Kabanata 35

4.9K 173 18
                                    

Kabanata 35

Truth


"See, it was you?!" I hissed after showing his scandal as I turned off his phone and threw it at him.

My tears continued streaming down as my heart felt so heavy. Gusto ko lang naman malaman kung saan ako nagkulang sa kaniya.

Yes, I may be young at the time when we entered into a relationship. Though I still always understand him. I do always my best to be mature enough so that my young age would not be a burden to us.

"Do you really believe in that?"

Payak akong natawa.

"Bakit hindi Kaleb, huh? Hindi posibleng gawin mo nga iyan dahil palagi kang nawawala noon! Palagi akong nagtatanong pero paulit-ulit mong iniiba ang usapan. At kahit isang paliwanag mula sa'yo ay wala akong narinig!" sikmat ko sa kaniya.

Nabigo ako sa planong hindi na muli siyang kakausapin. Nabigo akong huwag nang halungkatin ang nakaraan. Subalit heto ako ngayon, kinokompronta siya, sumisigaw at umiiyak para sa katotohanan na matagal niyang itinago sa akin.

Nandoon na rin ang pagnanais na malaman kung anong mali at kung saan ako nagkulang.

"I told you I was just busy with our resort, Kyline..." mahinanhon pa rin ang boses niya sa kabila nang bayolente kong reaksyon.

"Sa resort nga ba o sa babae mo?!" I bursted in hatred. "Bakit ba ang hirap-hirap mong umamin Kaleb? Huling-huli kana!"

"Kyline believe me, hindi naman ako 'yan," tanggi niya.

"Tama na ang kasinungalingan Kaleb! Lahat ay nagtuturo sa'yo. Hanggang kailan mo ba itatanggi ang lahat?"

Napaatras ako, napapikit, nang humakbang siya papalapit sa akin at namalayana ko na lamang ang mga braso niyang yumayakap sa akin.

Napasinghap ako.

"Please, believe me. It was not me. I will investigate whoever sent that video."

How could I not believe it? His face was on that video.

"Please..."

My heart tightened more hearing his voice begging again and again. Galit ako sa kaniya, pero bakit ngayon... nanghihina ako.

"Matatanggap ko pa kung iniwan mo ako dahil hindi mo na ako mahal, pero ang akusahan ako sa bagay na kailanman ay hindi ko kayang gawin sa'yo? Parang dinudurog mo na rin ako, Kyline. Wala kang tiwala sa akin..."

Natigalgal ako sa katagang narinig mula sa kaniya. Nagtiwala ako sa kaniya. Sobra-sobra, pero hindi niya naman ako masisisi dahil may mga ebidensyang nagtuturo sa mga ginawa niya.

Silence envelope us. At habang nakayakap ang braso niya sa akin ay nagagawa pa rin ako nitong pakalmahin. But no! He knows how to manipulate people and I won't let it happen again.

I shook my head and tried my best to upper my gaze at him boldly.

"How could I not? There's a video of you!" I hissed.

"Pero hindi lahat nang nakikita mo ay totoo. The technology in today's generation can do multi-functional. And it might be edited just to ruin us."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Pero...

"Sige nga kung hindi ikaw ang nasa video, nasaan ka ng mga panahon na nangyari iyon? Nawala ka at mahigit isang buwan kang hindi nagpaparamdam tapos bigla kang lumitaw. At pagkapos nawala ka naman ng kaparehong araw.Tandang-tanda ko pa ang lahat dahil iyong gabi ko mismo natanggap ang kababuyan mo!" sigaw kong muli. "Kaya masisisi mo ba ako?"

Irresistible Series 1: Kissing The Scars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon