Kabanata 24
Warning: SPG
Together
Nag-igting ang kaniyang panga at sunod na hinablot ang aking braso sabay hila sa akin palabas ng coffee shop. Ramdam ko ang higpit nang hawak niya ngunit wala roon ang atensiyon ko.
Nakatitig lamang ako sa kaniya at dinama ang kaniyang mabangong amoy na nanuot sa aking ilong hanggang sa tumigil siya at tumapat kami sa isang magarang sasakyan na ngayon ko lang nakita ng personal.
"Get inside," malamig niyang saad.
Agad akong tumalima papasok ng sasakyat at umikot naman siya patungo sa driver seat.
"Seat belt."
Nanginig ang kamay ko nang sundin siya at walang sabi-sabing pinatakbo ang sasakyan. Hindi ako makaimik sa gulat, inis, at kaba.
Napapikit ako at dahan-dahan siyang nilingon na nanatiling seryoso. Umangat ang kamay ko upang hawakan siya ngunit agad niyang hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan.
Napaayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa labas ng kotse dahil malapit na ito sa Elite village.
"Why are you with him?"
My heart ached. I was expecting that he would grab me a tight hug, and kiss me, but he didn't. Dahan-dahan ko siyang binalingan na matamang nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung galit ba ang kaniyang mga mata.
Napaismid ako. "Himala sumulpot ka?"
Lihim akong napakuyom ng kamao dahil sa hindi inaasahan ang sinabi ko. I want to hug him but... it seems like, after a month without showing himself is just nothing for him and makes me feel in pain.
He breathed harshly.
"Why are you with him again?" ulit niyang tanong sa mas malamig na boses.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Unti-unting natutunaw ang inis na nararamdaman ko nang marahan niyang hinaplos iyon.
"Anong pakialam mo- hmm..." hmm.
Naudlot ang sinasabi ko dahil bigla niya na lamang akong hinila at sinakwat paupo sa kaniyang kandungan at agad na inangkin ang labi ko. Nagpumiglas ako kahit na ang hirap gumalaw ngunit...
"Oh, stop!" angil ko nang kagatin niya ang aking labi bago pakawalan.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit namungay lamang ang kaniyang mga mata habang mahigpit na nakayap paikot ang braso sa aking balakang.
"Bitaw!" angil ko ngunit pinisil niya lang ang aking balakang at sumubsob ang ulo sa aking leeg.
Nanghihina ako.
"Miss na miss kita tapos aawayin mo lang ako..." napapaos niyang bulong sa likod ng aking tainga na nagdulot ng libo-libong boltahe ng kuryente na gumapang sa kalamnan ko dahil sa mainit niyang hininga.
Suminghap siya at inamoy-amoy ang aking leeg. Nangangatog na ang mga hita ko dahil sa namumuong butil ng pawis sa aking noo.
Para akong naakit at nauuhaw sa bawat dampi ng kaniyang kamay sa balat ko.
"You didn't miss me?"
Napasinghap ako nang maglakbay ang daliri niya sa likod ko, paakyat sa balikat, patungo sa sensitibong parte ng leeg.
"K-Kaleb..." halos hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa mainit na sensasyong dulot niya.
"Hmm? What did I say?"
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...