman, Kendra. Hindi ako nangangarap ng mayaman," paliwanag ko.
Ayoko ng maulit ang nangyari kay Mama na pagkatapos anakan ng isang mayaman na lalaki ay iniwan na lang hanggang sa nagkasakit at namatay.
Napailing na lang ako nang napansin na bigla siyang natulala habang nakatingin sa likuran ko. Huminga ako ng malalim bago naisipan na i-serve ang mga nakahandang order.
Subalit bigla akong napalabi nang nakitang nasa hamba pala ng pintuan si Darryl at nakasandal, nakapangkrus ang dalawang braso sa dibdib.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ang seyoso niyang mukha habang nakatingin sa akin.
Aminado naman ako na guwapo siya at malakas ang dating. Matangkad at magaganda rin ang itim at bilugang mga mata. Makapal ang kilay at maganda rin ang hubog ng katawan. Pero kahit anong gawin ko hindi ko magawang pagtuunan siya ng pansin.
He sighed heavily while staring at me intently. "Ang babaw ng dahilan mo, Kyline," anito.
Mariin kong pinikit ang mga mata dahil sa sinabi niya bago muling nagmulat. Nakokonsensya rin ako sa pagtataboy ko sa kaniya pero kung hindi ko gagawin iyon ay mas lalo lang siyang hindi titigil dahil masiyado siyang porsigido na makuha ako.
"I don't care. Alis nga d'yan, dadaan ako! At wala kana kung ano man ang dahilan ko!" pagtataray ko.
Nag-umpisa na akong maglakad ngunit agad din akong napahinto dahil hindi kami magkasya sa pintuan lalo na at may dala akong tray ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...