Kabanata 28

4.2K 144 4
                                    

Kabanata 28

Unexpected

"Miss, Miss!"

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik ng magaspang na palad ang naramdaman ko sa aking mukha.

Dumilat ako at tumambad sa akin ang mukha ng estrangherong lalaki. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mahabang upuan sa terminal at inayos ang sarili.

Nahihiya akong tumingin sa mukhang driver yata.

"M-May biyahe na po ba?" nanghihina kong tanong.

Tumango ang driver at nagsalita. "Mayroon na pero alas sais ng umaga pa ang alis. May ticket ka na ba?"

Umiling ako. "K-Kukuha pa lang po..."

Nanginig ang boses ko dahil sa malamig na ihip ng hangin ang bumalot sa aking katawan.

Tumango ang kausap ko at tinuro ang kuhaan ng ticket. "Punta ka na roon, para makapag pa-reserve ka. Saan ka ba, ineng?"

Napangiti ako.

"Salamat po. Sa Villa Alcatraz po ako," tugon ko.

Sinuri ako ng estranghero at hindi pamilyar sa akin ang bumalatay na emosyon sa kaniyang mga itim na mata. Pagkuwa'y umiling-iling ito.

"Dito ka natulog?"

Tumango lamang muli ako.

Marahas na bumuntong hininga. "May anak din akong babae at mukhang kaidaran mo lang, kaya delikado, bakit ka natulog dito sa terminal?"

Napalunok ako. "I-Inaabanagan ko po ang maagang biyahe."

"Nasaan ang mga magulang mo? Naku ineng, mabuti at hindi ka napahamak sa ganitong lugar. Madalas hating-gabi naglalabasan ang mga pasaway na tambay..."

Gumaan ang loob ko dahil sa maikling pag-uusap ng driver na mukhang mabait naman.

"Maaga na po ako nakarating dito, nakaidlip lang po ulit ako."

Tumango na ang matanda at inikot ang labakara sa kaniyang leeg. "Oh sige na, kumuha ka na ng ticket mo, ako ang unang babiyahe kaya baka ako ang driver na masasakyan mo..."

Tumango ako at ngumiti. "Sige po."

Hinintay ko lang na makaalis ang lalaki bago ako tumayo at kumuha ng ticket.

"Estudyante?" tanong ng kahera.

"Opo," tugon ko.

"May ID?"

Dinukot ko sa maliit na bag kong dala ang ID ko na ang tanging kasama lamang ay ang wallet. Inabot ko ang ID at makalipas lamang ang ilang minuto ay natanggap ko na ang ticket ko.

Discounted ako ng 10% dahil estudyante.

Tumalikod na ako at bahagyang nangunot ang noo nang napansin ang mga nakaitim na lalaki na mukhang sinusuyod ang terminal.

Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa dahil halos lahat sila nakaitim at nakapormal suit pa sa ganitong lugar.

Pero para bang may hinahanap sila dahil halos iniikot nila ang buong lugar at may mga umakyat rin sa loob ng bus.

Pinilig ko ang ulo at nilihis ang ulo. Baka nag-inspeksyon ng sasakyan.

Kumaliwa ako at humakbang nang nakita ang palikuran kaya tinahak ko ang daan patungo roon.

Nakayakap ako sa aking katawan dahil sa lamig. Tanging simpleng white tee shirt at pantalon lamang ang suot ko. Wala akong dala ni isang damit o kahit anong bahage.

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon