Kabanata 29
Whom
"Don't touch me..." I begged but he continued sensually kissing.
"Hmm... stop... I-I have a boyfriend," I was pushing him just to stop kissing me but he didn't. I felt delicate and withered.
"Please, don't!"
Napabalikwas ako mula sa higaan dahil sa panaginip na iyon. Na araw-araw akong kinokonsensiya.
Dama ko ang butil-butil na pawis ang namumuo sa aking noo. Napahimalos ako sa aking mukha dahil sa prustrasyong nararamdaman.
Stop pestering me! I know it's my fault. Please tama na... kumawala ang mahinang hikbi sa aking sa bibig dahil sa paulit-ulit na panaginip.
Pananginip na totoong nangyari at patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Pangyayaring hindi ko na mababago pa.
Suminghap ako bago tumayo. Pinasadahan ko pa nang tingin ang buong apat na sulok ng kuwarto bago lumabas ng silid.
Pinusod ko ang aking buhok at bumaba patungo sana sa kusina nang namataan kong bukas ang opisina ni Papa.
I stopped stepping.
I then smiled blissfully as I slowly went to his room. It's been two weeks since I met him. And I could say that he was trying all his best to make up everything for me.
Kumatok ako ng dalawang beses at sunod na narinig ang kaniyang boses. "Come in."
Pinihit ko pabukas ang pinto at kumurba ang ngiti sa aking labi nang nasilayan siyang nakatutok sa laptop.
Simula nang sinama niya ako rito sa malaking bahay, he always asked me what I wanted aside from going to school.
Napansin ko rin na masiyado siyang workaholic dahil lagi siyang nakatutok sa kanyang laptop o kaya naman ay umaalis din paminsan-minsan.
Umangat ang mukha niya at tumingin saglit sa akin at binalik sa screen ng laptop.
"Why are you still awake?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Nagising lang po."
Nakatitig ako sa kaniya at kahit na linggo na ang lumipas ay naninigo pa rin akong pakisamahan siya.
"Do you need anything?" tanong niya at sunod na nilipat sa akin ang buong atensiyon. Muli akong napailing.
"Hindi pa po kayo matutulog? Babad na po kayo d'yan sa trabaho n'yo," puna ko.
Umiling si Papa at tipid na ngumiti.
"Come here..." sumenyas siyang umupo sa kaniyang harapan na table. Agad akong tumalima.
"How are you here?"
"Okay naman po, medyo naninibago lang..." nahihiya akong ngumiti.
He nodded and smiled. Binuksan niya ang drawer ng lamesa at may kinuha roon. Brown envelope.
"I already got all your school papers. I just wanna know where or what school you wanted to enroll?"
I'm a bit surprised.
"Papa..." lumukso sa tuwa ang puso ko at mabilis na lumapit sa kaniya at yumakap.
Mahina siyang tumawa at hinagod ang aking likod. "This is nothing compared to the nineteen years I never saw you, sweetie. If only your mother-"
"Ano po bang nangyari sa inyo? Sabi po ni Mama, iniwan n'yo kami dahil sa-"
"I don't want to say anything against your mother, sweetie. But I assured you, I didn't abandon you..." anito.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...