Kabanata 37

5K 151 4
                                    

Kabanata 37

Breathe


"Kyline!" sigaw nila sa akin ngunit agad na akong patakbong lumabas ng kotse.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa nakahambang luha.

Ang sinungaling niya! Napakasinungaling niya!

Sasabihin niyang mahal niya ako pero may anak pala siya sa iba? Malalaki ang hakbang kong naglakad nang maramdaman ang kamay na kumabig sa akin.

Napaharap ako sa taong iyon at napasubsob sa kaniyang dibdib.

"Tumatakbo ka naman palayo..." bulong niya.

Mariing pumikit ang mata ko at pilit tinanggal ang luha. Ayokong ipakitang apektado ako sa nalaman. Ayokong ipakita na pagdating sa kaniya ay nanghihina pa rin ako.

Mabilis ko siyang itinulak palayo at matapang na sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Kailangan ko ng makuha ang anak ko..."

"You shouldn't run again with me, Kyline. This place is dangerous," bulong niya.

Tinanggal ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin at lumayo. "Kailangan ako ni Khloe—"

"No, you will stay inside the car. And we'll save our daughter."

"Hindi puwede! Sasama ako sa loob!" nilingon ko ang nakatayong abandonadong building na madilim at tanging liwanag lamang mula sa buwan ang nagbibigay liwanag.

"Just stay inside the car, Kyline. I promise we'll save her."

"Sasama ako! Baka nakakalimutan ninyong ako ang kailangan? Kaya kahit ako lang mag-isa ay ililigtas ko ang anak ko," protesta ko.

"But it's dangerous inside. It's safer for you to stay in the car," pagpupumilit niya.

Napabaling ako sa likuran niya ng isa-isa nang mabilis na naglalakad ang mga kasamahan na police.

Hindi ako kumbinsidido sa ginawa nila dahil sa oras na malaman ng mga kidnappers na may mga parak akong kasama ay mapapahamak ang anak ko. Pero wala rin akong magawa dahil mission din ito ni Owen.

Bumuntong hininga ako.

"Gusto kong sumama sa loob. Gusto ko na makita Si Khloe— Ah!" napasigaw ako sa gulat nang muling nakarinig nang putok ng baril.

Agad na hinawakan ni Kaleb ang kamay ko at patakbong naglakad sa kung saan. I could even hear him silently cursing.

"Huwag kang bibitaw sa akin," seryosong aniya at mas humigpit pa ang hawak sa kamay ko.

Natahimik na lamang ako at sumunod sa kaniya na dahan-dahan humahakbang papasok sa loob ng abandonadong building.

Malaki iyon at madilim sa loob. My chest suddenly tightened when I remembered that Khloe is scared in darkness.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa sobrang pag-aalala. I hope my baby is safe. She can't bear staying in this place. It's not safe for her.

My body trembled as Kaleb glanced at me.

"Don't be scared, I'm here..." mahinan niyang bulong nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng gusali at agad na nagtago sa mga nakatambak na malalaking galon.

"Save my daughter Kaleb. She can't stay any longer in this kind of place..." I said beggingly.

Pinisil-pisil niya ang palad ko. "I will, I will. Just stay with me..."

I just nodded lightly. My mind suddenly turned to upset about Khloe. Sobra na akong nag-aalala sa kaniya.

Muling sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin kaya agad na tinakpan ni Kaleb ang bibig ko dahil sa akma kong pagsigaw.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon