Kabanata 16
Hug
"Dito na ako," sabi ko at nilingon siya.
Nakapamulsa siya habang nakatingin sa gate ng school. Tumango siya at lumapit ng husto sa akin kapagkuwan ay tumitig sa akin ng taimtim.
Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Your uniform is too short..." nakanguso niyang komento.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi mapigilan ang matawa. "Ang haba na kaya nito, Kaleb."
Lalong humaba ang nguso niya at mabilis na hinapit ang baywang ko. Niyakap niya ako mula sa likuran kaya tumambol nang malakas ang dibdib ko.
Pumatong ang baba niya sa balikat ko at bahagya pa akong inamoy-amoy.
"Enjoy your first day, if you need anything don't hesitate to call me..." bulong niya
Tumango lamang ako.
Humawak ang kamay ko sa kamay niyang nakayakap sa baywang ko. "Ngayon ka na rin ba mag-uumpisa sa trabaho mo? Hindi tayo magkikita mamaya?"
He chuckled a bit as he pecked a kiss on the side of my cheek. "Why does it seem like you don't want me to go? You don't want me to work there?"
Napalabi ako. Gusto ko mang sabihin na oo dahil natatakot ako, pero sino ba ako para pigilan siya? Ilang linggo pa lang mula nang naging kami.
"Hindi naman. Para sa'yo naman 'yan eh, pero..." I paused.
"Spill it, I'll listen..." he whispered.
I swallowed. "Paano kung may may m-magustuhan ka roon? Paano kung bigla na lang-"
"Ssh, I will never do that, Kyline. Stop thinking, ikaw lang ang gusto ko. And I'm already contented with you..." napapaos niyang bulong.
Gusto kong makampante dahil sa assurance niyang sinabi pero iba eh, kapag tinamaan ka pala ng insecurity sa katawan mapapa-overthink ka talaga.
Lalo na't ilang beses na may nangyari sa amin. Paano kung magising na lang ako isang araw may-iba na siya? Na nagsasawa na siya dahil nakuha na niya ako.
He's my first boyfriend, kaya siguro sobrang natatakot ako sa mga posibleng mangyari.
Sa totoo lang ayoko ng LDR. Mahirap kasi kapag nilapitan ng tukso, pero bakit pagdating sa kaniya parang okay lang sa akin lahat, tatanggapin ko basta siya.
I sighed in worry.
He smiled. "Stop thinking negative, Kyline. Hindi ko gagawin kung ano man ang naiisip mo. Magiging busy lang ako pero ikaw lang. And we can communicate-"
"After school, may trabaho ako Kaleb. Kung makakapag-usap man tayo siguro hating gabi na at pareho na tayong pagod no'n..." ngumuso ako.
He hugged me tighter.
"Do you trust me?"
Napamulagat ako. "Oo naman! Boyfriend kita eh!"
He laughed softly. "Good, because I trust you more. I know, when I'm not with you someone will try to talk to you, will try to be friends with you. And I am more worried because you have a lot of suitors."
Humaba ang nguso ko at napatikom ang bibig. Akala ko ako lang ang nag-aalala pero siya rin pala.
"See? You're-"
"Hindi ako 'no! Good girl ako!" agap ko.
Sumiksik ang ulo niya sa leeg ko at sa puntong 'to parang ayoko nang bumitaw sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...