Kabanata 23
Missing
"Ah! Ano ba Kaleb!" napasigaw ako sa inis dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring nagpaparamdam na Kaleb.
"Sabihin mo kung ayaw mo na! Hindi 'yong, hindi ka na lang nagpaparamdam bigla! Nakakainis ka!"
Hindi ko maiwasan ang masaktan. Isang buwan. Isang buwan ng hindi nagpaparamdam si Kaleb. Hindi ko rin masiyadong nakikita si Yhael na pumupunta sa restaurant.
Muli kong sinubukan silang tawagan pareho ngunit hindi ko pa rin makontak. Hindi ko na napigilan ang pamamasa ng mga mata dahil sa bigat ng pakiramdam.
Nang makababa ako ng tricycle sa harap ng resto ay saglit akong gumilid. Tumingala ako at pinikit ang mga mata, makalipas ang ilang minuto nang nakarinig ng sunod-sunod na busina ay napadilat ako.
Mahigpit kong hinawakan ang bag ko nang nilingon ang pinanggalingan ng busina at lumukso sa tuwa ang dibdib ko nang nakita ang sumulpot na sasakyan ni Sir Vincent.
Nabuhayan ako ng loob makita siya upang magtanong tungkol kay Kaleb, ngunit nadismaya ako ng iba ang lumabas.
Si sir Liam.
Inayos ko na lamang ang sarili ko at sumunod na lamang na pumasok sa resto.
"Ayos ka lang ba? Parang ang tamlay mo..." bunbgad ni Rina habang inaayos ko ang order.
Ngumiti ako. "Okay lang."
Tumango siya. "Ilang linggo na pala pero hindi pa rin pumupunta si Sir Vincent at Vixon dito."
Oo nga naman. Sabay-sabay talaga silang hindi nagparamdam.
Nilingon ko si Rina pero agad ding naputol nang may dumilim na bulto ng tao sa gilid namin. Napaling agad ako roon dahil sa pamilyar na amoy ang nanuot sa aking ilong.
"Vixon!" hindi ko maitago ang saya sa boses.
Magkasalubong ang kaniyang makapal na kilay pero may ngiti sa labi na para bang namamangha habang nakatitig sa akin.
"Oh, you miss me?" he chuckled.
"Hala ka, Kyline. Kayo ni Sir?" si Rina.
Mabilis kong nilingon si Rina at agarang umiling. "Hindi 'no," tanggi ko.
"Pero bakit nakangiti ka?" usisa niya.
Nilingon ko si Vixon nang malakas itong tumawa. "She missed me, Rina."
"Hala-"
Tinakpan ko ang bibig ni Rina nang akmang sisigaw ito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata na huwag maingay at tumango naman siya kaya tinanggal ko na ang kamay na nakatakip sa kaniyang bibig.
"Magkaibigan lang kami ni Vixon," sambit ko.
"Oh, since when, Kyline?"
Inis akong bumaling kay Vixon dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko alam," saad ko. "Pero puwede ba kitang makausap?"
He laughed. "We are already talking."
"I mean, p-private..."
"Teka, bakit kayo mag-uusap ng private? May relasyon talaga kayo 'no?" singit ni Rina kaya napailing na lang ako at binalik ang atensiyon sa pag-aayos ng mga orders.
Lumipas ang halos buong hapon nang natapos ang shift ko. Agad hinagilap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Vixon.
Nakita ko siyang nasa labas ng resto kaya pinuntahan ko siya at aksidente kong narinig ang kaniyang sinabi sa kausap.
BINABASA MO ANG
Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)
General FictionKyline Deion Gamboa's life is perfectly peaceful. She's a hardworking part-timer, a student who wants nothing but to finish her school and a daughter full of dreams. But one day, everything suddenly faded because of a one night mistake she'd acciden...