Kabanata 34
Denying
Tulala ako nang ihatid ako ng ina ni Kaleb sa isang bakanteng kuwarto sa kanilang tahanan. Kahit anong pilit kong umuwi ay hindi nila ako hinayaan.
The documents precisely indicated my father's case. Ayoko pang maniwala pero awtorisado ang mga dokumento. Lalo na nang nakita ang background niyang impormasyon na kasama kami ni Mama.
Napatingala ako. Napahawak sa naninikip na dibdib.
Akala ko magiging maayos na ulit ang buhay ko nang nakilala ko siya, ngunit mukhang mas lalo pang naging komplikado.
"Kumain ka muna, dinala ko na ang pagkain mo rito. Alam kong hindi ka sasabay sa amin."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?" kompronta ko.
Umangat ang mata ko sa kaniya. Nilapag niya ang tray ng pagkain sa ibabaw ng kama sa kabilang side bago lumihis ang ulo patingin sa akin.
He licked his lips as he slowly sat down beside me. Umatras ako ng kaonti at nanatili ang kaniyang tingin sa akin.
"K-Kailan mo pa alam?" nanginig ang boses ko.
"Noon pa..." he paused. "Sa Alcatraz," dagdag niya.
Napasinghap ako. Kumuyom ang kamao nang may narealize sa sinabi niya.
"Kaya ba nilapitan ninyo ako habang nagtatrabaho sa Ishi's restaurant dahil lumabas kami ni Mama sa imbestigasyon kaya naisipan ninyong gamitin kami? Gano'n ba?!" sikmat ko.
Lumamya ang kaniyang mga mata at sunod na umilling-iing ang ulo. "Is not that, Kyine-"
"Lumapit ka sa akin kasi akala mo may impormasyon kang makukuha tungkol sa Papa ko na miyembro ng mga sindikato? Gano'n ba Kaleb?"
"No."
"Eh ano?!" sigaw kong muli. "Hindi ko na alam kung ano ang totoo, kung sinong totoo sa inyong lahat! Pati kami ni Mama na walang kinalaman ginulo ninyo!"
"Line..."
"Kung hindi ako anak ng sindikato, hindi mo ako lalapitan! Hindi mo liligawan para lang gamitin!"
"Damn it, Kyline. I never use you!" mariin niyang agap.
Napailing-iling ang ulo ko at hindi na mapigilan ang pagragasa ng luha.
"Talaga, Kaleb? Hindi mo ako ginamit?" tumango ako at payak na natawa. "Kasi niloko mo lang, ganoon ba?" I mockingly stated.
"I didn't-"
"Tama na! Ayoko nang marinig lahat ng kasinungalingan mo!" angil ko.
"Why did you hate me that much?" his voice broke. "Ako dapat ang magalit sa'yo, 'di ba? Dahil iniwan mo ako sa ere! Iniwan mo ako at hindi ko alam kung saan ako nagkamali at nagkulang!"
Napatikom ang bibig ko ngunit agad kong naalala ang dahilan ng lahat.
"Huwag kang umakto na parang hindi mo alam ang dahilan Kaleb! Dahil hindi ako aalis kung talagang hindi mo ako niloko!"
"Hindi kita niloko. Hindi ko kayang gawin iyon..." huminahon ang boses niya.
Mahina akong natawa sa kabila ng mga luha sa aking mga mata. Tumayo ako habang umiling-iling ang ulo.
"How could you act like you didn't cheat behind my back?! You're so fucking cheater, Kaleb! I hate you!" sigaw ko.
Tuluyan na akong sumabog at halos maputol ang litid sa aking leeg dahil sa lakas ng boses ko.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...