Kabanata 22

4.4K 134 9
                                    

Kabanata 22

Partner


I was in focus while doing my job. Kagaya ng dati, naka-assign pa rin ako sa mga online orders. Nadagdagan na rin ang staffs sa resto at maraming schedule ang nabago.

Naapektuhan din kasi ang Ishi's restaurant na kasosyo ng Villaruz resort kaya lahat ng empleyado roon ay nilipat sa ibang branch ng restaurant.

This is not the main resto branch, pero kailangan pa rin ng maraming tao dahil kamakailan lang ay dumadagsa ang mga customer. Kaya kahit hindi ko na trabaho ang mag-serve ng orders ay tumutulong ako.

I printed out all the receipts for online orders when a dark shadow blocked in front of me.

Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at agad napabusangot ang aking mukha nang nakita siya.

"Hi, Kyline..." he greeted.

I sighed in front of him, making him feel that I'm not interested.

"May order ka?" saad ko pa rin.

Pinilit kong ikalma ang boses dahil kahit anong mangyari ay customer pa rin siya. Binalik ko ang mata sa screen ng computer. Tumikhim naman siya.

"Puwede bang ikaw ang i-order ko?"

Umangat ang ulo ko sa kaniya at hindi na mapigilan ang sariling umismid. "Sir-"

"Just Yhael," he interrupted.

I exhaled. "Kindly excuse me-"

"Wait."

Napatiim-bagang ako. "Sir, pasensiya na po pero may trabaho po kasi ako."

Pinilit ko pa ring maging magalang sa kabila ng inis na nararamdaman. Maliban sa kapatid siya ni Kaleb, customer din siya. Ayoko naman mawalan ng trabaho dahil lang sa pangungulit niya.

"Then, I'll wait 'til your out," mataman niyang sinabi.

Napakamot ako ng ulo at tinitigan siya. "Hindi naman po kailangan, Sir Yhael. Tsaka..."

"You have debt, Kyline. Remember?" he smirked.

Napalabi ako at naapaiwas ng tingin sa kanya. Saglit kong tiningnan ang screen ng computer nang sunod siyang tumikhim.

"It's just a friendly date-"

"Magbabayad na lang po ako ng cash-"

"I don't accept money for payment," he intruded.

"Pero boyfriend ko po ang Kuya mo. Baka nakakalimutan mo? Hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang lalabas tayo-"

"In short, I'm going to be your brother in law. Bawal ko na bang kilalanin ang bagong kinahuhumalingan ng Kuya ko?"

Napalunok ako. "B-Bago?"

He furrowed. "Have you ever known my brother... that much?"

"Sir?" umawang ang labi ko.

Humugot siya ng hangin at pinasadahan ng dila ang sariling labi. Bahagya niya pang sinuklay ang kaniyang buhok gamit lamang ang kaniyang daliri kaya napayuko ako.

He's masculine too, like Kaleb.

"I just wanna know you better. Kuya is an extremely busy person. He always prioritizes our business, but these past few days... he never goes home," aniya.

Napakagat labi ako dahil sa narinig. Nakaramdam ako ng hiya. These past few days Kaleb didn't leave me alone.

Kahit na hindi ko siya pinapansin, paulit-ulit pa rin siyang bumabalik at madalas na nasa apartment ko natutulog.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon