Kabanata 18
Confrontation
"Kaleb!" I screamed in worry.
Mabilis akong tumayo at patakbong lumapit sa kaniya. Agad ko siyang inalalayan sa braso ngunit mabilis siyang umatras.
"You're still awake?" kaswal niyang tanong.
My brows furrowed and I ignored his question as I checked his arms with both dried and fresh blood.
"Bakit ka ba may d-dugo?" nag-aalala kong tanong.
Napalitan ng labis na pangamba ang buong sistema ko nang makitang may sugat siya sa kaniyang braso.
"Kaleb-"
"I'm fine, Kyline. Don't worry about it..." aniya kaya lalo nagsalubong ang aking kilay habang matamang nakatitig sa kaniya.
Kalaunan, napairap ako sa kaniya at hinila na lamang siya patungo sa lababo. "Hugasan natin, tapos gagamutin!" sambit ko na medyo naiinis sa kaniyang tinuran.
May sugat na nga siya lahat-lahat at nagdurugo tapos sasabihin niyang okay lang siya!
"Ayus lang ako Mahal," aniya, lalong nagsalubong ang aking kilay dahil sa endearment na kaniyang ginamit.
Hindi naman kasi iyon ang tawag niya sa akin kaya nakakapagtaka. Muli ko siyang binalingan at hindi nag-atubiling magreak.
"M-Mahal?" hindi ko maitago ang pagtataka sa aking boses.
"Yeah, Mahal, you're my Mahal..." ngisi niya.
"Baka naman tawag mo 'yon sa babae mo?" pairap kong tanong.
He then laughed. "Ikaw lang ang babae ko, Kyline. Masama na ba kitang tawagin-"
"Hindi, Ahh, huwag mo ako nililito, lilinisin pa natin ang sugat mo!" angil ko.
Tuluyan ko na siyang hinila kahit na panay ang tanggi niya. Tahimik lang din siya habang pinapanood akong nililnisan ang kaniyang sugat.
Nagpatuloy ako sa ginagawa at nakita ko ang gasgas sa kaniyang braso. Napalabi ako at napaangat nang tingin sa kaniya.
"M-Masakit?"
Umiling siya. "Nope, I'm fine."
Tinuyot ko na ang kaniyang sugat at sunod siyang hinila paupo sa sofa. Tahimik lang kami pareho ngunit makalipas ang ilang minuto ay binasag ko 'to.
"Saan mo ba nakuha 'yang sugat mo?" inis kong tanong habang inihahanda ang first aid kit.
Hinubad ko ang kaniyang leather jacket na itim at nilapag sa gilid ng sofa at saktong namataan ko ang kaniyang ID.
Nanikip ang dibdib ko, nag-init ang bawat sulok ng mga mata at gusto siyang kompronntahin sa nalaman ngunit nakaagaw pansin ang mahina niyang pagdaing kaya binalik ko sa paggamot ang aking atensiyon.
"Mahal?"
Halo-halo ang nararamdaman ko ngunit hindi ko siya magawang iwanan sa ganitong kalagayan. I started cleaning his wound as he silently groaned.
"Bakit ka may sugat na gasgas sa braso? At bakit hindi ka umuwi sa inyo para magamot 'yan? Hating-gabi na Kaleb!" sunod-sunod kong sinabi.
He sighed lightly. "I got in an accident..."
"A-Ano? Saan?"
Napahinto ako sa ginagawa at seryoso siyang tinitigan. Nanatili siyang tahimik habang nakamasid lang sa akin.
"Car racing..." paos niyang sinabi.
I stared at his brown eyes and a sudden facial feature of Yhael appeared in my mind as I realized that they have the same eyes. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
Fiction généraleKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...