Kabanata 4

6.7K 190 4
                                    

Kabanata 4


Beat

"Kumusta ka naman? Nahuli na ba ang bad guy?" bungad ni Kendra pagpasok ko ng resto.

"Oo," tugon ko.

Ngumiti ako sa kaniya at dire-diretsong naglalakad patungo sa kusina dahil nakikita ko pa rin ang bulto ni Kaleb sa sulok ng mata ko.

I sighed heavily as I glanced back at Kendra. "Okay lang ako..." sabi ko at pumasok sa locker room.

Sinundan ako ni Kendra.

"Bakit kayo mag kasama ni Kaleb? Tsaka, himala yatang umangkas ka sa kaniya?" hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapanukso niyang tono.

Pinasok ko ang bag sa loob ng locker ko bago siya nilingon.

"Nagkataon lang na wala akong masakyan," walang gana kong sagot.

Pero ang totoo... napilitan lang ako dahil naubos ang pera ko nang pinaayos ang pintuan ng apartment.

Si Kaleb ang nag-ayos pero nagbayad pa rin ako sa kaniya dahil nakakahiya.

Noong una ay ayaw niyang tanggapin pero sa huli wala na rin siyang nagawa dahil nag galit-galitan ako.

Hinuhulugan niya lang pala iyong Iphone na cellphone niya ngayon kaya pala todo kayod siya sa pag-iipon. Pero gastos nang gastos pagdating sa akin..

Humagikgik si Kendra kaya nagkasalubong ang kilay kong tiningnan siyang maigi.

Nakakagat labi siya at may mapanuksong ngiti habang nakatitig sa akin. "Kumusta naman ang ano..." namula ito bigla.

Napailing ako.

"Tigilan mo ako, Kendra. Umangkas lang ako. Iyon lang. Kaya tigilan mo iyang pagka malisyosa mo," angil ko at tinalikuran na siya.

"Ito naman, parang nagtatanong lang eh," aniya.

Nilingon ko siya na ngayon ay nakanguso. Natatawa na lang ako at hindi na nagsalita pa. Minsan talaga isip bata itong si Kendra. Buti na lang nagiging matino siya kapag kaharap si Vincent.

Nag-umpisa na kami magtrabaho. And as usual naka-assign pa rin ako sa online orders. Nami-miss ko pa naman mag-serve ng food dahil may natatanggap kaming tip na nakakatulong din sa amin.

Okay lang naman daw tumanggap kung maayos naman ang trabaho.

Nakaharap na ako sa screen ng mga online orders. Kaka open ko lang at natambakan na agad ako. Kadalasan sa mga order ay lunch meal.

Inasikaso ko na 'yon pinagsabay-sabay ko na iprint out ang resibo bago nagtungo sa kusina upang ihanda ang mga pagkain.

Pwede ko naman iutos ang order pero dahil halos karamihan ay busy tumulong na rin ako sa kusina since may experience na rin ako roon.

Nagkaroon kasi ng job rotation dahil marami ang umalis. Napunta ako sa dishwasher, food server, at ngayon naman sa online orders. Isa na lang ang hindi ko pa nasusubukan ang maging manager.

Napailing ako at natawa na lang dahil sa mga naiisip. Imposibleng maging manager ako, eh, hindi pa ako nakapag-aral sa college at halos huli na ako ng isang taon.

"Bakit ka nakangiti?"

Napawi ang ngiti sa labi ko bago nilapag ang order sa harapan niya. "Wala. Iyan na ang order. Tatlo iyan magkakaibang address. Kasya ba sa delivery box mo?"

Nagsalubong ang kilay ko ng hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Napalunok ako nang napansin ang titig niya sa akin at may naglalarong ngiti sa kaniyang labi.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon