Kabanata 7
Like
Napapikit ako nang maglakad siya palayo. Ngunit bigla kong naalala si Kendra kaya nilingon ko siya sa kinaroroonan niya subalit hindi ko na siya nakita roon.
"T-Teka si Kendra..."
Sinubukan kong bumaba mula sa bisig ni Kaleb pero hindi siya natinag. At mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa akin.
"Don't worry she's safe," malamig niyang sinabi.
Napabuntong hininga ako at sumubsob ang ulo ko sa matigas niyang dibdib dahil sa pag-ikot ng paningin. Wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo ako sa kaniya.
Napapikit ako at dinama ang kanyang amoy na nanunuot sa aking ilong.
Unti-unting humina ang malakas na tugtugin kaya napaangat ang ulo at namalamayan ko na lang na nakalabas na pala kami ng resto.
"Kaleb..."
Hindi siya nagsalita at patuloy lang sa paghakdbang hanggang sa huminto siya kaya lumingon ako at nakitang may binuksan itong sasakyan at pinasok ako roon.
Dahan-dahan at puno nang pag-iingat kahit na parang nahihirapan.
"Kanino 'to?" usisa ko pero wala akong natanggap ni isang sagot.
Inayos niya ang pagkakaupo ko at ikinabit ang seatbelt. Pumikit ulit ako dahil sa biglang pagkahilo at pagbaliktad ng sikmura.
Napahawak ako sa bibig ko at saktong pumasok si Kaleb sa kabilang pinto. Patungo sa driver seat
Gusto kong magtanong anong ginagawa niya ngunit mas lalo lamang ako nakaramdaman ng pagkahilo.
Nabuhay ang makina ng sasakyan kaya napasandal ako sa upuan. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko mawari kung ano. Napatakip ako ng mukha nang naalala ang eksena kanina.
"Nasusuka ka?" he suddenly asked softly.
Umiling-iling ako. "H—Hindi. Gusto ko na umuwi..."
I closed my eyes tightly as he started driving.
Wala na akong pakialam kung kanino 'tong sinasakyan na gamit namin. Gusto ko nang umuwi at matulog. Gusto ko nang humiga. Gusto ko nang magpahinga.
Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan kaya pumirpmi ako. Ramdam ko ang pumipitik-pitik kong ulo dahil sa pagkahilo.
"Malayo pa tayo?" tanong ko. Pakiramdam ko anytime babaliktad na ang sikmura ko.
Bumilis ang takbo ng sinasakyan namin kaya dumilat ako pero mas lalo akong nahilo dahil sa daanan.
"Almost..."
Gusto ko na lang maiyak sa pakiramdam na 'to. Para akong maduduwal na ewan. Parang ang lanta-lanta ko at ang hina.
"Kaleb..."
"Nandito na tayo," imporma niya bigla at biglang huminto.
Minulat ko ang mata ko at mabilis siyang lumabas ng kotse. Lumihis ang ulo ko at akmang bubuksan na ang pintuan nang bumukas iyon.
Pumungay ang mga mata kong tumingin doon. Nanlalabo.
Nakita kong lumitaw si Kaleb. Pumasok ng kaunti ang kaniyang katawan at dahan-dahan akong inalalayan palabas ng sasakyan. Nakahawak siya sa baywang ko bilang pagsuporta hanggang sa tuluyan akong makalabas bago sinara ang pinto.
Nag-umpisa na kaming humakbang pero muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa kawalan ng lakas.
"Kaleb..."
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...