Kabanata 10

5.5K 157 0
                                    

Kabanata 10


Takot

Naglalakad na ako papasok ng restaurant at halos hindi nakawala sa paningin ko ang mapanuksong tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at dire-diretsong nagtungo sa locker room.

Hindi ko alam kung anong mayroon pero nagulat ako nang salubungin at mahina akong hinampas ni Kendra sa braso kaya bahagya pa akong napaigtad.

"Bakit?"

"Ikaw ha, hindi ka nagsasabi..." anito at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

Hinarangan ko ang kamay niya at nagsalubong ang kilay. Ilang araw nakasara ang restaurant tapos ganito ang bubungad.

Sinong hindi magtataka?

Ngumiti lalo nang mapanukso si Kendra bago nagsalita muli. "Kung hindi pa nag pa-party si Vincent hindi pa namin malalaman."

Umiling ang ulo ko sa kaniya at tinalikuran na siya ngunit agad niya akong hinaranga ang dadaanan ko.

"Kendra-"

"Niligawan ka pala ni Vixon, pero dinedma mo lang..." sambit niya dahilan kaya ako'y napalik tingin sa kaniya.

Namilog sa gulat ang mga mata ko at hindi kaagad nakaimik. Paano nila nalaman? Eh matagal na iyon.

"S-Sino nagsabi?"

Umiling ako at dumiretso na ako palabas ng locker dahil ilang minuto na lang ay shift ko na. Aayusin ko pa ang screen sa online orders.

Nilingon ko siya at nakangiwi ito.

"Kay Vixon—"

"Matagal na 'yon Kendra at wala lang sa akin ang lahat," seryoso kong tugon.

Tumango-tango siya at hindi na rin nangulit pa. Tumalikod ito sa akin ngunit maya-maya lang ay may nahulog na maliit na papel mula sa bulsa ng kaniyang uniform kaya kaagad ko itong pinulot at binasa.

Plane ticket?

Nilapitan ko si Kendra na ngayon ay nag-aayos ng order. Pasimple akong lumapit sa kaniya at bumulong.

"Aalis ka?"

Namilog ang kanyang mata sa gulat at dumako ang tingin sa kamay kong may hawak sa nahulog niyang ticket. She was about to speak but Vixon Ishikawa appeared in the kitchen with his usual serious facial expression.

Napalayo ako kay Kendra at nagmamadaling nagtungo sa puwesto sa harap ng screen nang bigla niya akong hinarangan.

Napalunok ako.

"V-Vixon."

Bigla akong kinabahan sa paraan nang pagtitig niya pero kalaunan ay umiling-iling ang kanyang ulo.

"Good morning, Kyline..."

Nakahinga ako ng maayos dahil akala ko mangungulit na naman siya. I smiled a little and greeted him back.

"Good morning, Sir Vixon." I greeted back formally.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dire-diretso nang humarap sa screen ngunit napansin ko pa sa sulok ng aking mga mata ang pamilyar na bulto ng isang tao dahil sa kuryusidad ay nilingon ko iyon.

Napakagat labi ako at ngumiti sa kaniya ngunit seryoso ang mukha. Ito ang kauna-unahang nakita kong walang ekspresyon ang mukha niya.

Gusto ko sana siyang lapitan kung may problema siya subalit sunod-sunod na tumunog ang screen dahil sa mga orders. I sighed lightly. I will just talk to him later on our break time.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon