Kabanata 14

4.6K 144 4
                                    

Kabanata 14


Cold

Inayos ko ang humarang na hibla ng buhok sa mukha ko dahil sa malakas at malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha habang magkahawak kamay kami ni Kaleb.

Dumantay ang kaniyang ulo sa balikat ko habang mabagal na naglalakad-lakad sa buhanginan. We can also see all those people who enjoyed swimming and those kids who happily playing. May mga naglalaro rin ng sports na volleyball.

Napalabi ako at sinubukan kong alisin ang ulo niyang nakadantay sa akin dahil kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan kami lalo na ng mga staffs ng resort.

I noticed that some of them greeting Kaleb nicely and some are wondering. Siguro nga kahit paano ay may mga nakakakilala na sa kaniya dahil natanggap siya sa trabaho.

I sighed. "Kaleb, nasa public place tayo..." malat kong sinabi.

"And so?"

'"A-Ang clingy mo... hindi ka ba nahihiya?" napakagat labi ako nang narinig ang mahina niyang pagtawa.

"Why would I? I should be proud of having you," malambing niyang bulong at kusang inalis ang ulo sa balikat ko ngunit pinulupot naman ang isang braso sa baywang ko.

"Kaleb nakakahiya..." napayuko ako.

He cleared his throat as he squeezed my waistline. "Kinakahiya mo ako?"

Namilog ang mga mata ko sa gulat at mabilis na umiling. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Nahihiya lang ako kasi nga nasa publikong lugar tayo tapos, ang dami pang bata..." paliwanag ko.

"Just kidding," he snorted. "Maybe we can get a village-"

"No!" I demurred. "Ngayon pa nga lang napaka-clingy mo na paano pa kaya kapag may kuwarto na naman!" I pointed out.

Muli siyang natawa. "Edi loving loving-"

"Tsk, manahimik ka. Ang hilig mo na!" mariin kong wika kahit na pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

Napahinto siya sa paghakbang kaya tumigil rin ako sa paghakbang at nagtataka ko siyang nilingon.

Kagat-kagat niya ang sariling labi, mapungay ang mga mata na nakatingin sa akin habang nilalapit ng husto ang kanyang mukha sa akin at diretsong bumulong sa tainga ko.

"Hmm, coming from my girl who always begged for more..." he whispered teasingly.

Lalong nag-init ang mukha ko kaya bahagya ko siyang naitulak palayo dahil sa kahihiyan. Malakas siyang humalakhak at halos napabaling ang karamihan sa gawi namin.

Nagmartsa ako palayo sa kaniya na agad niya namang sinundan. Natatawa pa rin.

"Ewan ko sa'yo! Sino ba ang nangunguna?" angil ko sabay ismid.

"E, sino bang umuungol?" pang-a-alaska niya pa.

"Sino bang maharot? Sino bang nang-aakit? At sinong mas matanda sa atin?" sunod-sunod kong tanong habang nakabusangot pa rin ang mukha.

Mas lalo siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa paghakbang. Kinabig niya ang baywang ko kaya napaharap muli ako sa kaniya na lukot ang mukha, samantalang siya ay tuwang-tuwa.

He licked his lips with a grin on lis lips. He touched my face and lifted up my chin. Matalim pa rin ang tingin na ipinupukol ko sa kaniya.

I was thinking that he would be sorry but then...

"Sino bang mas mapusok sa atin?" ngumisi siya na mas lalong nagpainit ng mukha ko.

Umismid ako at tinalikuran siya pero muli niyang kinabig ang baywang ko kaya bahagya akong napasubsob sa matigas niyang dibdib.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon