Kabanata 2
Arogante
Kinaumagahan late na akong nagising dahil sa lamig ng panahon. Tsaka, after lunch pa naman ang shift ko sa resto dahil binago ang schedule namin at mas mabuti na rin dahil hindi ko na kailangan magmadali.
Dumukwang ako sa labas ng bintana ng maliit na apartment na kinuha ko.
Isang taon na ako rito sa Manila at nagtatrabaho sa sikat na restaurant upang buhayin ang sarili.
Kailangan kong mag-ipon para sa pasukan ay may panggastos ako.
Isang taon mula nang natigil ako sa pag-aaral. Pagka-graduate ko ng Grade-12 hindi agad ako nakapag kolehiyo dahil kailangan ko muna mag-ipon.
Balak ko sanang bumalik sa Villa namin pero maraming open na scholarship dito sa Manila. Kaya siguro mag ti-take na lang ako ng exam sa Estevez University.
Kapag nakapasa ako sa scholarship, makakatipid ako dahil may allowance every month. Malapit pa sa restaurant na pinatatrabahuan ko.
Wala akong magulang simula nang nawala si Mama. Hindi ko rin nakilala ang Papa ko dahil sabi ni Mama ay iniwan niya kami noon.
Ang tanging alaala lang na mayroon ako sa kaniya ay ang lumang litrato.
I didn't hope that he would look for me after he left us in the province. Maaga akong namulat sa kahirapan kaya bata pa lang ay natuto na rin akong bumangon sa sariling mga paa.
I sighed heavily as I stood up.
"Hay! Nakakatamad naman," mahinang bulong ko at nag-unat ng mga braso habang naglalakad palabas ng kuwarto.
Diretso akong nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. And like my morning routine I'm planning to jag outside the apartment but it seems that I'm not in the mood.
Tinapos ko na ang pagkain ko at bumalik sa kwarto. Inabot ko ang phone ko at humiga muli sa kama at nag-scroll sa Facebook.
Madalang na ako makapag-open ng social media account simula nang natanggap ako sa resto. Nakapokus talaga ako sa trabaho dahil ayokong pumalpak at matanggal.
I still remember the time when I'm still looking for a job. Halos lahat ay tinanggihan ako dahil hindi pasado ang qualification ko buti na lang sinubukan ko sa Ishi's restaurant at sa kagandahang palad ay natanggap ako bilang crew.
I continued scrolling in my Facebook newsfeed. I was feeling bored. Naisipan kong i-search ang ang University na papasukan ko at hindi ko mapigilan ang kiligin sa posted announcement na bumungad sa akin.
JUST IN: Estevez University is now open for a scholarship program. Please visit the link for more information. @http.EU.scholarship.com
Namilog sa gulat ang mga mata ko at hindi inaasahan ang nakita. Agad akong nag-follow sa page at agad pinindot ang provided na link. Shit! Kinakabahan ako na e-excite!
Napabagon ako at napatakip ng bibig pagkatapos mabasa lahat ng requirement at halos kumpleto ang mga naihanda ko.
Hindi ko mapigilan ang sobrang saya sa dibdib kaya napasigaw na ako.
"Oh my goodness! Thank you, God! Makakapag-aral na ako!"
Hindi ko mapigilan ang saya sa puso ko. Nagtatalon pa ako sa tuwa na agad napahinto sa ere nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto.
"What happened?!" I heard a loud baritone voice appear.
Kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumingon sa likurang bahagi at hindi mapigilan ang magtaka.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...