Kabanata 5
Hinahanap
Tumayo kaming lahat ng maayos nang pumasok si Sir Vincent sa loob ng kitchen. Halos lahat kami ay nandito dahil may mahalaga sigurong anunsyo.
Umikot ang mga mata ko sa malapad na kusina at hindi inaasahan na napadako iyon sa pwesto nina Kaleb at Tope na nakatingin sa akin.
Kaswal lang ang tingin niyang iyon ngunit hindi nakawala ang kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.
Pinilig ko at ulo at kibit balikat na binalik ko ang atensyon kay Sir Vincent. May hawak itong makapal na sobre.
Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.
Tahimik niyang inumpisahan ang pag-abot sa amin bawat isa na may kaniya-kaniya naming pangalan hanggang sa natapos.
"Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagbigay ng sobre sa bawat empleyado ay dahil pang bunos namin yan para sa lahat dahil sa magagandang performance na ginagawa ninyo sa inyong trabaho. We were glad that you were have a professional behavior not to apply your personal problem during your job," paliwanag nito kaya ang karamihan ay napasigaw sa tuwa.
Hindi ko na rin mapigilan ang mangiti dahil malaking tulong din ito dahil sa nangyari sa akin.
Nagkaroon pa ng konting pag-uusap bago kami bitawan ni Sir Vincent.
_
"Uuwi na ako, Kendra. Maghahanap pa kasi ako ng lugar na lilipatan," sabi ko at inayos ang gamit na nasa luggage.
Day-off ko naman sa trabaho at buti na lang sumakto ang pagbibigay ng bonus cash sa amin.. Gusto ko na rin lumipat dahil habang tumatagal parang may nag-iiba sa amin ni Kaleb.
"Sayang naman bukas pa ang day-off ko, sasamahan sana kita..." anito.
Kahit paano ay napangiti ako kay Kendra. Hindi ko rin napigilan ang mapatitig sa kaniya. Madalas kong mapansin nitong mga nakaraang-araw ang pagiging matamlay niya pero nand'yan pa rin siya para sa akin..
"Okay lang, Kendra. Oh sige na mauuna na ako.." paalam ko ngunit natigilan ako nang yakapin niya ako bigla at mabilis na tumalikod at naglakad palayo.
Gusto ko man na magtanong sa kaniya pero mukhang iba ang mood niya ngayon. Kilala ko si Kendra alam kong magsasabi 'yan kung may problema man siya.
Tinapos ko na ang pag-aayos sa gamit ko at handa ng mag-out sa trabaho.
Naglakad na ako palabas habang tumitingin sa cellphone kung saan ako pwedeng maghanap ng affordable na apartment ngunit napahinto ako sa paghakbang dahil sa madilim na bultong dumilim sa harapan ko.
Nahinto ako at dahan-dahan umangat ang ulo.
"Kyline..."
"E-Excuse me. Dadaan ako."
Hindi siya umalis kaya lumingon ako sa paligid at agad nagbulungan ang ibang katrabaho namin habang nakatingin sa aming dalawa.
Pinag-initan ako ng mukha.
Napapikit ako at agad dumilat at tumitig sa kaniya.
"Kaleb, wala tayong dapat pag-usapan," kalmadong sinabi ko.
He sighed as he stared at me intently. "I'm sorry, Line. I didn't mean it-"
"Okay lang wala naman iyon sa akin," sabi ko. "Excuse me."
Hindi ko na siya hinintay na gumilid at ako na mismo ang naglakad sa gilid niya at nagmamadaling lumabas ng restaurant dahil makaagaw atensyon na talaga ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...